theses

ppoint1

hanggang kaninang umaga ay masama pa din ang loob ko dahil sa nangyari sa akin kagabi. hindi ko lang matanggap na matapos akong tumulong ay ako pa ang makakatanggap ng kamalasan.

natuloy ang lakad ko noong sabado at nakapag-gawa kami ni SM ng powerpoint presentation ng theses at proposal nila. dapat ay pupunta din ang classmate naming si rich-girl pero hindi siya dumating. ayun, ginawa na lang namin ang mga puwedeng gawin at nagkaroon pa ng dry-run kung paano niya idedeliver ang presentation sa panel. alas-tres ng madaling araw na ako nakatulog nun. kinabukasan ay dumating din si rich-girl at patay-malisya lang sa hassle at delay na dinulot niya sa kapartner niya. hindi ko na dapat igagawa ng presentation ang eksena niya pero dahil tange ako eh iginawa ko din siya. at all in all, natapos namin ang theses at proposal presentation nila within 3 weeks. first time dumating ni rich-girl kahapon.

nang papauwi na kami ni rich-girl, 7 ng gabi ay humingi na ako ng pamasahe kay SM. wala na kasi ako pera nun dahil 50 pesos lang talaga ang dala ko nung pumunta ako sa bahay nila. sabi ni SM ay ililibre daw ako ni rich-girl,dahil napag-usapan na nila yun. so kampante ako na makakauwi ako ng maayos. dapat ay magta-tricycle kami pero pinaglakad ako ng walanghiya, mga 20 minutes din yun at naghintay pa ng 15 minutes sa jeep. nakasakay kami at para paikliin ang kuwento, hindi ako ibinayad ni richgirl at naiwanan ako sa jeep dahil hanggang terminal ako ng balanga.

jem: uhm, rich-girl ibabayad mo ko di ba? sabi ni SM..
rich girl: ah?. bukas na lang ah.
jem: okei sige. (sabay abot ng bayad ni rich girl sa driver)

ang saya noh? pero siyempre cool lang ako. no choice, either makikiusap ako na ibabalik ko na lang ang bayad o bababa ako nang hindi nagbabayad. saka inisip ko na lang na mukha naman akong disente kaya hindi naman ako mapapahiya ng grabe. pero suwerte na din dahil madilim sa terminal at pinatay na ang ilaw sa loob ng jeep bago kami sumapit doon, kaya labag man sa akin eh bumaba na lang ako at madaling lumayo sa jeep at naglakad papauwi habang masamang-masama ang loob sa inabot kong kamalasan.

walang pumapansin sa akin sa bahay nang dumating ako, kaya kumain na lang ng hapunan at habang kumakain ako ay hindi ko napigilang malungkot at medyo maiyak sa nangyari. narinig ni tita na humihikbi-hikbi ako.

tita: umiiyak ka ba? bakit? nagkatampuhan kayo ni________ noh?

hindi ako kumibo at pumunta na lang sa kuwarto dahil naiiyak talaga ako. ehwan pero sa palagay ko eh naging malaking kabawasan sa pagkatao ko yung nangyari. naawa lang ako sa sarili ko dahil unang beses ko naranasan yun sa talang-buhay ko. sandali lang naman ako umiyak, parang gusto ko lang maglabas ng luha dahil masama talaga ang loob ko kay rich-girl. pagkatapos ng paggawa ko ng presentation niya sa kabila ng pang-iindian niya sa amin ni SM eh ginanon pa niya ko. masama din ang loob ko dahil bakit lagi na lang ako poverty sa buhay?! makalipas ang ilang sandali ay pinunasan ko na ang luha ko’t lumabas para kumain. nang tapos n’ay pumasok na ako ng kuwarto, nahiga, at dahil pagod na pagod ay hindi na nakapag-yosi’t nakapagisip. nakatulugan ko na lang ang sama ng loob.

