new soul

7:14 am

ilang araw din akong ‘di nakapagblog pero sa ilang araw na pagkawalay ako sa pugadmaya, nagbabalik na naman ako pero masasabing medyo nagiba na talaga dahil kasabay ng pagbabago ng template ko ang pagbabalik ng kulay ng aking buhay.

naks!

naisip ko lang kasi na parang nabubuhay na lang ako base sa nakaraan at kung ano ang idinulot ng mga pagkakamali ko noon sa buhay ko ngayon. pinilit kong baguhin ang lahat, lahat pati sarili ko pero wala ding nangyayari. ang dami kong regrets. madami akong pinagsisihang hindi nagawa, mga plano, pangarap at pangako na nauwi lang sa wala. gayundin namang madami akong hindi dapat ginawa, at isa na dun ang tuluyang pagtalikod ko sa Diyos dahil sa mga struggles at guilt na hindi ko na makayanang labanan. dahil dito kaya nagkaroon ng pugadmaya, isang paraan ko ng emotional release at kadramahan sa buhay. at actually kahit nga hindi ako naglalaro ng DOTA ehΒ  naging paborito ko si Leshrac the Malicious: Tormented Soul. ika ko nga sa kauna-unahan kong post:

“The despair of living is creeping towards me each and every single day of my life”

pero ngayon, iba na ang pananaw ko sa buhay ko dahil nagrecommit na ako kay God. sawang sawa na kasi ako sa pakikipagbuno eh, lagi ako natatalo. tuwing gagawa ako ng masama, naaalala ko siya. bago ako matulog naaalala ko siya. araw araw hindi niya ako tinantanan. he was always reaching out on me, never giving up on me kahit super pasaway ako.

akala ko nga hindi na ako makakabalik sa dati dahil nagkaroon na ako ng apathy towards Him. pinipilit ko magpray ‘pag nagsisimba pero para akong nakikipagusap sa hangin. ‘pag kumakanta ng praise songs, wala na yung joy. parang nawala na ang lahat pero hindi pa pala dahil tinitingnan lang niya kung hanggang saan ang perseverance ko, and all paid up in the end naman dahil happy na naman ako. and it’s for real because God is the real deal! πŸ˜€

ngayon ‘di ko pa masasabi na truly changed na ako dahil marami pa din akong bagay na dapat isettle pero alam ko na may kasama ako along the way. hindi ko naman kasi kayang baguhin ang buhay at sarili ko dahil Siya lang ang makakagawa nun. kung magbabago ako, hindi dahil sa magaling o mabait ako kundi dahil mabuti talaga si God sa atin. ngayon ko lang talaga narealize na “it’s not about me.” dahil sa simula pa lang it’s all about Him. lahat ng struggles at failures ko ay hindi ibinigay para ipakita sa mundo kung gaano ako kahinang tao kundi para ipakita kung gaano siya kagaling magbago ng buhay ng tao.

i know maraming matutuwa at mabibigla sa biglaan kong pagiging ganito. hehe. ako pa rin naman ‘toh–me in my pure, basic form..heheΒ  πŸ˜€

-0Oo-

gusto ko nga din pala ishare ang book na binabasa ko ngayon as my devotional read aside from The Daily Journey, ang It’s Not About Me: Teen Edition by Max Lucado. it’s a real good and inspiring read.

b-932-902_3001

off topic: maya na lang ako magrereply sa mga comments niyo.. ‘di pa ako nagaalmusal. πŸ˜€



Advertisements

11 thoughts on “new soul

  1. pinahiram din ako ng isang kaibigan ng book ni max lucado..at maganda ngang basahin. πŸ™‚

    it’s a nice post. nakita ko ang sarili ko sa kwento mo.

    yeah, dalawa ang lucado book ko..maganda kasi..Traveling Light and yung It’s Not About Me..mahirap talaga maging christian noh? nakakapressure lalo na pag may commitment..

  2. buti naman at nagbalik ka na pala..good boy na rin ayon sa wento mo..sana nga para walang maging problema sa buhay mo..basta andyan lang sya para sumuporta sa ating ginagawa at gagawin pa..ingat pugadmaya, sana ay dumami pa ang iyong inakay

    hehe..tenkyu payatots..sana nga tuloy-tuloy na.. πŸ˜€

  3. gudluk sa pag babago!

    sabi ko nga nung new year post ko…

    “hindi mo na kailangan pang hintayin pa ang bagong taon para sa salitang pag babago…”

    ang ganda ng template mo ahaha kulay parang buhay!

    o xaxa sige marami ka pa atang dapat baguhin!

    life is about changes naman talaga eh, either for the better or for worst. we choose..

  4. welcome back jem! natuwa ako dito sa post mo. you really are decided to change for the better and keep God by your side. that’s indeed a good start. God will definitely Hguide you on that endeavor and unconditionally take you back with His arms wide open.

    happy easter to you and your family, jem!

    it really is a good start winkie..saka sure naman ako na kung ano ang sinimulan Niya sa buhay ko, Siya din ang magfufulfill..
    now i know i’m on the right track.. πŸ˜€

  5. lahat sila natuwa, ako kaya?
    siempre naman, ako din natutuwa, dahil gaya mo magbabalik loob na din ako.
    kelangan ko ng umattend ng 13 CLP para maging SFC na ko, simula na yan sa sabado. gusto ko din kasing maging active sa Church, so yun. Good luck sayo,
    Good Luck sa ‘tin..

    good for you..para naman mas maging hapi at maganda ang buhay.. πŸ˜€

  6. I love Max Lucado, peyborit author sya ng tatay ko kaya ayun nahawa na din ako..

    Lahat ay natutuwa sa post na ‘to Jem. God never fails us kaya hinde tayo dapat mag-give-up sa Kanya.

    Lookin forward to more positive & happy posts.. πŸ™‚

    yap yap, joycee..for sure naman madami na akong maipopost na good and God’s stuff dito sa blog..
    newey, peyborit ko din talaga si Max Lucado dahil simple pero cool ang pagsusulat niya.. πŸ˜€

  7. gnyan nga parekoy. laban kung laban. wag patatalo dahil unang-unang madi-disappoint yung kakampi natin sa itaas πŸ™‚

    ryt..laban lang ng laban..malakas ang BACKER natin sa taas eh.. πŸ˜€

  8. maganda nga itong napili mong bagong theme, maaliwalas sa mata at malinis. Parang breath of fresh air..

    breath of fresh air nga basti..para maging hapi ang atmosphere dito.. πŸ˜‰

  9. wooo.
    i like the max lucado book.
    hahanap din ako nyan. πŸ˜€
    thanks for sharing!

    sana nakahanap ka na πŸ˜€ maganda yan, pwamis! :0)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s