ang buhay: kasalukuyan

dsc00760jpg

Mahirap sumulat kung ang puso ay hapis,
nagtatalo ang damdamin kung
anong buhay ang ihihinga sa mga titik.
Ngunit ito na ang katotohanang
hindi ko na mababago sa pagsisinungaling
o pagbubulag-bulagan na masaya ako at gagaan din
ang pakiramdam mo sa sandaling
Mabasa mo ang tulang ito.

Sa totoo lang malalim
na ang gabi at hindi na ako dapat gising pa.
Dinig ang bawat hininga ng orasan sa labas
at ang mundo’y tulog na.

Marahil para matapos na ang kabaliwang ito
ay magbalik-tanaw tayo sa kahapon, sa nakaraang
mababakas ang sigla sa aking mga labi,
hindi tulad ngayong sanlaksang dalamhati
ang namumutawi at
panalanging maglakad pabalik ang oras.
Sasabay ako’t baon itong papel at lapis
nang maiguhit kong muli sa iyong alaala
ang ninanais mong makita.

Ngunit hindi.
Hindi dapat at ‘di ko magagawa
sapagkat ako’y hamak na tao lamang,
hindi ko hawak ang nakaraan
o ang aking kapalaran kaya
siguro’y pagtiisan mo na lang
ang ikukuwento ko sa iyo,
at at ang mababasa mo dito,
ang aking buhay kasalukuyan.

Jeremiah Santos
March 30, 2009


Advertisements

13 thoughts on “ang buhay: kasalukuyan

  1. whoa. mahusay bossing! san ka humuhugot ng damdamin para sa obra mo? πŸ™‚

    ewan eh..dramathon lang talaga ‘pag gabi..haha! but it doesn’t na i don’t mean it..may mga times lang talaga na pagsusulat na lang ang output mo..

  2. okay ang tula na ginawa mo…avid reader ako ngayon nang mga composed poems, because i am making poems too..keep it up! hope you’ll leave a comment too on mine!:) thnx

    btwt..ask kita kung anong meaning nito…

    salaghati?

    i actually misused and mistyped that word..it must be “dalamhati.” i think i must’ve read it somewhere kaya sumingit sa utak ko habang nagtatype..haha! i’ll google it for you..
    btw..wala ka link..iwan ka next taym

  3. Awwwts! Di nga daw sya emo…maniniwala ba ako? wahahaha

    Easy lang kapatid. Ganyan lang yan sa umpisa..nyahaha nagpayo ang isa pang emo lolz.

    hay naku pare-pareho kayo ng sinasabi..babawasan ko na nga ang drama πŸ˜€

  4. Di tayo dapat mabuhay sa nakaraan, lahat nang nangyari dun ay dapat i-take naten as a learning experience for us to be better individuals.

    Wuhuuu, matulog ng maaga hokeyyyy!

    opo mam! πŸ™‚ hehe..

  5. bakit ang daming madrama? lolz
    nicely done pre galing.

    advice lang. iwas ka sa sharp objects… baka maglaslas ka bigla ah πŸ™‚

    waah..bad ka epfi..’di ako mahilig sa mga sharp objects..haha! grabeh..wala pa ako sa ganung level

  6. isinga mo lang brod…lilipas din yan!

    para malalim pwedeng yosi

    o di kaya naman tig-isang bilog!

    hehe..hapi april fool’s mulong..salamat dito πŸ˜€

  7. emo season ata ngayon..lol.. madrama din kasi ang entry ko..

    love your poem.. isa pa! isa pa! πŸ˜€

    haha..medyo emode nga ako niyan.. ^.^

  8. love the poem. πŸ™‚ refreshing and evocative.

    bakit ba maraming manunula ang takot sa rhyme? puro free verse na lang lagi.

    happy april fools jem. πŸ™‚

    hehe..tenks..bago lang ako sa freeverse..but i still can’t get away with rhymes…kung mapapansin mo..tinatago ko lang. haha. πŸ˜€ newey, bad ka ah..akala ko totoo ang latest post mo..ayos!

  9. okey yan kaya tayo nag bloblog para mailabas natin ang gusto natin sabihin sa ibang tao…

    yeah, at kahit ano pa yon..wala na tayong magagawa dahil ayun ang totoo eh..db?

  10. wow naman..astig sa tula. uy taga cabanatuan ka pala! ecijano din ako.

    salamat ELI..hehe..saan ka naman dito sa nueva ecija?

  11. wow poetic ka pala jem. Ayos! na-inggit ako dude. wala pa akong nagawang poem na tagalog. di ako marunong. hehe

    hehe..sa totoo lang bago lang din ako sa paggawa ng mga tagalog na tula…pero mas nagustuhan ko na siya kesa sa ingles dahil mas maganda at maindayog sa pandinig

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s