ENDO

sa loob ng halos isang buwan na pagtatrabaho ko sa Jollibee, marami na din akong mga taong nakilala at pinakisamahan, mga taong sa maraming pagkakataon ay nagpagaan at nagpabigat ng buhay ko. pero hindi ko naman talaga na inasahan na magiging madali ang lahat lalo na sa akin na newbie pa rin sa trabaho. kasalukuyan pa rin akong natuto at nasasanay, hindi lang sa mga bagay na dapat kong malaman bilang isang crew, kundi pati na rin sa paraan ng pagtrato sa akin ng ilan kong kasamahan. bastusan na kasi eh. kaya kung talagang manipis ka, hindi ka magtatagal ng isang linggo. sabi ng iba, okey lang naman daw yun dahil ganun daw talaga ‘pag bago pero pilit ko mang isipin, hindi ko talaga lubos maintindihan kung bakit kailangan pa nilang pahirapin ang lahat kung ginagawa ko naman ang lahat para makapagtrabaho ng maayos?

buti na nga lang at malapit nang magcut-off dahil marami nang ‘mae-endo’ o magtatapos ang kontrata kaya marami ring aalis na fryman sa station namin. makakahinga na din ako ng maluwag. makakapagtrabaho ng walang sama ng loob. at higit sa lahat, wala nang sisira ng diskarte ko.

mawawala na ‘yung mga taong “pa-standard” kuno pero puro substandard naman ‘pag walang nakatingin na manager.

‘yung mga taong ilang oras kang pagpapakin ng gravy tapos sasabihing wala kang ginagawa.

‘yung mga taong parang hindi ka tao kung kausapin.

‘yung mga taong walang alam kung hindi magreklamo at mag-utos ng mga bagay na sila dapat ang gumagawa.

‘yung mga taong akala eh inutil kang walang alam kaya aagawin nila ang trabaho mo at pagmamapin ka na lang ng sahig.

o ‘di ba good news? at sa totoo lang natutuwa ako dahil sa mga susunod na araw, makakapasok na ako sa trabaho na may walang takot na magkamali o mapahiya. mapapatunayan ko na na kaya ko. babalik din sa dati ang lahat. ‘yung mga araw na napaiksi ng walong oras sa akin, hindi ngayon na ‘pag pasok ko palang ay inaabangan ko na ang break at uwian. 😐

kaunti na lang..

kaunting tiis na lang..

30 thoughts on “ENDO

  1. na experience ko rin yan nung working student pa ko, nag work ako sa Greenwich.. kaya-kayang naman yung work, yun nga lang mas mahirap makisama.
    Pero alam mo bro, balang araw, pag naalala mo ang lahat ng sacrifices mo na yan di mo pagsisisihan.
    Andyan yung mga best lessons in life.
    Wala sa school.
    Keep on blogging.

    • nice..isa sa mga gusto kong konsepto ‘yan..na mas marami tayong matutunan sa tunay na buhay, kesa sa mga bagay na isinasaksak sa utak natin sa iskwela..saka alam ko na ‘di talaga maiiwasan ang conflict sa buhay dahil ‘yon naman talaga ang nagpapaexciting ng lahat ‘di ba? so laban lang nang laman hanggang makarating sa resolution ng lahat.. 😀 tenks dito..

  2. Sa totoo lang, pangarap ko rin dati ang maging isang working student subalit hind ako pinayagan nila Mader a Pader dahil mas gusto nilang magfocus ako sa school. Kaya hanga ako sayo, kaibigan. KOnting tiis lang at huwag mong kalimutan ang iyog pag-aaral, at balag araw, you’ll look back and say proudly “Yes, ganun ako kalakas. Ganun ako kasipag.”
    Goodluck sayo at sana’y malibre mo ako ng kahit isang regular fries man lang balang araw. Masaya na ako sa ganun. Hehehe =)

    • hehe..ba’t fries lang? ‘pag yumaman ako (ganun?) baka ilibre ko pa kayong lahat ng mga nasa blogroll ko ng JoyRice eh..haha..newey, salamat sa pagtitiwala na kaya ko toh..sa totoo lang dito lang talaga ako nakakakuha ng timely encouragement, kaya naman kahit mahirap ang buhay, ‘di ko pa rin maiwanan itong blogworld..hehe..tenkyu uleht.. 😉

  3. wow.i admire you jem.hindi biro ang maging fastfood crew.i know mabigat na trabaho yan.samahan pa ng mga officemates na nuknukan ng kayabangan.

    anyway,kaya mo yan.tama.konting tiis na lang. :p

    • yeah..pero mahabang pagtitiis pa talaga dahil may mga ilan pang natira na talaga namang buwaya kung “manlamon” ng kapwa crew..buti na lang at natatagalan ko naman sila..saka nagiging mas maganda naman ang performance ko kaya medyo cool na ang lahat, though kaunting pagkakamali lang eh magiging iba na naman ang ihip ng hangin..hays.buhay talaga, ganyan eh..so tiis lang talaga..salamat sa pagbisita! 😀

  4. tama sila, mas mahirap ang makisama sa mga katrabahong hindi marunong makisama kesa sa trabaho mo mismo. Pero gawin mo lang ang tama..

    Kayang kaya mo yan.. Ingat ka lagi, godbless!

