Salamat sa Pizza

Naramdaman ni Rue ang bigla kong panlalamig sa kaniya. Kung dati ay lagi akong sumasama sa team nila ay minabuti ko na lamang na lumayo upang unti-unting humupa ang kung ano mang libog na nararamdaman ko sa kanya. Pero sa isang opisina lang kami nagtatrabaho kaya hindi maiiwasang magkasalubong kami sa paglalakad, at minsan pa nga’y sa pag-ihi sa CR. Gayon pa man, buo sa aking loob na kalimutan na siya kaya kahit ano man ang gawin niyang pagpaparamdam ay hindi ko sinuklian ng ano mang pagtugon. Hanggang sa isang umaga…

Isang pasahero na lang ang hinihintay at aalis na ang Fx na aking nasakyan. Nakaupo ako sa likod ng drayber, tabi ng bintana, at sagap ang nakakasilaw na liwanag ng umaga. Isinuot ko ang shades na nabili ko lang sa Japan Home Center. Naging madilim ang aking paningin sa paligid kaya hindi ko napansin na si Rue pala ang huling sumakay sa Fx. Nabigla na lamang ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin mula sa salaming ginagamit ng drayber upang makita ang mga tao sa loob ng sasakyan.

Napansin siguro niyang nakatingin din ako sa kanya kaya’t mabilis niyang ibinaling ang paningin sa labas ng sasakyan. Magkasama man kami sa loob ng sasakyan ay wala kaming tiyansang magbatian dahil nasa kabilang dulo siya ng upuan. Ngunit sa kalagitnaan ng biyahe ay isa-isang nangagsibabaan ang mga pasahero hanggang sa kaming dalawa na lamang ang natira.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nanuyo ang laway sa aking lalamunan, pero sa kabila ng kaba ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na batiin at kamustahin siya. Hanggang sa mga paksa tungkol lamang ang aming mga napagusapan. Ramdam ko na ilang pa rin siya sa akin dahil ‘di siya makatingin ng diretso sa aking mga mata at wala siyang imik kung ‘di ko siya kakausapin. Napansin ko na may dala siyang pizza, “take-home,” at nakabalot ng paisa-isa. Bago ako bumaba ng sasakyan ay inabutan niya ako ng isang piraso na hindi ko naman tinanggihan.

Habang naglalakad pauwi ng bahay ay kinain ko ang pizza na ibinigay ni Rue sa akin. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o maiinis sa nangyari. Hindi ko maipaliwanag dahil ‘di ko mapigilang mapangiting mag-isa habang ako ay naglalakad sa kalsada. Ilang linggo ko siyang ‘di pinansin ngunit napakabilis na nanumbalik sa akin ang paghanga na naglapit sa akin sa kanya. Bakit nga ba siya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, mayroon siyang isang bagay na itinatago na gusto kong makita.

itutuloy…

Advertisements

4 thoughts on “Salamat sa Pizza

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s