restday

restday ko ngayong araw sa trabaho pero hindi ko rin naman naenjoy ang buong araw dahil kagigising ko lang at may hangover pa ng hapi-hapi namin ng mga katrabaho ko kagabi. alas-kuwatro na ako ng umaga nakauwi kanina at nagising na may dalawang bagay agad na nasa isip: magba-blog ba ako o maglilinis ng kuwarto? medyo madalang na kasi ako makapagblog ngayon kaya dapat lang na samantalahin ko ang restday na ‘toh para makabawi sa inyo, pero nagmamakaawa na ang kuwarto ko. ilang buwan na kasi akong ‘di nakakapagwalis at nakakapagalis ng kakalatan kaya naman feelt home ang mga langgam sa kuwarto ko, especially sa ilalim ng kama ko na puno ng balat ng junkfoods.untitledpero siyempre ‘di ko rin naman matiis na ‘di magblog, at kung maglilinis kasi ako eh aabutin na naman ako ng ilang oras dahil super-duper-general cleaning ang kakailanganin kong gawin para mapalinis, mapaayos at gawing “fit for human life” ang kuwarto ko, so naglunch na lang ako at sumibat papunta dito sa comshop. šŸ˜€

newey, gusto kong iannounce sa lahat na nagaaral na ako. hehe. nakakatuwa lang dahil akala ko dati tuluyan na akong ‘di makakapagaral pero sa mga ‘di inaasahang pagkakataon eh naayos din ang lahat. hindi man natuloy ang plano kong pagkuha ng psychology eh nagshift naman ako sa mas mataas na grado mula sa dati kong course na ACT. Information Technology na ang course ko ngayon, back to square one ulit pero marami naman ako nacredit na subjects kaya hindi naman pa naman ako gaano nahihirapan pagsabayin ang pagtatrabaho at pagaaral, though medyo mahirap maka-catch up dahil noong monday lang ako nagenroll at isang buwang lesson ang namiss ko. pero sa kabila ng lahat, hindi naman ako nangangamba dahil sa excitement at kasiyahan na magaral muli, at ngayong nanggagaling na sa sarili kong pawis ang pangmatrikula ko eh talagang pagbubutihin ko na kahit na hindi “computer” ang field na gusto kong i-pursue. gaya nga ng isinulat ko sa column ko sa upcoming GenEx School Publication namin:

you may land the wrong course, treat it right, and it becomes the right one for you.

‘yan ang isang bagay na narealize ko sa isang kataga na nabasa ko sa blog ni FlaminDevil:

bloom where you are planted.

šŸ™‚

Advertisements

3 thoughts on “restday

  1. Hi Jem,

    Good news nga… All work for good of those called to His purpose… šŸ™‚
    Tama ka sa iyong sinabi, we have to deal squarely with the opportunities that life offers us – whether it is primarily what we want or not… Hindi ko rin kasi unang pangarap ang kursong kinuha ko dahil sa kahirapan, but all things worked out fine for me and I enjoy the field where I am in right now. Although at times, I still look back and have those “what ifs”. Reminiscing is just to warm the heart. The future offers more.

    I wish you luck and God bless!

    postscript. Linisin mo na ang kwarto mo, kasi baka mapagkamalan ng daga na palasyo niya at magkatabi na kayong matulog… šŸ˜€

    • yeah! kailangan talagang iwasan ang pagiisip at panghihinayang kung what if ganito–what if kung ganun? nasa atin naman kasi kung magtatagumpay tayo hindi, regardless kung saang landas tayo dinala ng buhay. pero one thing is for sure.

      the Lord is our sheperd,
      we shall not (EVER!) worry.. šŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s