    • oo nga eh..’yon ang pinakachallenging sa lahat, dahil gaano mo man kamahal ang tarabaho mo, kung may mga kasama ka namang sumisira sa momentum mo, ‘di ka rin makakagawa ng maayos..hays..pero normal na lang naman ang ganito sa akin since hayskul kaya kakayanin naman..

  5. Hi jeremiah! Nice blogger ka pala (future plan ko ang mag-join dito sa wordpress hehe). Woo miss ko na ang weird side mo! LOL. I will check your site from time to time.. Keep it up! Gb=)

    • waw julienne, my long lost hayskul pwend! at napadpad ka dito sa aking blog..hehe..salamat sa pagbisita aah..balik ka ulit..at sana mag blog ka na din soon.. 😀

  6. hehe. sige, pag alis nila, diskarte mo na! tapos na ang pamamayagpag nila. galingan mo sa trabaho ha!

    go, go, go! pwede bang matake-out-an mo ako ng spaghetti?! hehe.

    • hehe..bakit? paborito mo ba spaghetti ng Jollibee? gusto mo, punta ka dito sa Bataan and treat kita..haha! newey, go go go [power rangers?] lang talaga..’di na pwedeng umatras eh.. 😉

  7. ganayan talaga kahit saan ka merong mga taong hihilain at hihilain ka pababa, pero marami din namang rason at mga taong hindi ka hahayaang bumagsak.
    basta cge lang ng cge, at makakamit mo rin ang tagumpay. 😛

    • tatandaan ko ‘toh basti.. 😉 hinding hindi ako babagsak..hehe..at kung palarin man ako, isa kayong mga kablogmates ko sa mga babalikan ko’t pasasalamatan..(drama) haha.. 😀

  8. hehehe ang puso… parang may pinanghuhuhugutan ka ata hehehe.

    nwei, ganyan talaga ang life coz we cannot please everybody.. 😉

    • may pinaghugutan nga, a month’s worth of torment! haha! pero kahit naman may mga ganun, may mga simpleng bagay din naman sa trabaho na nakakapagpasaya sa akin.. 🙂 lalo na ‘pag narerecognize naman ang mga ginagawa kong mabuti.. 🙂

  9. moral of the story…

    wag silang gagayahin kahit wala na sila at may papasok namang iba!

    pangalawa, believe me, kung magpapatuloy silang ganun…wala silang mararating!

    • yeah, sumusunod naman ako sa mga SOP’s kahit madalas nila yun pinupuna dahil wala naman daw “lumalakas” na crew na standard lagi..at ‘di talaga ako mahilig sa compromise at alam ko naman na all will pay up in the end.. 😀

  10. Aba! Sa Jollibee ka pala nagwo-work? Alam mo ba dati ko pa pangarap mag-work jan nung student pa ako. Kaso dahil nag-call center ako kaagad baka di na ako makapag-crew. Try ko rin siguro pag may chance.

    Advice ko lang sa iyo, matuto ka ng “selective listening.” Kung ano lang yung positive comment, yun lang pakinggan mo at isara ang mata at tenga (figurative) sa kahit anong makakasama ng loob mo. Always try to win your genuine smile whenever you can. That way you would always have a reason to go to work. If you can’t get inspiration from your workmates, try to gain other means of inspiration on your own.

    • “selective listening” pala ang tawag dun? 😀 hehe..ganun naman kasi ang ginagawa ko madalas para ‘di na ako mabadtrip at masira ang momentum ko..saka sa bawat criticisms na natatanggap ko, whether fair or not, i see to it na may learning akong nakukuha para naman mas maging better ako kinabukasan..newey, ehto ang first job ko na pangarap ko din since magcollege ako..pero late na ako nakapagwork eh, kaya ‘di ako nakapagraise-up ng pera na pang-tuition, so work muna talaga.. 😀 salamat sa advise, emilayskie.. 😀

  11. so, you’re working in jollibee?! WOW.

    may kilala ako na nag-trabaho dyan pero di nakatagal. siguro meron din siyang mga kasamahan na mga inggitero at inggitera.

    pero alam kung kaya mo yan! wag mong isipin ang sasabihin ng iba kung nagta-trabaho ka naman ng tama para sa’yo at sa pamilya mo.

    ingat lagi!

    • i do believe in that still.. 🙂 kaya nga kahit mahirap ‘di pa din talaga ako susuko..saka sayang naman ang mga encouragement niyo sa akin..hehe.salamat sa inyo.. :]

  12. naku, naranasan ko rin maging Service Crew sa JOllibee. dyan ako nakaranas ng sobrang pagod kasi sa dining ako nun. ang laki pa ng area ko. True, pag bago ka, binu-bully ka. peru sa simula lang yan. pakita mo na lang na magaling ka at syempre pakita mo na marunong ka makisama.. kung pwede hulihin mo kiliti nila para di ka nila pag-initan. hehe

    • hehe..been trying pero may mga tao talagang hihilahin ka pababa para sila lang ang nasa taas.. 😐 pero okei naman at napapakibagayan ko naman sila..newey, mahirap pala talaga magwork sa mga fastfoods, akala ko kasi dati madali lang..buti at nakaadjust naman agad.. 😀

Leave a comment