isang bagsakan!

sinikap kong maging produktibo ngayong araw na ito pero wala din akong nagawa. maaga akong nagpunta ng school para makapagstart na ng paglelay-out ng aming diyaryo, yung testing lang ba, pero sarado ang Internet Lab. hinanap ko ang publication adviser namin pero wala, bukas pa daw papasok.  nakasalubong ko ang isang staff, tinanong kung maipapasa na niya ang column niya, pero hindi daw dahil busy siya. poocha ako ba hindi busy ha!? tinext ko ang feature editor para maupdate siya pero wala din namang nangyari dahil kinuwentuhan lang ako ng mga problema niya. nakita ko ang isa pang adviser para matanong ang matagal na naming nirequest na PC Unit sa GenEx office, pero “ipa-follow up” na lang daw, as always.  nakakatuwa naman, sa tagal ng panahon na hiningi namin yung PC Unit na yon eh wala pa din, kesyo wala naman daw kasi tumatao sa GenEx office. eh paano kaya namin magagamit yung office eh wala pa nga ni isang upuan o mesa man lang, wala ding electric fan. ano’ng gagawin namin dun? magpapainit?

at ang isa pang tanong na hindi ko mawari eh kung bakit next sem irerelease ang gagawin naming issue ngayon. sige nga? unang meeting pa lang para sa 2nd sem issue ng diyaryo eh sinabi na sa akin ng adviser namin na hindi daw makakarelease ngayon, bago magbakasyon dahil karerelease lang daw nung january, tapos magrerelease na naman ngayong march. masyado daw maiksi ang interval kaya siguradong hindi kami papayagan ng finance department. eh kaya lang naman nadelay ang paggawa ng diyaryo eh dahil wala kaming sariling bahay at sariling unit ng computer. gagawa ka nga  msa internet lab pero mararamdaman mong kakaiba ang hangin at parang may binabadya ang bawat sabihing joke ni Sir______. computer school kami pero parang wala lang. isang computer set lang ba naman eh hindi pa maibigay. at sa aking pagkakaalam ay karapatan ng student publication ang paggamit sa nalikom na publication fund kaya kung gustuhin man naming magrelease ngayong sem ay okei lang.

bukas ay pupunta na naman ako ng school para magbaka-sakaling makapagsimula na sa pag-gawa ng diyaryo. oo na, tanga na kung tanga, o martir man kung martir. pero mahal ko lang talaga ang ginagawa ko kaya kahit ano pa mang hirap ang inaabot ko sa diyaryo namin eh kinakaya pa naman. pero sa susunod naming issue,  at dahil aalis na naman ako ng school, i want to break even, hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng staff ng GenEx. hindi na siguro dapat maging “safe” sa pagsusulat, dahil sa totoo lang marami talagang sablay sa school. hindi lang kami makakilos ng malaya dahil bago pa lang naman ang GenEx, pero nakakasawa na kaya sisiguraduhin ko na kung ano man ‘yung mga sablay na yun, ilalantad namin sa kanila ng isang bagsakan!

ge

p.s.


hindi maitatangging sumisikat na ang pugadmaya sa school, kaya naman kung may makakabasa nitong taga eastwoods eh mabuting manahimik na lang. walang pakialamanan okei ba? pero kung hindi talaga maiwasan ang kadaldalan, eh okei lang, go. magsumbong kung saan puwede basta huwag lang sa akin, sabi nga positive or negative exposure, exposure pa din. haha! tapos!

Advertisements

7 thoughts on “isang bagsakan!

  1. jem?? ako ba ung tinutukoy mo??? pasensya na tlga d nmn kc ganun kadali gumawa ng article para sakin e graduating ako..bc sa docu at iba pa,,dont worry gagawin ko naman un.. auq ko lng ung foundation day sa iba nlng please??? wala kasing kwenta ung foundation day bka kung ano lng isulat ko dun..column n lng ne???

    un lng ..pasencia na kung defensive ako oo guilty din ako d ko magawa ung IBANG article n pnapagawa mo sakin.. cge ingats dats ol

    no, it’s not you.really. you’ve done well, and exceeded expectations pa nga..naks!..pahabol na work nga lang yung binigay ko sayo. 😀 cge, ako na ang bahala sa foundation day news.. gud luck..

  2. naalala ko tuloy yung skul ko sa probinsya nung hyskul ako. trenta kaming students pero isang computer lang ang pwedeng gamitin. kelangan pa by batch ang paggamit ng pc. 5 students per group. so pag schedule na namin gumamit ng pc, para kaming mga tanga. lima kami sabay-sabay. so ganito eksena:

    pipindutin ko yung isang key, sabay tapic sa katabi ko,”oy ikaw na sunod” pindot din siya ng isang key sabay tapic ulit dun sa kasunod. anggaling!

    hmmm…. magandang topic to. maisulat nga sa blog ko.

    thanks sa dalaw sa bloggy ko parekoy. napansin ko rin na nasa blogroll mo yata ako. talamas na marami.

    tapos sasabihin nilang quality education noh? ikaw naman dahil kabilang ka naman sa eskuwelahan eh makiki-oo ka na lang..tsk tsk.
    uhm, yeah inilagay na kita kasi baka makalimutan ko pa blog mo..para makabalik uli

  3. baka maysakit ang feature editor nyo kaya ganun ang sagot sayo..paano nyo nga tatambayan yon e kun kahit pahangin wala, ano kayo hibang? sa init ba naman na yan ano? waaaaaaaaa

    walang sakit yun for sure..alibi lang..same old story nga eh…hayz.. 😐

  4. ganyan talaga pag student org.

    talking about ronic…computer school na walang computer…

    ako nga masscomm grad (journ major) pero tanda ko nun na walang sariling paper ang college namin!

    ironic nga din yun! hehe..
    newey, journ din ang pangarap kong kurso dati..

  5. naku ganyan din prob ko nun sa pub namin, iipitin ng admin yong ipapalabas na issue kasi lahat patungkol sa kanilang kabalbalan, saka magsesegue na kesyo maliit lang daw ang pondo para sa school pub sa school year na yun. hay naku, bute ba ang kule may sarili silang pondo at independent sila from admin, yun ang pagkakaalam ko, ang alam ko din may sponsors dila. hehehe

    hehe..kahit talaga saang sulok eh may oppression..asan ang demokrasya..kahit nga mga students eh di nila mabigyan ng boses at kalayaan..grrr..dapat nga maaga pa lang naghanap na kami ns sponsor noh? matagal ko na ding naisip yun

  6. Hello jem,

    Paano naman kaya na-aprobahan ang school niyo as computer school kung walang computer? E anong ginagamit niyo? Ibig sabihin puro theory lang kayo? Naku, dapat pinapatsek sa Department of Education yang school niyo. Di puwedeng computer school kung walang facilities na angkop bilang isang computer school. Kakaloka yan ha. 🙂

    meron naman sofie..pero ironic lang dahil computer school, madaming computer pero since 2007 na natatag yung diyaryo eh wala pang computer na ipinoprovide..til now ah..bakasyon na..tsk tsk

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s