in the morning

INTHEMORNINGBYRAZORLIGHT

bago ako magpost eh nagresearch muna ako kung paano makakapagembed ng music dito sa pugadmaya. nainggit kasi ako sa ibang bloggers na may music..haha. at ayan na po meron na: In the Morning by Razorlight. enjoy!

and speaking of morning, umagang umaga eh medyo badtrip na’ko dahil hindi ako nakabalik ng bataan. wala pa kasi ako pamasahe. napasarap ang gastos! ayun! ako din naman ang may problema kaya wala ako magagawa.

sinamahan ko na lang ang kapatid ko sa school nila para makapagpapirma ng clearance at lalo lang uminit ang ulo ko dahil super paimportante yung mga teachers nila. pakalat-kalat lang sa campus pero ayaw ientertain yung mga students na 1 week na pabalik-balik sa school, kesyo mamaya daw o hindi pa puwede. sauce naman oh! puwede ba ‘yon. ang sarap nilang tirisin. napagod ako kakabuntot kay paul daniel tapos nalowbatt pa ang celfone ko. buti na lang may malapit na park kaya pasimple na lang ako nagcharge. napagkamalan pa nga ako ng isang pretty girl na eyebol niya. nakatitig siya sa akin habang papalapit, ngumiti naman ako. šŸ˜€

prettygirl: kuya ikaw po ba si jay?
jem: ay, hindi eh.
prettgirl: aah
jem: bakit? kameet mo?
prettygirl: (ngisi) medyo.
jem: hehe..okei ah, wait ka lang ng konti, baka dumating din yon.
prettygirl: (umupo sa aisle) sige, hintayin ko na lang dito.

gusto ko pa sana siya kausapin pero nawiweewee ako. wrong timing talaga. pati nga cp at charger ko nakalimutan ko iunplug. tapos nung pagbalik ko wala na siya pero nandun pa din yung fone ko. sayang talaga. baka chance ko na sana yun para maka*toot*. hehe! joke lang. gudboy ako noh.

naginquire din ako sa Nueva Ecija University of Science and Technology kung meron silang course na Psychology pero wala daw. saka tagilid ako dun dahil hindi sila tumatanggap ng mga bobong pinoy tulad ko: bawal ang 5 at INC, which is a good thing naman dahil sure na ang pagaaral ko ulit sa bataan, hopefully sa Bataan Peninsula State Uninversity. problemado pa nga ako dahil may mga dapat pa akong isettle sa school before ako makakuha ng mga requirements para sa college admission. hayz, neber talaga ako nawalan ng problema. hayzz..makapaglunch muna nga..i’ll be back para makapagreply sa mga comments at magbloghop..

1:22 pm
Advertisements

9 thoughts on “in the morning

  1. pag may ganyang pagkakataon…
    hindi na pinapalampas yan.
    baka style nya lang yun para makilala ka
    diba diba!

    “ay hindi eh….
    pero ako nga pala si jem”

    haha.oo nga eh..pero wrong timing naman kasi..sayang! šŸ˜

  2. nawindang naman ako rini..

    baka chance ko na sana yun para maka*toot*

    buti nalang goodboy pala…

    hindi ko marinig ang bagong music mo..sad to say, walang speakers dito sa opis..

    tsk.tsk..next time nah..

    hehe…medyo hyper kasi ako nang sinulat ko yan.. šŸ˜€ try mo na lang next time..maganda yun

  3. Jello jem,

    Kamalas mo naman talaga hanu, nawiwee ka pa. Wrong timing talaga. šŸ™‚ Better luck nex time. šŸ™‚ Ika nga pag may malas, may swerte ring darating. šŸ™‚ Meron ba noon o akin lang yan? Hahaha…

    ryt ryt..wait wait lang muna ko..di naman nagmamdali

  4. bawi ka sasusunod. pag chance muna, huwag mong papalampasin.

    i hope you will visit my site and leave some message.

    Good day!

    hehe..tenks burn for dropping by.. i’ll hit back. šŸ˜€

  5. Pag walang problema, hinde naten maiisip na tumawag kay Lord. Matatapos din yan. šŸ™‚

    oo nga noh? madalas kasi pag sobrang hirap na, saka pa lang ako makakapagpray ng matindi

  6. ahaha oo nga baka sya na sana, baka kaya wala na sya dahil dumating na ka eyeball nya. Hmm there’s always a next time. Buti naman at balik aral ulit ang isip mo.. Good Luck, Im sure magiging maayos din ang lahat.

    yeap, aral muna talaga..pero i still need to work to back it up

  7. oy ano ka ba? ang problema, kakambal ng buhay yan. spice of life ika nga. pag walang problem, walang thrill ang life. kaya accept lang ng accept. hehehe!

    sayang yung pretty girlie. sana kahit saglit nagpanggap kang ikaw si jay. ay, bad pala yun. sorry… šŸ˜€

    hayz, nasermonan tuloy ako ni enjoy..haha! opo opo, di na ulit magrereklamo pag may problems.. šŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s