my lola en me :|

hindi na ako dapat babalik dito sa pugadmaya dahil kanina pa akong umaga nagboblog-hopping, hinapon na nga’t alas tres na nakakain. pero hindi ko lang talaga matagalan ang pangiinterrogate ni lola sa akin dahil lagi na lang daw ako umaalis ng bahay. at dahil nga gusto ko muna ng katahimikan, naligo muna ako (at nagtrim ng bangs) pero hanggang sa cr eh dinig na dinig ko ang sermon ni lola dear:

jem-scold1“Lalabas ka ng kakakatawan, uuwi ka ng kakakatawan. wala din namang nangyayari, eh sayang lang!”

“Ganyan ang ginagawa ng mga nanlalalaki at nambabae, magiinit lang ng kaunti ang pwet sa bahay tapos aalis na.”

“Akala mo hindi ko alam ang mga pinag-gagagawa mo sa labas, ha?”

“Huwag kung anu ano ang isipin at atupagin mo. Isipin mo kung ano ang mangyayari sa buhay mo. Aba, hindi ka namin kayang pagaralin.”

ayun! dumudugo ang tenga ko habang naliligo, napapalunok na lang ako sa mga sinasabi ni lola. binuksan ko na lang ng malakas ang gripo para hindi ko masyado marinig ang mga sinasabi niya dahil sa totoo lang, nakakasakit na ng damdamin. nang tumahimik na ang paligid, lumabas na ako ng banyo’t dali daling nagtungo sa kuwarto. nahiga ako sandali sa kama para makapagcooldown at magisip. “Magmall tayo,”  sabi sa akin ng wallet ko. 500 na lang ang nalalabi sa tinipid kong pera simula pa noong isang linggo. pero dahil wala na din ako magawa, at seriously, bihira ko lang matreat ang sarili ko. tapos akala ng mga tao sa amin nagpapasarap lang ako sa buhay. pagbasahin ko kaya sila nitong blog ko? pero wala eh, wala na ako magagawa kung hindi sila naniniwala sa akin. kaya para maiba ang ambiance eh nagpunta na lang ako ng mall at namili ng bagong shirt. limang buwan na din naman nung huli akong bumili ng damit o anumang gamit sa katawan. Sa crimson ako nakabili, kulay ganito na plain tee shirt. hindi kasi ako mahilig sa mga graphic tees (dati oo pero sobrang common na) kaya mas gusto ko yung mga simpleng designs, plain or stripe.

hindi na ako nagtagal sa mall dahil baka ‘di ko mapigilan at ano pa ang mabili, nagpunta na lang ako sa Zagu Shop para bumili ng isang Cookies ‘n Cream Grande na lalaklakin ko sa daan. pagkayari’y dumiretso na dito sa computer shop para magpalipas ng oras. hindi na ako badtrip. masaya na ako. ehto oh :D. sana lang paguwi ko eh nakalimutan na ni lola ang init ng ulo niya. hindi na lang kasi ako makasagot sa kanya dahil hindi ko kaya. saka lab ko naman siya eh, paminsan minsan, lalo na pag nasa good mood. ewan ko ba kung bakit ganito siya sa akin. eh noong bata ako sobrang bait nun sa akin at super duper spoiled, ni hindi nga ako madapuan ng langaw nun dahil sobrang protective siya sa paborito niyang apo. pero ngayon eh matanda na ako, sabi nga ng tito ko eh “makakabuntis na ng kalabaw.” haha! kaya hindi ko na kailangan ng sobrang proteksyon niya dahil ibang proteksyon na ang kailangan ko (huh?) at kung ano man ang iniisip nila sa akin, hindi totoo yun. wala akong babae. tao lang ako, may social life din. at sa totoo lang kung wala ako sa bahay, nandito lang ako sa blogosphere tulad ngayon dahil ehto lang ang maituturing na social life ko, saka ehto lang naman ang nagpapasaya sa akin. pero kung sasabihin ko sa kanila na nagbablog lang ako ‘pag umaalis ako ng bahay (not always), eh siguradong sermon na naman yun. paulit ulit. walang katapusan. lahat na lang ng ginagawa ko, masama para sa kanila.

😐

Advertisements

17 thoughts on “my lola en me :|

  1. ahehe…ganyan talaga ang mga lola…at ganyan din ako noong nakatira pa ako sa mga lola ko. pero i’m glad she was tough on me. it’s tough love (pero nakakainis nga minsan) hehe!

    thanks for dropping by 😛

    yeah..it’s a tough love..
    so tough..
    she just can’t get enough..
    haha!
    nag ryhme! 😛

  2. buti naman at tumigil din si lola ano? ganyan talaga sila lalo na nga at nag aaral ka pa..sarap din ng malling ano? kahit wala masyado bibilihin ok lang kase mainit ngayon, palamig ng konti

    yeah..mas okey pa nga sa mall eh malameeghh!!! sa bahay walang aircon sobrang init..

