kuwentong pusa

kitten1

noong isang araw, sa aking paglalakad papauwi galing sa eskuwela ay nakakita ako ng isang maliit kuting, halatang bagong silang dahil nakapikit pa din habang buong tapang na iginagapang ang sarili sa masukal na daan. binagalan ko ang aking lakad para mapagmasdan kahit sandali ang munting pusa. bigla kasi akong naawa at nagalala sa kanya dahil maraming nagdadaan sasakyan sa lugar pero alam kong hindi ko siya puwedeng iuwi ng bahay kaya nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad at tuluyan ding nawala ang kuting sa alaala.

kinabukasan ay maaga akong nagayos at dahil nagtitipid ay naglakad na lang ulit pagpasok. dating daan, sa likod ng eskuwelahan ko noong highschool. sa aking paglalakad ay nakapansin ako ng isang patay na hayop sa ‘di kalayuan. pumasok agad sa isip ko ang munting kuting na nakita ko noong nakaraang hapon at hindi nga nagkamali ang aking hinala, ang puting kuting nga pero patay na, pipi ang tiyan,Β  may agas ng dugo ang puwitan at bibig.

bigla akong nanlumo sa aking nakita dahil hindi sana nangyari iyon kung tinulungan ko yung pusa, at dahil mababaw talaga ako’y ‘di napigilan ng luha kong mangilid sa aking mga mata. sa ilang sandali ay nanatili ang kalunoslunos na imahe ng sawing pusa sa aking diwa habang ako’y naglalakad.

noon din ay napagtanto kong masakit talaga sa kalooban na mabigo sa pagtulong, na kahit mayroon tayong lakas at kakayanan, minsa’y hindi pa rin natin kayang lumikha ng pagbabago sa buhay ng iba, hindi lang sa mga kawawang hayop na makikita natin sa daan, kundi lalong higit sa ibang tao, at minsan pa nga eh sa sariling buhay pa natin mismo.

😐

Advertisements

24 thoughts on “kuwentong pusa

  1. sa tingin ko gus2 mo ang tumulong un nga lang na huli ka lang ng pagtulong πŸ˜€ pero okey lang un alam naman ng kataas taasan na gus2 natin talaga makatulong…

    yeah..alam naman niya ang intentions natin, done or not.. πŸ˜€

  2. wow..i love the last paragraph.. it shows that you have a good heart.. inspite of being young, yung pananaw mo sa buhay ay mas matured pa sa ibang tao dyan na matanda pa kaysa sayo.. i admire you jeremiah.. don’t change.. oks?

    tnx reesie..at siguro kung may magbago man ako–it’s for the better..at sana lahat din tayo..

  3. Bottom line: Habang may pagkakataon, let us all do our best to help each other especially those who are in need.

    oo nga, kasi at some point in our lives, may mga tumulong din sa atin without hesitation.

  4. wow.
    medyo malalim ata yung gusto mong sabihin.
    ang bigat ng post na ito kuya.
    pero tama ka. “na kahit mayroon tayong lakas at kakayanan, minsa’y hindi pa rin natin kayang lumikha ng pagbabago sa buhay ng iba.”

    pag-iisipan ko yan.
    saludo!

    yeah, totoo ‘yon..but if we try, makakagawa naman tayo ng difference.. πŸ˜‰

  5. minsan naiisip mo na kailangan mong tumulong pero hindi mo alam kung paano.
    kasi minsan alam mo na hindi sapat ang tulong na binibigay mo.

    pero kahit pa ganun, at least gumagawa tayo ng paraan para mabago ang lahat.

    ryt! mas mahalaga talaga ‘yung initiative at effort na inexert natin, magwork man o magfail..:D

  6. we cant be superhero everytime to everyone.

    we still have our own life to manage, to fix.

    narealize ko na din toh dati dahil sa sobrang concern natin sa iba, minsan nakakalimutan na natin ang sarili nating buhay..hehe..siguro talagang may superhero talaga sa bawat isa sa atin..pero katulad ng mga sikat na super heroes, mas nahihirapan tayong solusyonan ang mga sarili nating issues and problems.. 😐

  7. nabuhay na naman ang kasabihan na,” aanhin pa ng damo kung patay na ang kabayo”? ang sakit sa loob ano? minsan e ganyan talaga ang buhay…di mo alam last na pagkakataon na pala yon ng pusa..kakaawa ano? paano pa kaya ang isng tao na walang wala at gustong mabuhay pero walang tumulong sa kanya…

    ay mas malala yun.. 😦 nakakalungkot talaga isipin noh? and it happens everywhere..pero wala naman tayo magagawa eh..hindi natin kaya lahat..

  8. i joined.. alam mo na.. ^_^

    exposures sake…. thanks jeremiah..

    that’s good gerald.. i wish you luck! may future ka eh, simulan mo na ngayon…sasali din ako, tagalog division..

