Malunod Ka

ni Jerro Santos

Ilang ulit mo mang buhayin
ang mga natitirang piraso ng luma
nating buhay sa iyong alaala:

mga kupas na litratong ako ang may kuha,
isang kahon na laman ang aking mga liham,
kinakalawang na kuwintas na minsang isinuot ko sa iyo,
lantang pulang rosas na nagkulay-itim,
mga hipong iniiwan ko sa katawan mo
sa tuwing kumakagat ang dilim.

Kung iyong mapapansin,
ang lahat ng iyan ay ‘di tungkol sa iyo
kundi tungkol sa akin.
Mga bagay na paulit-ulit
na sa iyo’y magpapaluha
hanggang sa ikaw ay malunod
at tuluyang magsatubig.

 Orihinal na komento ni Essa Pajarillo

Iniwan mo ako.

Luhaan.
Patay.
Lunod sa nakaraang iyong nilikha.

Na kung papalari’y muli kong matatagpuan
Sa tupi ng mga liham na iyong iniabot
Sa ngiti ko sa iyo sa larawan na kuha mo
Sa lamig sa balat ng kuwintas na minsa’y binigay
Sa amoy ng patay na rosas na lantado
At sa multo ng mga haplos na nagpainit sa mga gabi ko.

Batid kong itong lahat ay sa iyo.
Sa iyo na kung saan umikot ang mundo ko.
At ang kawalan nitong pag-iibigan
Ay di kailanman muling masusuklian

Nang minsan nang TAYO.

Pebrero 19, 2011

Advertisements

23 thoughts on “Malunod Ka

  1. i used to think that people get attached to other people resembling them. that one will look for a partner who, in more ways than one, represents the idiosyncrasy and peculiarity of the person looking. that in an effort to find someone we can share our lives with, we end up looking for another “us.” is it just me or there’s really a bit of narcissus within each one of us?

  2. ala-ala. sila lang ang naiiwan kadalasan. nilulunod nito ang makata kaya siguro mula sa kapayapaan ng tubig sa lawa, bumubukal ang panulat.

    magandang araw!!!tol, add kita sa blogroll ko.

  3. Iniwan mo ako.

    Luhaan.
    Patay.
    Lunod sa nakaraang iyong nilikha.

    Na kung papalari’y muli kong matatagpuan
    Sa tupi ng mga liham na iyong iniabot
    Sa ngiti ko sa iyo sa larawan na kuha mo
    Sa lamig sa balat ng kuwintas na minsa’y binigay
    Sa amoy ng patay na rosas na lantado
    At sa multo ng mga haplos na nagpainit sa mga gabi ko.

    Batid kong itong lahat ay sa iyo.
    Sa iyo na kung saan umikot ang mundo ko.
    At ang kawalan nitong pag-iibigan
    Ay di kailanman muling masusuklian

    Nang minsan nang TAYO.

  4. Truly, feelings change memories don’t.

    “Kung iyong mapapansin
    ang lahat ng iyan ay ‘di tungkol sa iyo
    kundi sa akin.”

    Very poetic, straight-forward, and yes, the end part tells it all.

  5. bagong blog na ulit! yay!

    “Kung iyong mapapansin,
    ang lahat ng iyan ay ‘di tungkol sa iyo
    kundi tungkol sa akin”

    ang galing! reminds me of a song. 😀
    eto yung nakakamiss sa mas luma mo pang blog, yung pugadmaya hehe 😀

      • Sige, ba. Pero sana mag-work sa akin ‘tong COSMIC GLITCH. :] anyway, bakit ngayon ko lang nalaman na may poetry blog HA? Hay. What a waste. Di ko tuloy nasubaybayan yung mga posts mo. But I enjoyed those that I’ve read already. :]

      • gusto ko ang mood at feel nitong Cosmic Glitch, well aesthetically speaking kasi mukhang maliwanag and all, unlike yung mga dati na dark kasi yung theme. ang babaw ko hahaha. keep this one, okay? parang kuya lang 😀

        bwahaha. medyo nahihiya kasi ako para sa blog na yun. feelingero lang masyado 😀

  6. naks naman! 🙂 alam mo may post din ako dati na pareho ng tema. kaso hindi ko na matandaan kung anong title kaya hindi ko na siya mahahanap sa blog ko. 😆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s