laban!

sa mga hindi nakarinig ng aking talumpati (tungkol sa edukasyon) noong elementarya ay malaki talaga ang pagpapahalaga ko sa edukasyon, kahit na alam ko na hindi talaga ako isang huwarang magaaral noon pa man. mahilig lang talaga ako magbasa at mageksperimento at dumiskubre ng mga bagay-bagay kaya masasabi ko na hindi ako tanga, hindi tulad ng iniisip ng iba. marami akong alam, basta nga ba huwag lang sa math. minsan nga’y sa akin na nagu-google ang mga classmate ko para makatipid sila sa internet rental. o di ba? sino’ng tanga ngayon?

pero nito lang nakaraang gabi ay nakausap ko ang isang kaibigan. marami din kaming pinagusapan, mula sa trabaho, mga plano sa buhay, at pagaaral. nagulat lang ako nang sabihin niya sa akin na magaaral siya ng pshchology kahit wala siyang pera. ang katotohanan nga’y kaalis lang niya sa trabaho, walang kasiguruhan kung saan huhugot ng pangmatrikula. mahirap lang din ang pamilya niya, hindi nalalayo sa antas ng pamumuhay namin. ang pinagkaiba lang naming dalawa ay matapang siya. ilalaban daw niya ang pagaaral niya. magtatrabaho muna ngayong bakasyon para makapagipon at makapagaral. babae yon ah, pero ang tapang magsalita. nanliit tuloy ako. at noon ay napagtanto ko na ang tanga tanga ko talaga. at hindi lang tanga, kung hindi duwag pa. hindi ba’t hindi pa nagsasarado ang klase’y binalak ko nang maghinto dahil sa hirap ng buhay? ang katotohanan nga’y ibinagsak ko na lahat ng subjects ko ngayon, lahat pati ang mga major para siguraduhing wala na akong babalikan sa eskuwela. wala na.

pero dahil sa paguusap namin kagabi eh nagkaroon ulit ako ng pagasa. hindi lang pala ako ang may ganoong problema, mas masuwerte pa nga ko kung tutuusin eh. noon ko lang narealize na tama pala ang sabi ni ate lydia, minsan daw eh kailangang maglabas ng sama ng loob at problema sa ibang tao na pinagkakatiwalaan mo, dahil dun mo malalaman na hindi ka nagiisa. magugulat ka pa nga’t yung sa iba eh mas grabe pero kinakaya nila. yun! nagiba tuloy ang gameplan ko sa buhay. lalaban din ako. hindi ko hahayaan na hanggang dito na lang ako dahil sa pagkakakilala ko sa aking sarili eh hindi ako isang mediocre na tao. hindi din ako tanga, nakakalimutan lang talaga minsan gamitin ang utak. hindi din ako duwag dahil marami na din akong pinagdaanan. hindi ako hopeless, kailangan lang talaga ng inspirasyon.

ngayon, ang pinoproblema ko na lang ay kung ano’ng kurso ang kukuhanin ko. iiwanan ko na ang IT dahil hindi naman talaga yun ang calling ko. journalism talaga ang gusto ko pero dahil hindi kaya eh kukuha na lang ng ibang kurso na malapit din naman sa puso ko. psychology ang tinapos ni mama, pero hindi din niya nagamit. pero gusto ko pa din sundan ang mga yapak niya. gusto ko ding maging psycho! hehe. palagay ko din ay puwede din ang business management and marketing dahil kahit walang pormal na kaalaman eh natutulungan ko ang isang kaibigan sa mga school works niya. ewan. wala pa akong napipili dahil madami talaga akong ambisyon. pero para sure na ang lahat, kukuha na ako ng entrance exam sa saturday, kasama si rhona. siya yung tinutukoy kong kaibigan. sabay din kaming magpapasa ng aming application forms at maghahanap ng trabaho sa sabado.

hehe

nagiging kaabang-abang na naman

ang mga susunod eksena

sa buhay ko. šŸ˜€

^.^

off topic: kahit na hindi ako official na kasali sa litratong pinoy eh magseshare na din ako ng isang picture na kuha ko. sana magustuhan niyo.

gusto ko nang magka-baby.. hehe.. ^.^

gusto ko nang magka-baby.. hehe.. ^.^

Advertisements

10 thoughts on “laban!

  1. dami kong gustong sabihin…

    siguro hindi rin ako duwag, sugarol pero hindi ko nagawang sumugal sa buhay at ngayong naiisip ko yun, para bang wala ng oras…hindi ko na mahahabol.

    naniniwala din ako na hindi ka duwag pero para ibagsak yung mga subjects mo para wala ka nang balikan sa iskwelahan, siguro nga hindi ka naging duwag kasi nagpatalo ka ng walang laban. eh ano kung bumagsak pero hindi ko sasadyaing bumagsak. may paggagamitan pa ba ko noon kung maghihinto na ko o kaya eh mag shift ng course? baka nga wala, pero hindi ko pa rin iababagsak.

    journ ba kamo? journ grad ako, madaming angst pero di kita idi-discourage. hindi rin mahal ang pag-aaral nun. maganda sa PUP. Nag oofer na rin ng journ ang Bulacan State University!

    laban lang!

    may kasama nang pagrerebelde sa nagpaiskolar ( personal eh) sa akin ang pagbagsak ko sa mga subjects pero napagtanto ko na naman nitong huli na hindi tama dahil siguradong madaming madidisappoint sa akin. pero inisip ko na lang na tama na rin para hindi na ako umasa pa. iiwanan ko lahat ng nakuha ko doon at magsisimula’t magtatapos sa sarili kong kakayahan..at ung journ, hindi ko na inaasahan pang makukuha ko yun dahil psychology na ang papasukin ko..kung merun ngang nagooffer nun dito sa bataan eh bakit ba hindi. pero sa manila lang merun nun kaya hindi ko pa kakayanin, at kahit self supporting eh hindi ko alam kung makakasurvive ako sa manila na ako lang magisa..