  3. HI. thanks… ^_^

    i think im still on the verge of joining that kind stuff. Ok ill give it a try…

    But, how can i join? can you pls help me…?

    thanks…
    GEEK

    haha..on the verge pa, ituloy mo na.. 😀 cge, memessage kita sa blog mo

  4. brad, ganyan talaga mga tao kapag tumatanda… intindihin na lang natin…

    ako nga, ganyan din siya sa akin dati.. ngayon, nakaka-miss pala 😦

    kung sa bagay..hay ayoko magisip ng kung anu ano..basta siguro pasensya na lang talaga..

  5. mahal ka lang ng lola mo. ganun lang yan… lab lab lab ka lang talaga nun!

    ako nga uuwi ng probinsiya para makapagpahinga at doon ko lang ulit din makakasama ang lolot lola ko. namiss ko rin kasi sila talaga.

    haha..lab na lab na lab nga..pero minsan kasi OA na.. 😐

  6. Nadaanan ko rin to.. It’s normal for Lola’s to give sermons – perhaps it’s only reminders for us kahit malaki na tayo kasi dinaanan nya rin yun. And I miss my Mom here nagging me about the same thing.

    How old na is your Lola?

    70 + na ata si lola..and speaking of MOMS..mas malala ang mama ko dahil dudugo ang tenga mo dun (literally) dahil may kasamang pingot ang sermon..haha! newey, namimiss ko na din sila dahil dun na sila sa nueva ecija nakatira

  7. Hmmm.. Medyo hindi ko po naiintindihan yung “kakakatawan” na term na ginamit ng lola mo. Ano po ibigsabihin nun?

    Pero bakit bad yata ang sinasabi nya sa iyo? Nambabae ka raw? Hehe..

    Tapos medyo foul yung dulong words nya na hindi ka raw nya kayang pag-aralin. Alam mo honestly kung ako nasa situation mo hindi naman ako sasagot ng pabalang pero paalam ko sa kanila kung ano talaga ginagawa ko. Siguro wala lang talaga syang alam kung ano ginagawa mo kaya fishing for information sya. Kung mag-usap siguro kayo ng maayos ay hindi na nya masasabi ang mga ganyang bagay. Nakakasakit kasi sya ng hindi nya nalalaman.

    yeah..ang weird ng situation at feeling ano..nananahimik ka na lang kahit mali ang mga pinaaparatang nila sa iyo..nakakarelate tuloy ako pag naririnig ko sa radyo toh:
    “ako ang nakikita
    ako ang nasisisisi
    ako ang laging may kasalanan”
    shoot!!

    pero dinadaan ko na lang sa pasensya at thinking na may utang na loob ako sa kanila.. 😐

    hindi ko din alam kung ano ang kakakatawan..siguro dat means lalabas ako at babalik nang wala man lang daladala..parang walang katuturan yung mga ginagawa ko sa labas

  8. nung huli akong nasermonan ng lola ko, sa sobrang sama ng loob ko, nakapagbasag ako ng mga baso. nung pinagalitan ako dahil do’n, mayabang akong umalis at sa pagbalik ay may dalang pampalit na baso. haha.

    anyway, mahal ka naman ng lola mo. at darating din yung araw na maiintindihan mo kung bakit nga ganyan sya. (dahil naiintindihan ko na rin yung lola ko ngayon.) mahal ka nya, sigurado yun. 🙂

    pareho tayo..nagbabasag, pero ewan kunga bakit ‘pag nagagalit ako eh bote ng sparkle ang lagi kong hawak..minsan naman susuntukin yung matigas na cabinet tapos mabubuwisit dahil ang sakit..waaah! hirap talaga nang laging napapagalitan..pero siguro nga dahil lang sa lab yun..ganun siguro ang alam nila

  9. hehe..fave ka ng lola mo ano?
    ako kase hindi ko naabutan ang lola ko kaya diko maranasan magkalola

    aaw.sad naman..so medyo lucky pa pala ako noh? 😐

  10. hindi naman kaya namimiss ka lang ni lola dear? namimiss na nya ang kwento mo kaya ganun na lang ang pagpapapansin nya sayo.. Ganun din kasi ang lola ko, hehe minsan kelangan mo lang syang samahan sa panunuod nya para may topic kayong mapagusapan, dyahe lang kasi ang hilig ng mga lola ngayon eh yung mga telenovela.. c”,)

    so right kheed, puro tv, telenobela at chika ang mga trip ni lola eh di ko kaya yung mga yun.. pero minsan nakakapagusap din kami 😀

