pagtanggap…

una sa lahat, nagpapasalamat ako sa lahat ng viewers ng PugadMaya, lalo na sa mga nagcomments, nagencourage at nagtulak sa akin para mapagisipan ang mga bagay bagay at kung papaano ko hinaharap ang mga bagay na nangyayari sa akin ngayon.

sa katunayan, isa sa mga napagtanto ko ay mahirap talagang magkaroon ng kasiyahan kung tayo’y nakatingin sa ating mga sarili lamang, isa sa mga naging pagkakamali ko nitong nakaraan dahil naging makasarili ako nang hindi ko namamalayan. dahil sa kalungkutan, ginawa ko ang lahat ng mga bagay na akala ko’y makakapagpaligaya sa akin hanggang sa hindi ko napansin na lumalayo na naman ako sa ugat ng pagasa na pinapanghawakan ko noon, pero ngayon ay unti unti na naman akong ibinabalik ng Diyos sa daang dapat kong lakaran. totoo ngang napakabuti Niya dahil kahit ilang beses na akong bumibitiw dahil sa aking kahinaan, hindi pa rin Siya tumitigil sa pakikialam, pagabot at pagbibigay ng mga sirkumstansya kung saan wala na akong magagawa kung hindi lumuhod at lumapit sa Kanya.

ngayon, makukuntento na lang muna ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon. totoo, talagang nanlumo ako nang nabigo akong itaguyod ang aking sarili sa pagaaral, lalo na’t hindi rin ako pinayagan ng lola at tita kong kumukupkop sa akin dahil ayaw din naman nilang mahirapan at mabigo lang ako. pero siguro okey na ring nangyari ang mga bagay na iyon dahil marami naman akong natutunan, isa sa patunay na mas mahalaga ang panahon ng paglalakbay kaysa sa kung ano ang daratnan mo sa kabilang dako. maaaring ito’y katuparan o kabiguan, ngunit ang mas mahalaga ay kung papaano mo nakita ang bawat pagkakataon at kung ano ang natutunan mo sa paglalakbay. dito, ang katuparan ay mas nagiging matamis, ang kabiguan ay gumagaan at kung minsa pa nga’y napapalitan din ng kasiyahan at pagtanggap.

Advertisements

27 thoughts on “pagtanggap…

  1. Jem masaya ako dahil bumalik na sayo yung positive thinking mo bout life, kwento nga sa amin minsan nung nagtalk sa amin sa CLP na makikita mo daw o mararamdaman mo na swerte ka kapag nakita mo sa ibang tao yung wala sa kanila.. Pakwento lang dito sa bahay mo uh, Minsan kasi napadaan ako sa Alabang, tapos meron dun parang isang maliit na silong sa gitna ng daanan tapos merong matanda na nakatira dun, syempre namamalimos na lang sya kasi parang wala na din syang lakas, eh ako pag daan ko dun saktong piso lang talaga yung barya ko, kaya ayun lang ang naihulog ko sa lata nya, pagsakay ko ng jeep natanong ko yung sarili ko kung ilang oras yung hihintayin nya dun para makabuo ng sampung piso.. diba? samantalang ako yung sampung piso kung ano ano lang nabibili ko dun, pang softdrinks ko lang yun saka minsan pang rent lang ng iba sa internet, eh samantalang yung matandan dun ayun na lang pala ang inaasahan nya.. mga simpleng ganun lang yung nakakapagpa realize sa akin na maswerte talaga ako.. yngat ka lagi, gb!

    • nice realization on that.. πŸ™‚ minsan kasi kung sarili lang talaga ang titingnan natin, puro kakulangan at kapalapakan lang ang makikita natin, pero ‘pag iminulat natin ang mga mata natin para sa iba, dun lang natin maiiisip na, in a way, masuwerte pa rin talaga tayo.. πŸ˜€

  2. buti namn hindi k na nagkukulong sa kwarto mo at nagyoyosi lang tska kape:)
    tapos naman ng kabiguan laging may susunod na maganda.. nasa atin lang kung mag aantay tayo o kusa natin hahanapin, kaya tama ka, mas masaya at magaan sa pakiramdam pag tinatanggap natin kung ano meron satin ngayon.. yung walang expetations^^

    • oo nga eh..buti na lang at nakapagquit na ako sa yosi πŸ˜€ newey, salamat sa pagsangayon..hehe..actually it’s really getting hard to make sense lalo na pag mahirap ang buhay pero ayun, at least kahit papaano may mga mabuting bagay pa rin akong naisusulat dito.. πŸ˜€

  3. di ba ay may kasabihan nga na “if God brings you to it, He will bring you through it”… so kung ano man ang mga pagsubok mo ngayon ay malalampasan mo din nyan. Hang in there ok…at sa simula nitong pagtanggap mo ay for sure na you will be able to carry your life’s cross with a stronger spirit.

    Take care.

    • hehe..tnx sa quote na yun skippy heart πŸ˜€ i do believe too. kailangan lang talaga eh maghintay at ‘wag maging mainipin because there’s a right time for everything.. πŸ˜€

  4. Jem, talagang nakakahanga ang antas ng iyong pang-unawa at pagtanggap sa mga nangyayari sa iyong buhay…

    Just hang in there kapatid! Hindi ka nawawalay sa Kanyang dakilang pagmamahal… πŸ˜€

  5. Lahat ng nangayyari sa buhay naten, let’s just charge it to experience. Basta wag ka lang bibitaw sa Kanya, lahat ng problema ay may solusyon. πŸ™‚

    • yeap, kaya nga para sa akin, next to my Mom, experience talaga ang da best teacher..hehe..pero sometimes, mas okey pa ring gawin kung ano ang tama para ‘di na tayo matuto sa mas mahirap na paraan.. πŸ˜€

  6. That’s a very nice realization dude! Keep the good spirit! Wish you all the best in all your endeavors in life. Bisitahin mo naman ako parekoy! πŸ˜€

    • hehe..sori Monz aah..hirap talaga magblog ngayon pero sisikapin ko pa ring maka-keep up.. πŸ˜€ hehe..salamat sa pagdalaw at sa pagkomento.. πŸ˜€

  7. halos pareho pala ang tema ng entries natin. tungkol sa mga pagsubok ng buhay at kung paano mo ito mapagtatagumpayan. naalala ko tuloy ang isang quote na nabasa ko, “Sometimes, struggles are exactly what we need in our life. If we were to go through our life without any obstacles, we would be crippled. We would not be as strong as what we could have been. Give every opportunity a chance, and leave no room for regrets.”

    adversities in life are what make us stronger and better. kaya mo yan jem. just keep your faith alive, and your heart burning for His love. God bless πŸ™‚

    • tama ka dito enjoy, minsan kasi mas mahirap matuto kung madali lang ang buhay..parang ang hirap pilitin ang sariling magexcel..parang tsaa lang diba? hindi lalabas ang lahat kung hindi mo ilalagay sa hot water.. πŸ˜€ buti na lang hindi na natin kailangan ilagay sa mainit na tubig para mas maging mabuting tao.LOL.. πŸ˜€

  8. hi! it’s nice to hear that you have come up with that realisation. rational ka pa rin mg-isip and that’s a good thing =)

  9. well that’s a good thing to hear pare-

    by the way salamat sa pagtungtong ha, 1st time ko dito sa apartment mo, ano ba merienda dito?

    • yeah, madalas na din ako makadapo sa blog mo..hehe..newey, it’s a good thing na may bago na naman dito sa PugadMaya..tnx for visiting..add na kita sa blogroll ko.. πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s