official entry| PAGLISAN

ito ang aking opisyal na lahok sa pakontest ni Mon.

basahin
magkomento
iclick at iboto ang t-shirt design na nasa ibaba
🙂

_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Intro: Hindi ko alam pero kapag gabi lalo na’t umuulan eh nagiging retrospective at makata talaga ako (kayo ba?). Isinulat ko ang tula na ito kagabi habang malakas na bumubuhos ang ulan, ala-ala ang babaeng huli kong minahal. Wala naman talaga akong balak ipost ito pero dahil tungkol naman sa pagibig ang tema ng pakontest ni Mon ay ilalathala ko na rin dito sa PugadMaya kahit hindi naman talaga ako naka-e-mode ngayon. sana magustuhan niyo.

Paglisan

May dalawang malakas na hanging
tumangay sa buhay ko,
ang biglaan pagdating
at paglisan ng pagibig mo
Akala ko’y magtatagal ang lahat
ngunit ‘di naglao’y natakpan ng ulap
ang sinag ng araw.

Lumuha’t nagngalit,
nakidalamhati ang langit.
Pinagmasdan kong mabalutan
ng lumbay ang paligid,
patuloy na umasang
ika’y magbabalik.

Ilang ulit ko na ring
sinubukan ang bisa ng panalangin,
naniwalang ito’y tataas, lilipad,
dadalhin sa’yo ng hangin.
Ngunit tuluyan mo na nga akong iniwan,
dala ang aking pagmamahal,
ang bawat salita’t tula, pangako
na aking inalay.

At ngayon…

ang sa aki’y nalabi,
itong hungkag na buhay at
sugat ng iyong pagalis.
Puso ko’y nasaid
nang minahal kita ng labis.

At hindi ko na alam
kung ako’y makakaibig pang muli

.

.

.

.

.

.

.

drama ito! 😀


_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

heto nga pala ang mga sponsors ng contest, iclick at bisitahin niyo rin 😀

http://www.kofistains.com

http://www.rickspot.com

http://monzavenue.blogspot.com

http://coolbutsmokin.wordpress.com/

http://www.jehzlau-concepts.com/

http://www.orphicpixel.com

http://technochase.com/

http://reesie.net/

Advertisements

36 thoughts on “official entry| PAGLISAN

  1. Ayos na ayos ang printing ng T-shirt, PugadMaya! o”,) Galing, bagay na bagay sa maganda tulang iyong akda!

    [Salamat sa pagdalaw at pag-iwan ng bakas sa The Chook-minder’s Quill.]

    • waw, salamat at kahit ‘di ako naging aktibo sa pakontes na ‘yon eh maganda naman ang pidbak sa tula ko..hehe..

      newey, tnx din sa pagbisita dito.. ‘be back..

  2. Hmmm… Emo ba ito? Para namang hindi…

    Kasi may pagtitimpi sa paggamit ng mga salita. Imbes na ilahad ang hilaw na damdamin, mabisang pinili ang pamaraang pagsasalarawan…

    Two thumbs up Jem!

  3. ‘May dalawang malakas na hanging
    tumangay sa buhay ko,
    ang biglaan pagdating
    at paglisan ng pagibig mo’

    umpisa pa lang pamatay na!hehe

    makatang-makata dating mo jem. :p

  4. Sorry, please disregard the comment above. As I mentioned on my post during the start of this contest, this contest will end tomorrow Aug 7 at 12 noon. In other words, counted pa ang comments until tomorrow 12 noon. Thank you 🙂

  5. okei lang Monz, nakakahiya nga’t di ako naging active eh..lam mo na so ‘di na ako umaasa pang manalo..naman! hehe..newey, tenkyu pa rin at nakapag-participate ako sa pacontest mo.. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s