Pluma at Papel

Sa patuloy na pakikipagtuos
ng panulat sa blankong papel,
ang bawat pagkakamali’y nagbabadya
ng kawalang-pagasa’t pagkabigo.
Maraming tinta’t papel na ang sinayang,
makailang ulit na ring sumuko.
Pilit tinalikuran ang mga titik
na naghihintay ng katuparan.
Nagpalaboy-laboy sa lansangan.

Ngunit sa paglipas ng panahon,
nalamang nasa akin pa din ang punla,
nakabaon, nakatanim,
kasama sa paglalakbay.
Ngayo’y napagtantong
gayundin ang pangarap–
masasawi’t magigising
subalit may panibagong tapang.

Kaya’t ano pa mang
Daluyong ang dapat tawirin,
mabasa na ang pagkatao
huwag lang ang puso’t damdamin.
Magkamali man nang ilang ulit
Sanlaksang papel man ang mapunit,
hawak ko pa din
ang pluma
at pagasa
na ‘di kailanman madadaig.

March 26, 2009 | 12:46 am

Advertisements

3 thoughts on “Pluma at Papel

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s