Pornographic Story II

ILUSYON
03/01/10

Bihag mo ako sa isang panaginip
Rehas na ikaw ang may gawa.
Silid ko’y pinasok mo ng pilit,
Inangkin, ipiniit ng walang sala.

Alindog mo’y sadyang kay lupit
Binulag aking mga mata
Nawawalan na ng bait
Sa bawat kilos mo’y nadadala.

Haplos ng iyong  mga kamay,
Tumatagos sa aking dibdib.
Puso’t saplot ko ay natunaw
Sa init na iyong hatid.

Marahan..masikip na yakap mo sa akin
Unti unti kong nadarama.
Sa bawat pihit, indayog mo’y
Katinuan ko ay hawak mo na.

Patuloy mo akong binubuhay
Sa tamis, diin ng iyong halik.
Sa huli’y narating ko ang hantungan,
Ngunit kalakip pala’y sakit.

Mga katawan nati’y naghiwalay,
Hingal, mainit at pawis.
Ayaw ko nang matapos ang lahat,
Ngunit ako’y iyong inihulog,
Bumulusok pabalik!

inspired by AX‘s post on Where Bold Stars Go to Die

Advertisements

37 thoughts on “Pornographic Story II

    • yeah..sayang lang dahil panaginip lang pala..i hate the idea of deprivation and tragedy.. 😐 pero maganda yung storya..kita mo patikim mo pa lang, may napulot na ako..tnx AX 😀

  1. You are awesome.

    I really, really liked this. I mean, I don’t get some of the tagalog words, but wow. You’ve got talent, man. I really dig this.

    • hehe..salamat :D..minsan lang ako makasulat ng tula ngayon..kaya naman it’s a relief na okei naman pala…medyo wary nga ako nung ipopost ko eh..parang R18..haha

    • nagsimula kasi ang istorya sa pagkakahimbing…hanggang sa nagescalate noong napanaginipan niya yung babae na “nagpaligaya” sa kanya..at pagkatapos ng kaligayahan at nang marating niya ang langit, itinulak siya’t nahulog, bumulusok, bumagsak sa lupa’t nagising..panaginip lang pala ang lahat.. 😐 sad

    • salamat!
      naramdaman ko din eh, kaya naman nagkaroon ako ng lakas ng loob na ilathala dito sa OddBlood.. 😀 buti nagustuhan mo din..poetry can be about anything naman.. ^_^

  2. nice one. ganun talaga pag panaginip/pantasya, nakakabitin. mas masarap pa rin pag real, kahit masakit, basta real. kahit masaklap, at least hindi ka pinapaasa. parang yung paborito kong kanta…

    “and you bleed just to know you’re alive…”

    napadaan lang. keep it up, bro! 😀

    • hmm..pinipilit kong isipin kung anong kanta yan.. 😀 alam ko yan eh..hehe
      newey, mas okei talaga ang “the real thing” pero kung wala ka non, why not try the other one db? 😀
      tnx sa pasbisita..

  3. Hmmm.. I need to read Ax’s post para makumpleto ko ang pagbabasa.. 🙂 Thanks sa pagdalaw mo sa akin.. Teka.. nung binabasa ko to may kakaiba akong naramdaman haha.. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s