  11. The truth is, nami-miss lang ng lola mo yung presence mo sa bahay and she’s thinking na yung kanyang little apo na alaga niya noon have grown na into a young man at baka mawalan na ng panahon sa kanya. I think it’s her way na maglambing 😉

    aysows..siguro nga..pero iba na kasi eh..saka may bago na naman siyang peborit dapat ayun na lang yung talagang iniintindi niya..

  12. dude… ok lang yan.
    labas mo na lang sa kabilang tenga ang mga bagay na ayaw mong marinig. intindihin mo na lang.
    ikaw na rin ang nag sabi na paborito ka nya dati… malamang over protective lang sya sa iyo ngayon.

    nga pla.. ano meaning ng “kakakatawan”?

    hehe..hindi ko din maintindihan yun eh..medyo malalim din magsalita si loladear

  13. i never had a lola around..di ko na sila naabutan..kaya maswerte ka at may lola na nagmamahal sayo.. hayaan mo na ang matatanda, ganyan talaga ang mga iyan.. ikaw nlang umintindi kasi sila mahirap na silang paiintindihin (tama ba ang tagalog na word na itech)..hehe

    at sometimes you have to listen to them naman.. para lang sa ikakasaya nila…para wala tayong regrets later on..

    sa bagay..may mga sinabi na naman din si loladear na naprove ko na… 🙂

  14. Anu yung kakakatawan?

    Heniwey milkywey, minsan kahit wala tayong pera, pero we feel bad, okay lang itreat mo ang sarili mo at pasayahin ng konti ang sarili. You deserve to be happy. But after that, sober ka pa din. But at least, even for a while, naging masaya ka diba???

    Cheer up parekoy! Nobody can completely understand us, even our family. That’s a sad truth. 😦

    hay joycee, misteryo pa din sa akin ang ibig sabihin niyan..hehe.. 😐 saka tama ka na wala talagang completely makakaintindi sa atin kahit kailan, kahit nga mga parents natin eh..hayzz..at kahit ano’ng pagpapasaya ang gawin ko, emoness pa din in d end..waah! kailangan ko na siguro ng lablayp noh?

  15. Hello jem,

    Alam mo, may palagay ako na hindi naiintindihan ng lola mo yong ginagawa mo. Na-explain mo ba sa kanya yong ginagawa mo at yong positive things na naidudulot sa yo neto kagaya ng blogging. Gusto kasi ng mga matatanda na maging transparent ang mga apo o anak nila sa kanila. They will not understand what we are doing if we will not try our best to explain how things work now a days with regard to technology.

    On your part, bat di mo i-try sakyan yong trip ng lola mo. Kausapin mo lagi, baka naman madalang mo na siyang kinakausap kaya dinadaan na lang sa sermon. 🙂 Minsan sa tingin ko, kahit mga lola, nahihirapan din silang ipakita ang kanilang nararandaman kasi binata ka na. Yong bang lagi ka niyang kini-kiss dati, pero ngayong malaki ka na baka ayaw mo na at nasabihan mo pa siya noon. Yong linya sa TV ng mga batang lalaki na lola or mommy malaki na ako, wag nyo na akong i-kiss, kakahiya sa mga kaklase ko. Sa tutuo lang, nakakasama ng loob yan sa mga nanay at lola. 🙂

    Ok, hindi seguro ganyan sa yo, pero baka may iba pang makakabasa neto, sana makapagbigay ito ng liwanag sa inyo. May posibilidad kaya ang sinasabi ko. 🙂

    yeah meron noh…sa totoo nga lang minsan nararamdaman ko din na kailangan bumawi pero ‘di ko alam kung paano at kung kailan. so sa mga gawaing bahay na lang ako bumabawi para naman matuwa tuwa si lola. saka tumatanda na si lola eh, kaya siguro talagang dapat na akong maging nice sa kanya, para naman ‘di na siya masyadong maistress..hehe..tenks for this sofie.. 😀

  16. Lablayp? wahahahaha, sa tingen mo ba yun ang magpapasaya sa’yo?

    feeling ko isa yun dahil dalawang taon na akong bakante..ampf..kakainggit sa iba..pero sa kabilang banda marami din namang brights ide sa pagiging singgol 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s