Ang Pagitan

 

Nais kong umawit muli para sa iyo,
habang ikaw ay abot-tanaw pa
at dinig mo ang tinig ko.

Ngunit sa aking pagbasag
sa katahimikang nagsisilbing
moog sa pagitan ng ating mga buhay,
tinig ko sana’y dinggin
at iyong paniwalaan,

Ako ay nandito pa rin,
kailanma’y hindi nawala,
taliwas sa ibinubulong ng hangin
at ipinahahayag sa iyo ng tadhana.

Matagal na panahon man akong nanahimik,
ilang daang tag-araw, tag-ulan
na ang natanaw.

Sinubukang itago itong
kulo sa dibdib,
ngunit ang isinisigaw

pa rinย ay
ikaw.

Advertisements

10 thoughts on “Ang Pagitan

  1. mukha ngang matindi yung pagitan ah? talagang masusugatan ka para tawirin.

    fan ako ng tula. lalo ng gaya nitong madamdamin at makahulugan. nakaka stir ng isip.
    thumbs up para sa panulat mo, sir!

    • I also believe that the picture fits the poem perfectly. That’s my second attempt in writing poetry after a very long blogging hiatus. Thanks for reading, Duking.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s