    so dito na lang muna ako kung saan kaya..pero 1 thing is for sure..ilalaban ko ang pagaaral ko. šŸ˜€

  2. gnyan din ang takbo ng utak ko dati; alam mo yun, madaling madiscourage, madaling sumuko sa mga maliliit na bagay. hindi ako nakatapos dahil sa hirap din ng buhay ata katigasan ng ulo ko. nagbagsag din ako ng mga subjects dahil ayoko ng sumugal. mass comm major in journalism ang una kong naging kurso. tama si mulong na mura yun PUP [dun ako galing :D] at masasabi ko na hahasain ka rin ng husto dun kung yun talga ang gusto mo. pagkatapos ay nagshift ako sa broadcasting pero di ko nga natapos.

    oo kailangan mo ng inspirasyon para magawa lahat ng plano mo. pero dapat ay isipin mo rin na minsan biglang naglalaho ang mga “inspirasyon” kaya dapat ang mging driving force mo ay ang sarili mong kagustuhan na makaahon at may mapatunayan sa sarili mo.

    hehe..salamat sa koment niyo nu mulongski.. you made my day. šŸ˜€ yaan niyo, ‘di na talaga ako magigive up at soon eh magiging professional din ako..hindi ko man makuha ang pangarap na journ eh magkakaroon din naman ako ng puwang sa ibang field..and tama ka, hindi dapat umasa lang sa inspirasyon, at kung mayroon mang inspirasyon eh dapat yung pamliya lagi dahil lagi sila nandiyan, sumusuporta.. šŸ˜€ tenkyu..

  3. gusto mo nang magka baby?

    hehe..naiiinggit lang ako sa iba kong prends at pinsan na may beybi na..pero siyempre not now, saka na lang yun pag nakatapos na.. šŸ˜€

  4. Naloka ako sa last line wehehehe.

    Isipin mo mabuti kung anung gusto mo parekoy, kung anung tinitibok ng puso mo dun ka. Pero tama, kelangan magipon muna, at hinde ka tanga at hinde ka duwag okeyyy. You’re just facing the reality, pero ngayon handa ka na din lumabanm wag mwalan ng pag-asa.

    Nothing is impossible with God, kaya wag kang bibitaw sa Kanya.

    tenkyu joycee..hehe..tama nothing is impossible with God..para saan pa ang Jeremiah 29:11?.db.:D

  5. “minsan daw eh kailangang maglabas ng sama ng loob at problema sa ibang tao na pinagkakatiwalaan mo”

    ~ at tama nga si ate lydia brad..pakilala mo nag ko sa kanya. Siguro kelangan ko an din bumangon at lumaban. Haaays. Pasabay na lang sa inyo. lolz

    Good luck and God bless sayo parekoi!

    hehe..basta payt lang tayo ng payt! hanggang makuha ang gusto.. šŸ˜€

  6. Tama yan, habang mas maaga at habang bata ka pa.. aalamin mo na kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo.

    waah! pero di na ako bata pag grumadweyt ako.. šŸ˜¦ tsk tsk..nasayang kasi yung 3 years ko sa college..back to scratch na naman ako..pero okei na din yun siguro para magtanda na ako na hindi ako bumabata kaya.. habang maaga pa eh magsumikap na..

  7. Jem, masaya ako at desidido ka nang ilaban ang pag-aaral mo para makatapos ng kurso (na mapipili mo). Tama ang plano mo na ‘to at sana’y ipagpatuloy mo.
    Pinakamadali sa lahat ang sumuko. Kahit sino, kayang gawin ito. Pero pagkatapos ng pagsuko, ano na ang mangyayari sa ‘yo? Wala! At ang masakit pa na katotohanan dito eh, lalo ka pang nawalan! Maglalaho ang pag-asa sa harapan mo (na magiging daan mo sana tungo sa isang mas magandang buhay) kung tatalikuran mo ang edukasyon!
    You gotta treat your situation right now as a “no choice” one– meaning, you have “no choice” but to persevere! You have to get yourself back to school, Jem! You already know that you have the brains for the academics, so it’s clear you have the tools already.
    As for the inspiration you’re talking about, you already got one! You’ve already been inspired by your friend Rhona’s guts! She got if figured out already!
    Sabi nga nila, pag naging duwag ka sa buhay, maraming mawawala sa ‘yo. At para sa ‘ting mga kalalakihan, it might just cost us everything!
    Laban ka, Jem!!!
    Take care, GOD Bless you and all your dreams!!!

    tenks jose..
    tama ka, dapat hindi maging duwag..proven ko na iyan sa maraming bagay..kung ‘di man duwag eh huwag din babagal-bagal..sabi ng di ba, kung talagang gusto mo, ipaglaban mo..ang buhay talaga, parang mga girls lang eh noh?

  8. today is saturday at hindi natuloy ang plano ko, kulang pa kasi ang pera sa pagkuha ng entrance form..pero sa monday eh tuloy na tuloy na. šŸ˜€

  9. Hello jem,

    Maganda ang naging desisyon mo. Labanan ang kahirapan. Wag itong gawing hadlang kundi gawing sandata para sa iyong kinabukasan.

    Have a great weekend!

    have a great weekend din sofie..yeah, tatandaan ko yan.. šŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s