huwag tularan

good news: nagtala kagabi ang blog ko ng pinakamaraming views in the pugadmaya history

bad news: i’ll be quitting

hehe..pero bago kayo tumalon sa tuwa diyan eh patapusin niyo muna ako. magku-quit na ako sa pagsisigarilyo. pero siyempre hindi ganun kadali yon dahil naging bespren ko na ang marlboro lights sa loob ng maraming buwan. madami na din kaming araw at gabing pinagsamahan. hindi ako ganon kadali makalimot. hindi ako ganun klaseng kaibigan.

yosi

para sa lahat ng di pa nakakaalam eh bata pa ako. 19 years old at kahit may pubic hair na’y nagtatago pa rin para makapagyosi dahil mapapagalitan ako ni loladear. sa labas lang ng bahay at sa kuwarto pag hating-gabi lang ako nakakapag-sigarilyo with matching kape. pero kagabi ay nalaman kong nawala na ang top-secret ash tray ko. hindi kasi siya mukhang ash-tray dahil pinaglumaan kong gatsby wax container yun. so you got to open it first to know what’s inside. kinabahan nga ako dahil malamang ay hinalungkat nila ang kuwarto ko katulad ng pagkakabisto nila sa collection ko ng UNO at FHM.

nagising ako kanina nang maaga habang. nakahiga sa kama’y naalala kong may isang stick pa ako ng yosi sa uniporme kong hinubad kahapon ng tanghali at malamang eh nakita ni lola yun nang isasalang na sa washing machine kaya siguro nagsuspetsang may itinatago na naman akong bomba sa kuwarto. at nito lang umagang paglabas ko na kuwarto naging tama ang hinala ko, nakadisplay ang ash-tray ko (malinis na) sa lababo para makita ko. ganun din ang ginawa nila sa mga magazine ko dati. inilagay nila sa ibabaw ng ref. walang pumapapansin sa akin. feeling ko eh para akong kriminal, na para bang napakasama at napakadumi kong tao. sabi nga ni lolit solis: HUWAG TULARAN.

pumasok ako ng kuwarto. maya-maya’y may kumatok–si tita–sabay bigay ng baon ko. ipina-abot yun ni lola dahil alam niyang hindi ako hihingi ng baon ngayon at hindi din ako makakatingin ng diretso sa kanya. nahihiya ako sa kanila kaya siguro ay ihihinto ko muna ang yosi. kung ipagpapatuloy ko kasi ang yosi sa labas eh baka mabaliw ako pag-gabi sa pagkasabik matikman ang marlboro. kaya simula ngayong araw ay hindi muna ako magyoyosi para walang problema. malapit-lapit na naman akong umalis nang bahay para magtrabaho kaya naman makakapiling ko ulit si bespren. pero sana sa loob ng maikling panahong pagliban ko sa yosi eh matutunan kong mabuhay ng wala siya.

naks!

hay, ano kayang susunod nilang madidiscover sa kuwarto ko? bumoto sa aking poll


Advertisements

19 thoughts on “huwag tularan

  1. pag “putol putol na katawan ng tao” ang next nilang madidiscover e malamang, sa loob na ng ref mo matatagpuan yun. nyehehe.

    tenks sa pagdapo sa blog ko, jem. tambay lang ako sandali dito ha, basa-basa 😀

    oo nga noh? di ko naisip yun..haha..pero malay mo may ref ako sa room..waah.ano bang sagot yun..haha! newey, tnx sa pagdaan dito.. 😀

  2. nakow! pero kung ganoon mo nga kamhal si marlboro babalik at babalik ka rin sa kanya. pero kung kaya mong itigil, why not?

    wala lang. ayoko namang pakialamanan din ang buhay mo! hehe. sabi mo nga 19 ka na! hehe.

    oo nga 19 years old na’t under da lola’s saya pa din..can’t wait to work..

  3. quit na parekoy!

    mabilis at isa lang ang payo ko..hindi kase ako naninigarilyo. basta, hindi ko lang natutunan. mga kapatid at father ko..nag-i-smoke sila. ako pa nga taka sindi nila nun eh. pero thankfull ako kase hindi ako natuto nito.

    abt sa poll mo…napaisip ako ng seryoso at di malaman ang pipiliin. hehe

    dapat binoto mo na lang si angel locsin..i’ll lab et..haha!
    newey, lucky ka nga dahil di ka natuto..ako nga dati proud na hindi ako nagyoyosi pero ayun, natuto din..

  4. hehehe at may poll pa tapos kaaliw yung choices.

