isang tula..

Sa patuloy na pakikipagtuos
ng panulat sa blankong papel,
ang bawat pagkakamali’y nagbabadya
ng kawalang pagasa’t pagkabigo.
Maraming tinta’t papel na ang sinayang,
makailang ulit na ring sumuko.
Pilit tinalikuran ang mga titik
na naghihintay ng katuparan.
Nagpalaboy-laboy sa lansangan.
Ngunit sa paglipas ng panahon
Nalamang nasa akin pa din ang punla
Nakabaon, nakatanim
Kasama sa paglalakbay.
Ngayo’y napagtantong
gayundin ang pangarap.
Masasawi’t magigising
Subalit may panibagong tapang.
Kaya’t ano pa mang
Daluyong ang dapat tawirin,
mabasa na ang pagkatao
huwag lang ang puso’t damdamin.
Magkamali man nang ilang ulit
Sanlaksang papel man ang mapunit
Hawak ko pa din
Ang pluma
At pagasa
Na ‘di kailan man madadaig.

isinulat noong: March 26, 2009 | 12:46 am


Advertisements

17 thoughts on “isang tula..

  1. ayus ung tula mo πŸ˜€ manunulat na manunulat
    ung datingan ahaha wala tuloy akong masabe πŸ˜€

    okei ba? pero medyo weird din dahil hindi ko sa papel ginawa ang draft niyan kundi sa aking celfone.. hehe

  2. Nice nice.. Kainggit, sana ako rin marunong gumawa ng tula. Ahaha

    Thumbsup ako πŸ™‚

    hehe…kaya mo din ano..just keep it going..wag masyado critical sa gawa dahil walang perpektong tula…bawat katha, magaling man o hindi, ay mayroon ding halaga.. πŸ˜€

  3. Galing! Nakapunla na siguro sa ‘yo ang paghahabi ng mga salita… Keep it up! πŸ™‚

    siguro nga, dahil kahit ilang beses akong sumuko’t magduda kung may calling ba talaga ako sa pagsusulat eh talagang lumalabas siyang kusa.siguro kailangan ko lang ng kaunting pukpok at hasa.. πŸ˜€

  4. ang makata na si jem.
    gumawa ng tula.
    at nang ako na.
    hindi na nag-rhyme.

    haha..nagryhme naman kahit papaano ah? hays..kahit sa malayang taludturan talaga eh i still can’t getaway with rhymes..napansin mo?

  5. nakakailang mang sabihin eh nagawa ko ‘yang tula na yan out of envy..sinubukan ko kasing buksan yung site ng palanca awards at namangha sa mga gawa ng iba. parang gusto kong sumali kaya hanggang sa paghiga ko sa kama’y ayun pa din ang nasa isip ko..kaya sinubukan ko ulit magsulat, that time gamit ang celfone ko.. 😐

    newey, salamat sa papuri niyo..nabubuhayan na naman ako tuloy ng loob sa pagkatha ng mga tula..

    hays, ano ba?
    may chance kaya ako sa palanca?

  6. Nosebleed. Malalim na, tagalog pa at….

    “di kailanman madadaig”.

    minsan lang yan knoizki..bihira na ako makapagsulat ngayon..

  7. sobra ngang malalim, hirap halukayin ng ibig sabihin wahehe
    may talento ka pala sa pagsulat uh.

    salamat kheed..:D ang tula na yan ay nagmula lamang sa isang salita: PAGASA

  8. salamat sa pagcomment sa blog ko..ayan, nakarating din ako dito. πŸ™‚ magaling kang magsulat! pramis! frustration ko rin yang pagsusulat ng tula.

    ang ganda rin ng message ng tula. naramdaman ko yung tapang mo. πŸ™‚ keep on writing and inspiring people..

    salamat at dumapo ka din dito.. πŸ˜€ hehe..naramdaman mo ba? naramdaman ko din yun eh kaya nga naisipan kong (maganda nga) at ipinost dito..i’ll be posting new poems sa mga susunod na araw.. : )

  9. Hehe. di nga nag rhyme yung akin eh. pero sayo maganda kahit di nagr rhyme πŸ™‚ Seriously, ayos yung tula mo! Nasa iyo pa nga ang punla magpasahanggang ngayon!

    Sige na, sumali ka na sa palanca. Kaya mo na yan!

    haha..salamat sa iyo AX..confirmation ka na may chance ako sa palanca..sige, iaupdate ko kayo ‘pag sasali ako..nasa 70% na ang probability na sasali ako..pero medyo nakakatakot eh..

  10. ooooppsss…halos diko maarok. ang lalim! hehe

    ok to galing ng pagkasulat!

    more..more…more!

    more ba? sige sige..soon

  11. ngayon lang ulit ako napadapo sa pugad mo simula ng graduation ko at bakasyon. Maganda ang tula mong ito, laging nagpapaalala na anuma’t anuman ang mangyari, kahit ilang beses magkamali at mabigo… basta’t laging manalig na may pag-asa pa…

    yeah..sa pagasa nagmula ang mga titik na inilapat ko dito.. πŸ˜€ tenx sa pagkokomento

  12. Anggaleng! Dumugo ang ilong ko sa lalim pero ramdam ko ang emosyon behind these words. πŸ™‚

    siyempre..dapat excellent dapat lagi..emoness at its finest ika nga ni reesie..haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s