ayoko na

3:00 am

hindi ko alam kung bakit sa tuwing uuwi ako dito sa bataan eh naiiyak ako lalo na ‘pag hinahatid ako nina mama, tulad kanina. pero umiyak man ako wala ako magagawa dahil kailangan ko talagang mamuhay muna ng malayo sa kanila para naman hindi na ako dagdag sa intindihin at gastusin. wala pa ring nagbabago sa pamumuhay namin hanggang ngayon. at mababago lang ang takbo ng buhay namin kung tataya at mananalo si papa ng 100,000,000 sa lotto o kaya man kung makakapagaral at makakapagtapos na ako. sayang nga dahil nawalan ng saysay ang 3 taon ko sa kolehiyo pero kailangan ko gawin toh, hindi lang para sa akin kung ‘di para sa kanila. gusto ko kasi na ‘pag nagtapos ako, galing sa sarili kong pawis at sila talaga ang karapatdapat umakyat kasama ko.

tinanong nga ako ni mama kung sigurado na ba ako sa plano ko at sinagot ko naman siya ng totoo, na hindi pa pero tiyak gagawin ko dahil dun ko lang malalaman kung kaya ko. tapos bigla siyang napaiyak, naiiyak din ako pero pinigil ko na lang. nagbiro na lang ako na pag ‘di siya tumigil sa kakaiyak, sasapakin ko siya. ganyan kami kaclose ni mama. si papa naman kahit hindi ipakita ang totoong nararamdaman eh alam ko ding concern sa akin. isa langΒ  ang natandaan ko sa mga sinabi niya, ang magkaroon ng sariling programa sa buhay.

ngayon ko lang talaga naramdaman yung pressure ng pagiging panganay dahil sa mga responsibilidad na nakaatang sa akin. mahirap. mahirap talaga pero kailangan ko magsikap para matupad ko ang mga pangarap ko para sa kanila. alam ko marami na akong pangarap at goals na di natupad pero ilalaban ko na ngayon dahil ayoko na ng ganito. sabi ko nga kay mama parang naligaw ata kami sa maling buhay pero babaguhin ko lahat. they deserve better than this, kaya from now magiging isang mas mabuting anak na ako.

ayoko nang maging ningas kugon-kugon.

ayoko nang maging loser.

ayaw ko na ng

putik

na buhay na toh na ‘di mo alam kung saan papunta.

magkakaroon na ako ng direksyon.

———–

off topic: pasensya muna sa mga readers ng blog ko na hindi ko navivisit at nrereplyan pa. wala lang talaga time at pagod na din kaya quickpost na lang ang nagagawa. babawi ako ‘pag nakapagpahinga na ako. okei? i’ll be back on monday. wish me luck na din dahil kasalukuyan pa din ako naghahanap ng work. wish niyo na din na magbago ang takbo ng buhay ko para hindi puro drama ang nababasa niyo dito..

Advertisements

11 thoughts on “ayoko na

  1. Aw. Wag ka po tumigil ng school mo. Naku. Sayang naman. Tapusin mo muna sana kasi kapag nag-start ka na mag-work mahirap bumalik ulit sa school.

    Pero sige desisyon mo po iyan. Ikaw po bahala. Good luck na lang sa paghahanap mo ng work. Sana maging stable ka para makatulong ka sa family mo. Kaya mo yan.

    yeap magaaral pa ulit ako, pero magwowork din at the same time..sana kayanin ko

  2. tol kaya mo yan..ganyan lang talaga kapag panganay ka, nasa iyo lahat ng presyur lalo na at di naman kagandahan ang buhay ano? konting tiis lang para makatulong ng maayos sa magulang

    yap yap..i won’t give up..sayang naman kasi yung mga sinakripisyo nila para sa akin..laban lang πŸ˜€

  3. ayaw ko na ng putik ===> naalala ko na dialogue ito ni maricel soriano sa isang pelikula nya. πŸ™‚

    i can totally feel for you jem. di rin kami mayaman. pinag-aral ng ako ng pinsan ko ng college kaya nakatapos ng pag-aaral. konting tyaga lang. pasasaan ba at aayos din ng konti ang buhay. mahirap at maaaring matagalan pero aayos yan. tapos samahan mo na rin ng maraming dasal… God’s promises never fail. maraming tao may mahirap ang problems. isipin na lang natin, we are more blessed than those poeple πŸ™‚

    don’t give up, just hold on.