    I agree with Ax and eli. If you can, mas maganda na nga lang mag-quit. Hindi na butas ang bulsa, clean pa ang lungs 😉

    waw okey yan ah..sana nga matagalan kong di magyosi.. 😀

  5. ngayon lang ulit ako napadpad dito. Hayz naku Maya dapat itigil mo na ang yosi habang bata pa magtampisaw sa ulan… este itigil mo na yan, mas mabuti pa rin ang walang bisyo. Nagsusunog ka lang ng pera at the same time, nagsusunog ng baga.

    oo nga noh? ano na kayang hitsura ng lungs ko?

  6. sige bitawan mo na yan yosi, wala maganda dyan…tiyak ko naman na ilang buwan lang mataba ka na ..

    pero..iba talaga eh? feeling ko, lab ko na siya! waaah! shoot! hehe..kahit nung di pa ako nagyoyosi eh payat na talaga ako..

  7. aba! tie si angel locsin at condom. mas okay siguro kung pareho nyahahaha

    ..puwede din..kahit mapagalitan ako ng isang daang beses…hahaha! 😀

  8. brad.. tigilan mo na yan.. siguro yung mga nagawa kong sigarilyo, nayosi mo na.. hehehehe.. sarap yun… ooopsss!!

    .hinay hinay muna lang siguro..and wat do you mean? nagtrbaho ka dati sa company ng yosi? hehe

  9. nung nagsimula akong magyosi, patago rin. pero nung nakita na nila o nabisto na nila, nung sumunod sinadya ko nang ipakita para hindi na patago! ganun lang yun kadali (sana sa iyo din hehehe)

    others ang boto ko sa poll mo…kung sakaling di mo makita kung ano yung other na iyun…tiyanak ang sagot ko hehehe

    ..di ko ata kaya yun..baka palayasin ako ni loladear..haha! grabeh..may tiyanak? 😀

  10. sa totoo masama talaga ang dulot ng yosi….. pero kung di mo kayang mag kwit bawasan mo na lang….. 🙂

    oo nga eh..parang ngayon pa nga lang nagkecrave nako uleht..pero kaya ko toh.. hehe 😀

  11. quit na.. saka na yan.or better yet, don’t even think about doing it anymore.. Government Warning: Cigarette smoking is dangerous to your health.! 😀

    linya ko din kay papcee yan dati pag nagyoyosi siya pero ayun, natuto din..hehe..sana nga makapagquit na talaga for good..

  12. ehe. maraming salamat sa pagdaan sa aking maduming portal. sa di malamang pagkakataon, naligaw ka. apir!

    quitter! ehe. di ko pa din maiwan si marlboro blue. someday, when i find the reason to let him go, i hope i won’t regret.

    panu bayan, ex links na to. ;0

    kudos parekoi. apir apir!

    hehe..ganun talaga..pero sa blogosphere lang ata masarap maligaw noh? ^.^ newey, sige add na kita sa aking oven-fresh blogroll..wait! may marlborong blue? :]

  13. oo noh. ultra lights. haha cool kasi di tumatambay sa kamay yung amoy. ;0 hindi masyadong halata. ehe.

    what’s 1356?!

    untitled kasi yun kaya number ang lumalabas..hehe..okei yun ah..wala pa ako nakikita kahit sa 7-11..

  14. Good to hear that! Sabi nila lahirap daw umiwas sa yosi pero kaya mo yan! Go go go! =)

    hehe..tenks..and proud naman ako na 2 days nang iwas yosi..haha! 😀

  15. Hello Jem!

    Eto na naman ako. Wag kang magsawa ha. 🙂

    Suhestyon ko ganito. Isipin mo na lang na sa bawat isang stick ng sigarilyo na sinusunog mo, yan rin ang katumbas ng pera na sinusunog mo at di napapakinabangan. Susunugin mo ba yong pera o ipapamasahe mo para makarating ka sa paroroonan mo? 🙂

    okei to ah..first time to receive a moving reaction like this.. 😀 i pondered about this, really..

  16. “hinay hinay muna lang siguro..and wat do you mean? nagtrbaho ka dati sa company ng yosi? hehe”

    secret brad… hehehehe… tanong sa lahat… anong kaibahan ng ng lights sa pula??

    hehe..di ko alam yun eh..parang wala..pero may mga occassion na parang sweet yung red..ewan.. 😀

  17. main difference bukod sa color, is the filter size.. mas mahaba ang size ng filter ng lights sa pula…

    kaya yun tinawag na lights…

    at ang lasa, walang epekto yun, pareho lang ng tabako ang gamit ng red at lights…

    haha..sana maexperience ko din yun.. 😀
    uhm, later..dahil iwas yosi muna nga pala ako

  18. EWAN KO!! others yung pinili ko xempre para maiba……. ang sinula ko aswang!

    haha..pano naman may maliligaw na aswang dun?! 😀 newey, tenks sa nakakaaliw mong comment..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s