Kuwentong Pusa

April 6, 2009

Noong isang araw lamang, sa aking paglalakad pauwi mula sa eskuwela ay nakakita ako ng isang maliit kuting sa daan. Ito’y halatang bagong silang pa lamang dahil nakapikit pa din ang mga mata. Halos madurog ang puso ko habang pinapanood ang kuting na iginagapang ang sarili sa masukal na daan. Binagalan ko ang aking lakad para mapagmasdan kahit sandali lang ang munting nilalang. Bigla kasi akong naawa at nag-alala sa kanya dahil kahit tago ang lugar ay dinadaanan pa din iyon ng ilang sasakyan. Alam ko ding hindi ko siya maaaring iuwi sa bahay kaya patuloy na lang akong naglakad pauwi. Hindi ko na naalala ang kuting pagdating ko sa bahay hanggang sa sumunod na araw.

Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos ng sarili at dahil nagtitipid ay naglakad na lang ulit ako papasok sa eskuwela. Dating daan, sa likod ng eskuwelahan ko noong hayskul. Sa aking paglalakad ay nakapansin ako ng isang patay na hayop sa ‘di kalayuan. Pumasok agad sa isip ko ang munting kuting na nakita ko noong nakaraang hapon at hindi nga nagkamali ang aking hinala. Nilapitan ko ang kawawang nilalang at nakitang ito’y patay na, pipi ang tiyan, may agas ng dugo ang puwitan at bibig.

Bigla akong nanlumo sa aking nakita dahil hindi sana nangyari iyon kung tinulungan ko lamang ang kuting, at dahil mababaw talaga ako’y hindi napigilan ng luha ko ang mangilid sa aking mga mata. Nanatili sa aking isip buong araw ang kalunos-lunos na imahe ng sawing pusa.

Noong araw na din na ‘yon ay napagtanto kong masakit talaga sa kalooban na mabigo sa pagtulong. Dahil minsan, kahit mayroon tayong lakas at kakayanan, hindi pa rin natin kayang lumikha ng pagbabago sa buhay ng iba, hindi lang sa mga kawawang hayop na nakikita natin sa daan, kundi lalo’t higit sa buhay ng ibang tao—at minsan ay sa sariling buhay pa natin mismo.

————————————————
a repost from my old PugadMaya blog
Advertisements

11 thoughts on “Kuwentong Pusa

  1. This reminds me of one of my all-time favorite songs.

    “Where did I go wrong, I lost a friend
    somewhere along in the bitterness.
    And I would have stayed up with you all night
    had I known how to save a life…”

    Ang lungkot. 😦

    • Ang lungkot nga ng kanta na ‘yan, Raymond. But thanks for reminding me, dahil napakatagal na panahon nang wala sa playlist ko ang “How to Save a Life,” so ida-download ko na ngayon. Favorite ko ‘yan dati. Alam mo ba dati noong sikat na sikat ang kanta na ‘yan ng The Fray, madalas ‘yang i-play sa radyo at lagin “Chasing Cars” ng SnowPatrol ang next. hehe. wala lang.

  2. Naalala ko yung araw na napakasaya ko, pauwi na ko ng bahay, nakasakay ako ng jeep. May sumigaw bigla na manong na nagssidecar, sabe may pusa daw, habang nakatingin dun sa ilalim ng jeep. Ang weird kasi biglang lumungkot yung atmosphere. Naisip ko bigla kung gano ka-hopeless yung situation nung pusa, lalo na madaming jeep talaga dumadaan dun tapos maling liko lang ng jeep durog yung manipis na katawan nung pusa. La lang.

    Share lang. 🙂

  3. aW!!, KaWawA naMan uNg PuSa! … HmN, pEro gAnuN tAlAgAh, maY mG abaGay na NaWawALa taLagA.. aT hiNdi na MaiBabALiK..

    hmN, mOvE oN na LanG taS,, tULuNgaN nA LanG uNg nExt nA pUsA na MakKiKiTa sA dAaN…

    ChEeR uP!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s