sayang..

alas dos y media na ng gabi, pero hindi pa rin ako makatulog kahit pagod na pagod na ang katawan. hindi ko sinasadya pero naalala ko na naman si margie, ang babae na minsang bumuo at bumasag ng aking buhay.

ang totoo’y hindi na ako umaasa pa at lalong wala nang pagibig o puwang sa puso para sa kanya. pero dahil dumating na naman ang alaala’y nakisabay na lang ako at inalala ang mga masasayang oras na pinagsamahan namin at nagtapos sa alaala ng paglisan.

oo, nakaalpas na ako sa hagupit ng pagkabigo. pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap na sa lahat ng aking ginawang pakikipaglaban para sa amin, bandang huli ay ako din ang naging talunan. kung maibabalik ko lang ang nakalipas ay hindi na dapat kami nagkakilala. dahil sa bawat kalungkutan na nararanasan ko ngayo’y kadikit at naaalala ko pa rin siya, kahit na alam kong hindi na niya kilala ang aking pangalan.

sabi mo sa akin dati:

“kung basura man ang tingin mo sa sarili mo, ay ako na ang unang pupulot sa’yo.”

pero nasaan ka na?
.
.
.
.

sayang talaga.

lahat ng tula.

lahat ng oras.

lahat ng pagmamahal.

sayang talaga ako.

Advertisements

10 thoughts on “sayang..

  1. sayang nga…

    taas noo at sabihin mong “kawalan niya” di ba parekoy?

    sinabi ko din yun dati, iniisip pa rin hanggang ngayon..pero ironic eh dahil it means lang na bitter pa din ako.. 😐

  2. learn to move on….. kaya mo yan… madami pang iba dyan na mas deserving sa iyong pagmamahal.. yes, cliche yung mga sinasabi ko.. pero they’re true!!!!!

    yeah..and cliches have been proven na naman.. πŸ˜€ tenks sa pagdaan reesie

  3. Lungkot naman….

    Dont dwell too much on your past, the future may suddenly forget and leave you behind…

    *padaan din po!*

    ay nakakatakot naman ata yung ganun..

  4. Jem, iho, walang sayang sa pagbibigay ng pagmamahal ng isang tao. You gained experience naman kahit na hindi naging kayo. I am sure you learned many things from what happened between you. Those are you have gained. For all you know, preparation lang yan for something that’s better for you in the future. Cheer up, my dear.

    yeah, tama ka pero sana dumating na kung sino man yun! naiinip na ako..

  5. uy emo ang post. hindi ata ito ung dreams and wishes ah!

    naku di na ako makikisali sa advice, parang nasabi na nila lahat. be happy jem… just move on and be happy πŸ™‚

    ei, add kita sa blogroll ko ah!

    hehe..cge..tnx sa pagdapo dito..

  6. ganyan din ang nararamdaman ko ngayon. nasayang din ang lahat ng mga ipinaglaban ko. pero ganun talga ang buhay db? dapat lang na maging matatag tyo.

    kaya mo yan… kaya natin yan πŸ™‚

    salamat enjoy..kinakaya nga.. πŸ™‚

  7. Napadaan lang ako dito pero makikisawsaw na rin, tutal kagigising ko lang, hihi.

    I agree with Nortehanon.

    “Walang sayang sa pagbibigay ng pagmamahal ng isang tao. You gained experience naman kahit na hindi naging kayo. I am sure you learned many things from what happened between you. Those are you have gained. For all you know, preparation lang yan for something that’s better for you in the future.”

    Tumpak di ba? Nung na-experienced ko ung first heartbreak ko, i felt the same with you kaya I know kung gaano kahirap. But after that, I realized that there are more to life than our (previous) partner. I learned to live one day at a time. For what is “now,” leaving behind both the successes and failures of the past and looking forward to a better future ahead. We will only pass this life once so we better savor the most of it.

    Sabi nga nga marami, lahat naman talaga ng tao na nakikilala natin, iiwanan tayo, hindi lang natin alam kung kelan.

    Besides, people come to our lives, stay (for a while/long) for a purpose and to teach us lessons that would make us a better person.

    Oh ‘yan ha, sobrang kinarir ko ang pagbibigay ng comment! hehe.

    tnx ely or whoever you are.. πŸ˜€ dami ko natutunan dito..tama ka, lahat iiwan tayo pero di natin alam kung kelan. hindi nga din natin alam kung sila ba o tayo ang unang magpapaalam… nice one. salamat uleht dito

  8. i dont want to sound preachy, but what i can say is that people come in and out of our lives, to teach and mold us into better persons we could be in the future. i hope you could see it in a different light, on a brighter side. and of course, move on and start anew. you’re young, marami ka pang makikilala. =)

    oo nga naman..pero minsan talaga nakakainis lang kapag naaalala.. 😐

  9. Cliche na ‘to pero kung kayo, kayo talaga.

    God is preparing something better for you, prepare yourself for that, at hinde mo maeenjoy ang mga good things na ibibigay nya sayo if you’ll stuck yourself in something na matagal nang wala.

    yeah i know that.. πŸ˜€ hindi lang talaga maiiwasan na maglakbay ang diwa’t maalala ang hindi dapat.. 😐

  10. Hello jem,

    Tutuo sabi nila, walang sayang kung may natutunan ka. Pero iho, bat ka ba nagmamadali sa pag-ibig. E ke-bata-bata mo pa. Ika nga e, baka may gatas ka pa sa labi. Hehehe… *wink*

    dat hurts ah..hehe..pero tama ka nga siguro dahil baka hindi pa ako emotionally prepapred for such relationships..so wait wait muna.. πŸ˜€ tnx fordropping by sofie

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s