Tulaan sa Ulan


Nagsimula sa marahang pagpatak-patak
hanggang sa tuluyang humulagpos
mula sa mga ulap at bumuhos ang ulan.
Nagdiwang ang mga dahon
at ang mga ibon nama’y
isa-isang naghanap ng masisilungan.

Nahahati ang mundo sa ganitong oras;
may umaalala at
gumagawa ng alaala
gaya ng dalawang magkasintahang
dinaan ang lamig sa pagniniig
sa malambot at mainit na kama.

May nagdadalamhati
at mayroon namang nagagalak
ngunit sa sandali nitong pagalala
ay ramdam ko ang lahat.
Hindi ba’t umuulan din noon,
nang nagpaalam
at tuluyangΒ lumisan ka?

First published October 21, 2009

Advertisements

34 thoughts on “Tulaan sa Ulan

  1. Ayus. Hindi ako magaling magsulat ng tula, actually hindi ko rin naman masyadong hilig. Masaya lang magabasa. Hehe.

    May magkasintahang gumagawa ng alaala sa kama? Nako baka hindi lang alaala yan! Haha.

    • hindi rin naman ako self-confessed na makata pero may mga oras lang na nakakapagsulat ako..paweather weather lang.. ^.^ hehe..nakakamiss noh? gumawa ng ‘alaala’? hirap talaga pag single eh πŸ˜€

  2. Kumentong Dugtong:

    Ngunit maaring ang ‘yong paglisan ay sadyang pinili,
    kasabay sa pagpatak ng tikatik na ulan,
    upang ikubli ang sariling pait,
    sa malamyos na pag-halik ng ulan sa nakatungong pisngi,
    kahalo ng yong mga luha.

    • hehe..magaling toh ah..siguro dinudurog din ang puso niya nang iwan niya ako pero ‘di ko naramdaman..hindi na siya nagparamdam kung kamusta na ba ako, buhay pa ba? pero okei na..tapos na ako dun..pero hindi lang talaga maiiwasan ang magreminisce…

  3. tsk. move on na! haha

    pero ang galing ha. alam mo kapag ang lalaki daw ang gumawa ng tula pihado may pinanggagalingan talaga. ok ka na ba sa iyong nararamdaman? share naman jan! haha

    • siguro nga, dahil bihira lang naman tayo maglabas ng saloobin eh kaya naman kung makapagsulat eh ganun na lang katindi.. XD pero hindi na naman ako ‘bitter’ (sino’ng bitter!!!!!???)..haha..

    • oy agree ako dyan dencios. hindi kasi natural na sentimental at mushy ang mga lalaki. kaya pag sila na ang gumawa ng mga tula, minsan kahit korni, nakakakilig na rin.

      nyahaha! kinikilig ako sa tula mo jem. kahit na “paghihiwalay” ang kahulugan nun πŸ˜†

      • waw..salamat.. πŸ˜€ ako hindi kinilig..satisfaction lang na nakagawa ulit ako ng tula..haha..hirap kaya ng walang lablayp noh, puro nakaraan ang maaalala mo.. 😐

  4. Two thumbs up on this poem Jem… πŸ™‚
    Ang ganda ng imagery sa unang stanza…
    Masarap ngang magnilay at maghalungkat ng alaala tuwing umuulan…

    Pero sana, umaaraw na nang matagal… Kailangan ko nang gumala… Kailangan na ng mundo ang sigla ng araw! Hehehe…

    • waw..tenkyu CWW, sabi ko sa inyo eh, masarap pag umuulan talaga..ahaha..pero ang downside nga lang, maghapon ka lang nasa bahay, emode, bored, at nagiisip ng magagawa..di katulad pag sunny day, nakakapagexplore.. πŸ˜€

  5. Oist, nakailang lipat-bahay ka na? Hehe! Mukhang okay ang mga nagdaang sched mo at nakakapag bloghop ka aah! Ako, medyo busy kaya paunti unti muna ang bloghop! Hehe. Kamusta Maya?

    • oo nga eh..may genes akong bird ‘di ba? kaya normal lang sa akin ang magmigrate kung saan-saan, though kuntento na ako dito..medyo patweak-tweak muna dahil ang dry ng layout ko, di ko alam ang ipapalit..haha..newey, okei naman ako..sembreak na kaya nakakapag-blog na ulit..kaw?

      • Okay lang din ako. Ngayon kase wala akong laptop. Sa November pa magkakaroon kaya eto, nagtiya-tiyaga sa desktop na mabagal. Di ko nga kaya magpaka-superpowerful sa desktop na to.. Kailangan internet lang kung internet, pag nagbukas pa ako ng ibang program, aba! di na niya kakayanin at magiging sobrang bagal. Kaya ayun, at di rin ako nakakapag social network dito dahil sobrang babagal siya. Aw. Kainis. Meron isang CPU dito na mas mabilis kaso hindi siya compatible sa monitor. Arg.

        Pero all in all, okay na okay ako! Yawts. Teka, maayos naman tong layout mong to ngayon. Oo nga pala, sembreak niyo na pala! Naaalala ko tuloy ang mga sembreaks ko nung estudyante pa lang ako.

      • sa akin kahit desktop okei na..though i always fancy of having my own laptop para connected 24ever ako dito sa blog ko at sa inyo..isa sa mga project ko ‘yan kaya pinagiipunan ko din.. πŸ˜€ and sa layout ko naman, kamukha kasi ng Pugadmaya ko eh, vigilance din, pero sa tingin okei na naman dahil no choice ako, ehto na yung pinaka neat na alam ko Wp themes.. ^_^ and yeah, sembreak na pero ‘di ko pa din ramdam..hayss..

  6. ang lungkot ng post… hmn.. hindi trying hard.. pero nakakadala yung words.. mn… kung para kanino man ito… suwerte niya, kase naging laman siya ng isang taong alam kung paano magmahal… πŸ™‚

  7. Naisip mo din pala ang naiiwang bakas ng tulo ng ulan…
    Bakas sa puso, bakas sa isipan,

    Bakas sa pagkataong minsa’y tinatakasan
    Kapag hinahampas ng kalungkutan.

    Baliw ang sinumang tatanggi
    Na walang pagninilay-nilay na
    Aanihin sa bawat butil ng tubig

    Ng ulan
    o
    Ng luha.

    Malay ko, hahahaha.
    Basta, masaya magtampisaw

    Sa ulan man
    o
    Sa alaala.

    πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s