saan?

sa totoo lang, nagiging mahirap na ngayon para sa akin ang makisabay sa blog ko, hindi lamang dahil sa limitado kong panahon at oras dahil sa trabaho, kun’di dahil na rin sa “monotony” ng buhay ko ngayon. akala ko dati magiging masaya na ako kung sakaling kikita na ako ng pera sa sarili kong paraan pero halos kabaligtaran ang kinalabasan dahil may mga bagong problemang dumarating at parang may kulang pa din, at kung ano ‘yon ay ‘di ko alam. minsan nga naiiisip ko na rin na siguro panahon na para maghanap na ulit ng partner sa buhay pero hindi talaga madali sa akin ang bagay na ‘yon at ayoko rin namang maging desperado. may tamang panahon sa bawat bagay, alam ko ‘yan pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay. hindi lamang ito ukol sa pagibig. kasama  rito ang mga bagay at mga tanong na matagal ko nang hinihintay mabigyan ng katuparan at kasagutan.

minsan nakakasawa na rin ang ganito. hindi naman ako ganito dati eh. sabi ng iba, “happiness is just a state of mind,” pero mahirap maging okey kung wala ka namang dahilan. ako, ano nga ba ang dahilan ko? hindi ko alam.

pahupa na ang pakikipaglaban ko sa ibang tao na nagnanais na sirain ako. ngayon, sarili ko na naman ang kaduwelo ko. siguro nakakatawa pa rin ako hanggang ngayon, at sa mga post ko, naniniwala na may bagong bukas pa ring darating, pero ang katotohanan ay bumibisita lamang tuwing ako’y mag-isa o ‘di kaya’y nakahiga na upang matulog. minsan nga naiiisip ko na sana hindi na ako magising pa, pero sa ilang sandali ay binubura ko na din sa isipan dahil alam ko kung saan ako pupunta kung magkagayon man. hindi pa ako handang mamatay. marami pa akong gustong baguhin at marating. gusto ko pang mabuhay, ‘yan ang katotohanan, pero gaya ng magulo kong pagiisip at pagsusulat, hindi ko pa rin alam kung paano muli makakapagsimula, hindi ko rin alam kung paano magtatapos…


Advertisements

18 thoughts on “saan?

  1. minsan ang kulay ng buhay ay parang laging pa-ulit ulit. pareparehas. walang pagbabago, walang nagbabago. walang kapanapanabik.

    lahat tayo dumadaan don. natural lang ang ganyang pagpapalagay.

    lagi tayong hinahamon ng pagkakataon at ng panahon.

    kaya mo yan. tignana mo lang lagi ang haraya. 😀

  2. hmmmm.. di ko din masagot mga tanong mo. dahil ako mismo di ko masagot mga tanong ko sa buhay. hehehe.

    basta lagi mo lang tandaan: walang challenge kung panay maganda/masarap lang ang nangyayari sa ating buhay.

    ibuhos mo lang ng ibuhos sa blog mo kung kinakailangan. it’s your space.. we don’t have the right to impose the things that you’d like to write here. just make it your breather.

    don’t say sorry for being too emotional.. we are all entitled to breakdown sometimes. 🙂

  3. ako, kapag depressed ako, lumalabas ako kasama ang mga barkada ko o kahit akong mag isa lang, gusto kong makita na maganda talaga ang mundo, minsan nga sa paghahanap ko ng kagandahan ng mundo, nakikita ko yung mga panget na bagay, yung mga bata sa lansangan, yung mga walang matulugan, hindi yun maganda pero nakikita ko sa kanila kung gaano ako kaswerte..

  4. Singit lang ito Jem… Babalik ako para magbasa ng maayos…

    Thank you for supporting Nooks and Crannies for the year that passed. In return, I have something for you. You might want to check this out.

  5. Happiness is just a state of mind. tama yan.

    isipin mo na lang ang mga bagay na nakakapag pasaya sayo at yung mga bagay nakakapagbigay inspirasyon. i’m sure meron naman seguro gaya ng mga kapatid at mga magulang mo. mga pangarap mo para sa kanila at syempre mga friends mo gaya namin. hehe. always have a positive outlook. there’s always a bright side in everything! 🙂

  6. mahirap ngang maging masaya, pero kung titingin siguro tayo sa paligid natin, sa kanya-kanyang mundo natin, may mahahanap tayong dahilan para maging masaya.

    cheer up! 😉

  7. bro parang di ko yata masyadong gusto yung tema nito…masyadong nagiging negative.

    wag ganyan…nasa na yung attitude na nagsimulang lumaban? lika nga makainom!

  8. hmm yeah, if you think of happy thoughts and happy moments, mas madaling maging masaya. Sometimes we don’t exactly need other people to make us happy and contented with life, minsan we just have to be there for ourselves, coz when things get really tough, isang tao lang ang aasahan mo talaga, yourself. kumbaga yung iba, support group nalang yan.
    may-awa ang dyos and he wont give you challenges na di mo kakayananin. They’re just there to test your faith, and to make you stronger.

    Ingat lagi bro, and be healthy.

  9. maya, siguro malungkot ka lang. lahat naman ng tao nagiging malungkot, dumadating yan kapag nagre reflect tayo ng buhay natin! ayos lang yan. naniniwala pa rin ako na happiness is a choice.

    we have to choose, or else.

    stay happy! ang blog, depress-absorber din yan! hehe.

  10. Hi Jem, damang-dama ko yung mga bugso ng yong damdamin sa post na ito. Tama ka – ang pinakamahirap na laban ay ang laban sa looban natin – ang kawalan ng kahulugan, ang depression, ang paghahanap ng direksyon sa buhay, ang manatili sa pag-asa. Kahit ako, naranasan ko rin ito, at sa puntong ito, ay mas lalong lumalala. Prayer for strength and guidance help a lot. Ingat sa sarili. Uminom ng maraming kalamansi pero huwag sobra hehe… Syempre pigain mo muna ang juice, huwag lunukin ng buo hahaha…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s