sabado

03:27 pm

akala ko magiging madali ang pananatili ko sa bahay para lang makatipid pero kapalit noon ang sobrang pagkabagot na kung dati ay hindi ako maubusan ng gagawin, ngayon eh ‘di ko na alam kung ano ang gagawin para palipasin ang maghapon. BOREDOM raised to the tenth power! walang buhay at ang tanging disturbance lang na nangyayari ay ang paminsan-minsang pagring ng cellphone ko: Globe, may free 10 pesos daw ‘pag nagload ng at least 100, pero mismong pangload nga wala ako, o kahit pambili man lang ng Hany o lollipop na apple flavor. 😐

nagsisimula sa gabi ang buhay ko, ‘pag pa-closing time na, nagsusulat, nagdedevotion at pinagtiyatiyagaan basahin ang Harry Potter and the Order of the Phoenix na pitong beses ko nang natapos. saya noh? pero mas masaya ngayon dahil may good news ako sa inyo. katatapos lang kasi ng final interview ko sa Jollibee ngayon at pasado ako. pinapabalik na ako nang monday at pinagdadala ng P 320 para sa uniform (panibagong problema na naman, gusto ko nga itanong kung puwedeng salary deduction na lang). at sa 21 naman, malalaman ko na kung pasado ako sa BPSU entrance exam at kung Psychology ang babagsakan kong course, though hindi ako 100% sure kung ikinonsider ako dahil sa kulang na requirements. on process pa lang kasi ang HS form 137 ko kaya ‘di ko pa naipapasa, pero optimistic naman ako na kasama ako sa passers, considering na kaunti lang talaga ang nagapply sa Psychology course.

ngayon, ikino-condition ko na lang ang isip ko na maging positive sa mga darating pang araw at magserysoso sa work at sa pagba-blog dahil dito nakasalalay kung makakapagenroll ako sa kolehiyo. at oo nga pala, magwowork na din ako kaya mas lalong mababawasan ang time ko sa PugadMaya, pero for sure naman na hindi ko ‘to iiwan. saka sa mga nagtataka kung bakit kasama sa pagtitipid ko ang pagliban sa blogging, wala pa kasi ako sariling PC kaya sa labas ako nagrerent, so talagang malaki ang kinakain sa budget ko ang pagme-maintain nito, at ano man ang sabihin ng IBA DIYAN na nagsasayang lang ako ng pera sa blog eh wala akong pakialam. kanya kanyang trip lang ‘yan. eh bakit sa DOTA at iba pang online-games, ‘di ba mas nakakasayang lang ng oras at pera?Β  HA?

sauce. naiinis na naman ako pero isa lang ang sasabihin ko, lab ko ang PugadMaya at ‘di ko ‘to iiwan ano man ang mangyari, pero in the mean time, aasikasuhin ko muna ang buhay ko. and by the way, lalaki po ang author nito at wala itong kaugnayan sa Pugad Baboy, OKEY? dahil hindi ako panatiko ng komiks na yon. period.

yun lang.

————

bukas sunday, magoopen ulit ako ng blog para bumisita sa mga blogs niyo at magreply sa comments, magtatime na kasi ako ngayon eh. hapi weekend sa lahat.

Advertisements

11 thoughts on “sabado

  1. oi maya, ganyan kahirap ang buhay dito sa atin ano? kahit papasok ka na lang sa trabaho kelangan pa ng pera doon sa uniporme..ewan, basta ang hirap ng buhay…

    good luck na lang sayo maya sa napipintong pagtatrabaho mo at sana ay makaipon ka para makabili ka ng pc…

    sana nga, isa din sa pinagpaplanuhan ko eh ang pagbili ng Pc dahil tiyak na kakailanganin ko yun sa pagaaral at pagbablog..haha! wish me luck..tenks bro.. πŸ˜€

  2. siempre naman, kami nga mahal namin ang pugadmaya, ang author pa kaya?

    Congrats sa bago mong work, and goodluck!

    Godbless!

    salamat kheed! hehe..i’ll be back..babawi din.

  3. huwaw….

    congrats parekoy!

    goodluck sa pagiging jolliboy
    wag kang gagawa ng scandal ah

    saang branch ka?
    para makadaan kami.. pass out mo kami ah
    lolz

    jollibee bataan ako..tiyak malayo sa inyo..hehe..tenks sa patuloy na pabisita epfi πŸ™‚

  4. Yey, dalawang magandang balita for Jem! Congrats!

    Hanu balita sa application mo sa Jollibee???
    And yey psych student ka din, galingan! Kayang-kaya mu yan!

    yeap! at kahapon (tuesday) ko lang nalaman na pumasa ako sa test at sa clinical psyce pa..first choice ko! hehe..so kailangan talaga galingan.. πŸ˜€ tenks joycee!! babawi ako sa inyo..hehe

  5. wow nakakabilib naman malaman ang isang blogista na may magagandang entry sa internet rentals pala namamalagi! saludo ako sau bro! wala kapang sariling PC nyan. so pano pa pag nagkaroon na at nagkaroon ng sariling connection baka maging blockbuster ka na nun!

    well, pagbutihin pa ang pagsisikap at sana makapasok ka nga sa psychology course kasi yun ang gusto mo!

    lipad lang bro! abutin ang pangarap! yihaaa!

    nag stop over lang dito!

    salamat pow!

    bons

    hehe..salamat bons.. πŸ˜‰ at salamat din sa patuloy na pagdaan mo dito..for sure naman may kahihinatnan din ang mga ginagawa ko ngayon at sana makabawi din sa inyo dahil kayo lang nageencourage sa akin aside from my few friends dito..salamat talaga..

  6. congrats jeremiah!!! nawa’y makamit mo lahat ng plano at pangarap mo sa buhay. don’t you ever give up. πŸ˜€

    tama yan, don’t stop blogging.

    yep reesie, i won’t..magbabalik din ang maya! πŸ˜€ tenkyu sa pagbisita.. πŸ˜€

  7. naku wag mo pansinin yung nagsasabing nagsasayng ka ng pera sa pagbablog. peru syempre sana hindi nagiging sagabal ang blogging sa pag-aaral. hehe, i don’t wanna sound like a parent to you. di bagay sakin. hehe.. anyways, chill. have a great day πŸ˜‰

    yeah, nababalanse ko naman pero ngayon kasi kailangan muna din magbawas pa..pero soon, makakapagblog na din ako uleht.. πŸ˜€ tnx for dropping by mon..susurprse ko na lang kayo sa aking official na pagbabalik

  8. congrats….sa wakas!

    pero ikaw di na talaga nawalan ng problema.

    alam mo tol kung maihahagis ko lang sa iyo yung 320…naihagis ko na para magka uniform ka hehehe! baka maudlot pa yan dahil wala kang uniform eh!

    hehe..buti nga nasolusyonan ko.. πŸ˜€ ngayon training na ako.. babalitaan ko kayo ‘pag tanggap na ako..

  9. parang andaming may bagong work… hehe… nwei congrats… pagbutihin mo ang trabaho ha…

    just enjoy it ok… gogogo!

    hehe..kailangan eh..para magkapera.. πŸ˜€ saka para ‘di masayang ang summer.. πŸ˜€
    salamat sa pagbisita yhen.. πŸ˜€

  10. pwede ka din naman magkapera sa blog eh diba? actually pag natutunan mo kung paano pagkaperahan ang internet at ang blogging eh baka ikayaman mo pa ito..

    try nyo po i-search sa google ang “pera sa internet”.

    cheers!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s