pero ang bilis talagang rumesbak ng karma..hindi ko man ikinatuwa ay wala na din kaming magagawa. hindi nakapasa si richgirl kanina sa theses defense dahil may ipapadagdag sa kanya sa software. akala ko nga’y idadamay na niya ang kaibigan kong si SM sa kalokohan niya dahil umiiyak kaninang lumabas ng room si SM dahil sa madugong interogasyon ng mga panel. pansamantala siyang pinalabas dahil iginisa muna si rich-girl. nakakaawa nga si SM kanina dahil humahagulgol siya sa pagiyak dahil marami silang hindi naipaliwanag ni rich girl. nasayang nga din ang powerpoint presentation namin dahil nasira ang momentum at flow ng defense. pero okei lang sa akin, basta makapasa ang aking kaibigan. makalipas ang ilang minuto ay pinapasok na din si SM sa loob at lumabas naman ng masaya dahil nakapasa siya. may kaunting editing na lang daw sa proposal at sa documentation. gabi na nang paglabas namin ng school. nagpasalamat siya sa akin at inilibre muna kami sa 7-11.

sarap. 😀

Advertisements

8 thoughts on “theses

  1. alam mo buti naman at matuturuan ng lection yang si rich gurl!! di naman lahat ng bagay nadadaan sa pagpapa cute or watever! buti nga sa kanya no.. ^^

    oo nga..pero bakit ba kasi ganun ang ibang tao noh?

  2. thanks sa visit kapatid ^_^ hankapal pala ng mukha ng ritzgurl na yan sana sa sunod makarma xa ulet wag lang masama ang fren mo 🙂

    hehe..sana wag na din..pero kung magpapaka-brat siya eh sige..makarma sana siya all over agin..

  3. ur blog is soo neat and cool!

    tnx ah..but i never thought of this that way before..akala ko nga dati panget at nonsense..pero sa mga natatanggap kong feedbacks, i know that i’m on the right track.. 😀 i just keep it real and simple

  4. the jeepney part sounded like my years in college – yung na-robbed kami along SM city in QC, buti na lang we were not that rich, walang nakuha sa amin.

    baka na-over confident na lang si rich-girl, that gave her a lesson. next thing you know, babalik din sayo yung pagtulong mo sa iba.

    cheerio for visiting my blog.

    oo nga and it did.. 😀 hehe

  5. Haaaay, there is karma indeed. God hears our cries kaya kahet anung hirap ang pagdaanan naten, He will pick us out of whatever dughole we are in. =)

    I admire guys na hinde nahihiyang umiyak or sabihin na umiiyak sila. =)

    Cheer up!

    .actually hesitant pa ako ilagay yun, but i did anyway..hehe..ang hirap kimkimin..baka sumabog.. 😐

  6. Hello Jem!

    Eto honest opinion ko to ha. Sa tutuo lang, hindi ako agree sa ginawa mong pagtulong kay rich girl. For one thing, it’s her paper, not yours. Wala kang obligasyon. Tumulong ng kaunti pero para gawin yong paper niya, no way. One way or another baka nadetect ng teachers na hindi sila ang gumawa kaya medyo pinahirapan. Hindi rin kasi makakatulong yang ginawa mong kabutihan dahil wala ring natutunan si rich girl doon sa paper niya. Binibigay ang ang ganyang trabaho sa estudyante para may matutunan. Kung iba ang gagawa, bat pa siya nag-aral. You are also somehow tolerating her laziness and in effect her bad attitude too.

    Pasensya ka na kung sobrang pranka ako ha. Seguro dahil ayaw ko sa mga ganyang ugali ng ibang mga rich kids. I just can’t tolerate it. 🙂 Hindi naman lahat of course na mga rich kids ganyan. 🙂 But I hope you learned your lesson too. 🙂

    Anyway, cheer up! 🙂

    hay..tama ka nga..pero di ko kasi talaga maiwasang tumulong eh kahit medyo bad pa sila..ang hirap tumanggi, though nagseset naman ako ng boundaries dahil may mga stuff din akong iniiwan sa kanila to accomplish..para naman may matutunan din sila..eniwey, tnx for this, sofie..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s