kinsenas at katapusan

simula nang magsimula ako sa trabaho, hindi ko na alam kung ilang beses ko nang nagamit ang “pasensya na” sa mga readers ng blog na ‘toh dahil hindi ko naman talaga intensyong mapabayaan ‘tong nakatiwangwang kahit na ilang araw lang. pero higit sa kakulangan ko sa oras eh nakadepende rin ang pagba-blog  sa aking budget (o diba?). mahirap kasi magblog ng walang sariling PC dahil limited lang ang oras at kung wala akong pera, hindi rin ako makakapagblog, gaya nitong mga nakaraang araw dahil super empty ang wallet ko dahil sa dami ng binayaran ko sa school. pero hindi na naman bago sa akin ang mga ganoong senaryo dahil noon pa man eh sanay na akong pumasok sa eskuwela na walang laman ang ang bulsa. pero mas mabuti na rin siguro ‘yon kaysa papasok akong walang laman ang tiyan ‘diba? buti na nga lang at malapit na naman katapusan at matatanggap ko na naman ang suweldo ko at makakapagblog na naman ako. 😀

isa din sa mga naiisip kong gawin eh ang pagbili ng mga gamit para sa katawan ko dahil sa sobrang busy ko eh nakakalimutan ko nang alagaan ang sarili ko, na kahit nga deodorant o facial wash eh hindi ako makabili. hehe. but eniwey, it’s a good thing pa rin na kahit mahirap ang buhay eh nakakapagblog pa din ako. siguro para sa isang tao na financially limited eh hindi wise ang pag-gastos sa blog dahil may iba pang mas mahalagang bagay pero ito na ang nakakapagpasaya sa akin eh. kumbaga ito lang ‘yung luxury na kaya kong ibigay sa sarili ko kaya naman hindi ko pa rin ito binibitiwan dahil alam ko, balang araw, magiging big time blogger din ako 😀 why not!?

(got to go, but expect more of me sa mga darating na mga araw 😀 tnx for visiting)

Advertisements

27 thoughts on “kinsenas at katapusan

  1. parehas pala tayo dati…
    nagrerent lang para makapag blog, hehehehe.
    di bale, konting tiyaga lang, makakaahon ka rin…

    • waw! so hindi lang pala ako ang ganun..hehe..newey, isa din sa pinagiipunan ko eh ang pagbili ng sarili kong netbook kaya tiyaga lang talaga..newey, sayang at ‘di mo iniwan URL mo..balik ka

  2. tama yan jem! i hope you continue doing what you are passionate about.

    sayo, blogging is a luxury pero sa akin palipas oras lang. i felt guilty tuloy. you know what..nakakainspire ka.

    Good luck, Jem!

  3. tnx reesie aah..actually naiinspire din ako sa mga katulad niyong professionals na dahil ang laki ng mundo niyo, kaya naman mas marami kayong naiseshare sa mga readers..kaya naman gusto talagang makatapos ng pagaaral at umasenso–at siyempre, kasama itong blog ko.. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s