    Holy Week na… i wish you a blessed and meaningful week. GBU Jem!

    tenks winkie sa encouragement..grabeh nakakatuwa talaga dito sa blogworld..dahil madami ang nagpopower-up sa akin..salamat salamat salamat.. god bless you din. πŸ˜€
    .
    .
    and yeah kay maricel soriano nga yun..hehe

  4. Kaya mo yan dude, ika nga, Sipag at Tiyaga ang kelangan para umasenso. hehe. “When the going gets tough, the tough gets going.” naks! puro ako kasabihan. hehe. lahat naman tayo may kanya-kanyang challenges sa buhay. kaya natin to. πŸ˜‰

    so right, mon..kailangan lang talaga ng ST..sipag at tiyaga..parang manny villar lang noh..hehe, pero kita naman natin, kung paano siya umasenso mula sa kahirapan..;)

  5. ei ei dude…

    goodluck pre!
    katulad mo rin ako na isang panganay.
    kayang kaya yan dude πŸ™‚

    hehe..hirap noh? pero masarap din sa pakiramdam na nakakatulong ka na sa pamilya kahit sa anong paraan.. πŸ˜€

  6. nung nabasa ko ang post mo, ang naalala ko talaga ay yung panganay kong kapatid, sya din talaga ang nagsakripisyo ng todo-todo..
    Sya ngayon ang pinaka matagumpay, di lang sa aming magkakapatid kungdi sa buong magpipinsan.. kayang kaya yan ni Jeremiah! Good luck

    salamat kheed..sana maging katulad din ako ng kuya mo.. πŸ˜‰

  7. Haays i know how you feel bro..buti nga bata ka pa..ako eto pabigat pa rin sa tatay ko.
    Dati sabi ko pag nakatapos ako paaaralin ko mga kapatid ko..eh eto gagradweyt na silang lahat nag-aaral pa ko..gusto ko na nga silang hingan ng baon wahaha. Cheer up. Sabi nila swerte daw mga panganay..una ka sa lahat! Di ka nakakakuha ng hand-me-downs. Ang problema pati sa responsibilidad una ka rin. Syete.

    ~tsk. kala ko naman tungkol to dun sa crush mong kinababaliwan mo nung hayskul na nakita mo. Naexcite pa ko wahaha. God bless bro! Kitakits sa plerk!

    hehe..dapat talaga ipopost ko yun pero hindiko na itinuloy..she’s no worth it..haha! newey, enjoyin mo na lang ang pagaaral mo dahil mamimiss mo din yan pag grumaduate ka na..ako nga maabutan na din ng utol ko sa college..grabeh, pero okei lang..mas masaya siguro yun.. πŸ˜€

  8. aja pugadmaya!!!

    prayers lang yan at konting hirap at tiis..

    para sa mga kwela bits and other stuffs..andito lang naman ang mga bloggers..

    oo nga eh..dito lang talaga ako nagiging hapi kahit panget ang takbo ng buhay..tnx for dropping by πŸ˜€

    aheks

  9. I sooo adore you for this post parekoy! Ang tapang mo for your age. I’m sure that God will guide you no matter what, basta wag ka lang makalimot tumawag sa Kanya.

    God bless you!

    yeah, i’m glad i did..

  10. matindi talaga ang pressure. panganay din kasi ako. sa akin nakaatang ang mga responsibilities na naiwan ng nanay ko kaya ng mag-asawa ako, andaming nadisappoint. hanggang ngayon tumutulong pa rin ako sa family ko, making up for leaving them so early.

    don’t lose hope. makakaraos ka rin dyan. keep your faith πŸ™‚

    have a blessed holy week…

    tenks enjoy..tatandaan ko yan..from now on hindi ko na iisipin na walang pagasa and i will always hold on to my faith.. sana lahat ng bloggers nagkaroon ng makabuluhang holy week.. πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s