  9. mababaw din ako.. nakarelate ako eh…

    T_T

    mas okey na ang mababaw dahil sila pa minsan ang may mas nauunawaan, hindi katulad ng iba na sobrang profound pero wala namang laman..ayt? πŸ˜€

  10. kaya nga hanggang may pagkakataon na makatulong tayo, gawin natin.. mahirap ng magkaroon ng pagsisisi sa bandang dulo..

    sabi nga: be aggressive! be- be aggressive! πŸ˜€

  11. Pareng jeremiah..Ang deep m0ng tao s0brang deep..
    Una sa lahat. Gusto mo naman siyang 2lungan at ngisip ka talaga ng paraan at higit s lahat nakisimpatya ka. Maybe this is g0d’s own way..Na maging eye opener ung pusa pra sau..At ikw pra s amin..Thanks and great post!

    yeah, may narealize ako doon:
    na bago natin tulungan ang iba, o makisangkot sa iba pang problema eh dapat ayusin muna natin ‘yung buhay natin..so when the time comes na kailangan ng tulong natin, ready, armed and fearless tayo..

  12. ganun talaga, paminsan marerealize mo na lang ang isang bagy pag tapos na.. grabe, naawa talaga ako dun sa pusa.. kc madalas nakakakita din ako ng ganyan, pero ayoko naman kc maging home for the cats ang bahay namin, kasi may pusa naku.. 😦

    ako hindi ako mahilig sa pusa pero lahat ng hayop ‘pag mukhang kawawa, naaawa din ako..parang gusto ko ampunin..kaya nga saludo ako sa PAWS..hehe πŸ˜€

  13. minsan, talaga, kapag tapos na ang isang pangyayari..saka mo lang naisip na ganito..dapat ganun..

    ang lalim..nito ah..san mo ba hinugot to? hehe

    marami lang talaga ako naiisip nitong mga nakaraang araw kaya lahat ng bagay na nangyayari, mga nababasa–nagkakaroon ng meaning at impact sa akin..

  14. hala ka! seguradong, hindi ka patatahimikin ng pusa. it will haunt u every night!! hehe. joke lang! okay lang yun. mamatay din yung pusa kasi bagong panganak lang eh. peru next time, pag may nakita ka, itabi mo na dude para di masagasaan. πŸ˜‰

    yap yap! baka nga iuwi ko muna para ako muna ang magnurse..haha!

  15. Nakakalungkot man ang nangyari, hindi mo dapat sisihin ang sarili mo. Naalala ko tuloy ang pusa ko. Marami nga pala sila. Palagi sila namamatay. At sa tuwing nakakakita din ako ng ganyan sa daan, napapaluha na lang ako sa awa.

    pareho tayo, mahilig ako magpet pero itinigil ko na..lagi kasi sila namamatay eh..nakakafrustrate lang 😐

  16. sabi nga nung isang ad sa t.v.
    HOMELESS, not WORTHLESS.
    di naman kita kinokonsensya.
    heheh. πŸ™‚

    naalala ko nga yang Ad na yan..hehe..next time talaga i will know better.. πŸ˜€

  17. nakakaiyak!!!! huhu. wawa naman si muning =(

    mahiligi din ako sa pusa huhu

    ako hindi pero malaki talaga ang sympathy ko sa mga kawawang hayop eh..

  18. ang ganda ng bagong template ah.. love it.. maaliwalas.. fresh na fresh.. have a great weekend jeremiah!! πŸ˜€

    i had a great weekend reesie..hehe..tenks ah..comfortable nga ako dito sa template ko ngayon..refreshing ‘di katulad dati na walang kulay..

  19. wow astig ng conclusion… ang lalim… di ko maarok…

    nwei, advance happy easter sa iyo…

    Godbless!

    hehe..minsang talaga lumalabas ang lalim natin sa mga simpleng bagay tulad noon.. πŸ˜‰ sana naging masaya ang holy week..

  20. kahit naman siguro tinulungan mo yung pusa, hindi mo rin masasabi kung mabubuhay ba yun o hindi. wala naman sa kamay mo yung buhay nya. nakakalungkot nga lang ang nangyari!

    tama ka..pero sayang din dahil ‘di ko natulungan, siguro kung nakatulong ako, nagiba ang mga nangyari.. 😐

  21. aww nakakalungkot naman, naisip ko ang pusa naming si bob, ang hilig kasi gumala minsan, sana lang di nya sapitin ang ganyan.
    Anyway, ganyang talaga ang buhay, pero don’t be weary kasi marami ka pang pagkakataon para makagawa ng difference sa mundong ito…

    hehe..yan nga ang bottomline: nabigo man tumulong, lagi namang may next time para makagawa ng difference, kahit sa mga simpleng bagay lang..

  22. awwwww. tsk.
    kawawa naman ang kuting.
    di mo rin naman masisisi ang sarili mo kasi kung iuwi mo un, hindi yata pwede sa bahay nyo.
    anyway nice post

    yeah, bawal ang animals sa bahay..nagtataka nga ako kung bakit di pa ako pinapaalis dun..haha! πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s