YES!

masayang masaya akong umuwi kahapon galing sa jobfair ng NCO Clark. nais ko talaga sanang makapasa sa screening, tests at interviews pero hindi ko inaasahan na ako lang ang matatanggap sa  jobfair. ganun sila katindi at kalupet! grabeh. nakakalungkot nga dahil medyo naging tyt na din kami noong ibang naghihintay.

eniwey, kahit na sobrang kaba ko kahapon para sa initial phone interview, nakasagot naman ako nang maayos. nakasagot din naman ako nang maayos sa Behavioral Interview, via phone din. naipasa ko din ang mga tests maliban sa Customer Relation Management test pero na-ace ang Gaming Console test kaya sa Gaming muna nila ako ilalagay. naghihintay na lang akong tawag for further instructions. 🙂

second job interview ko yun at sobrang kaba talaga na kailangan kong uminom lagi ng tubig dahil natutuyuan ako ng lalamunan. naiilang pa nga ako dahil kinakausap ako ng mga kasabayan ko pa-Ingles at hindi ko alam kung sasagot ba ako ng Ingles din. siguro kailangan ko na talagang hasain ang aking english communication skills.

wala pa sa loob ko noong unang sinabi na nakapasa ako pero noong lumabas ako at maglakad-lakad muna, doon ko naramdaman yung saya. para bang sa hinaba haba ng panahon eh ngayon ko lang ulit naramdaman maging winner. hehe. sa wakas makakapagtrabaho na ako! 🙂 kaya pala. kaya pala sa lahat ng pinagaplayan ko na mga fastfood station dito at mga kung anu ano pa, hindi ako natanggap. dahil sa NCO pala ako mapapadpad. hay.. hapi na naman ang maya! 🙂

Advertisements

11 thoughts on “YES!

  1. wow! congrats dude!

    hehe! galeng, ngayon na pahirapan humanap ng trabaho, tapos you’re just waiting for further instructions!

    galeng mo!

    jeremiah: hehe..salamat..pero nagwoworry pa din ako..baka kasi makalimutan nila akong tawagan..haha! 😉

  2. I knew it bro… Kayang kaya mo. At least right now pag nag start ka pwede ka pa ring mag-aral kasi maaadjust mo ang sked mo for the next sem. Pero kung mas gusto mo muna mag work,kahit ano na lang basta masaya ka. Basta wag na wag mong papabayaan ang pag-aaral mo.

    jeremiah: baka hindi muna bro..malayo ang Clark sa Bataan..hard time..at saka baka bumagsak ang katawan ko pag pinagsabay ko..lam mu na..yung mga pamatay na graveyard shift..so work muna talaga.. 🙂

  3. Congratulations! I knew you’ll do good! So what’s next? Hired ka na??

    jeremiah: may training pa daw eh..so kailangan ko muna ipasa yung training before being officially hired.. pero conifdent naman ako na makakapasa ako.. 😀 kailangan maging optimistic..sabi nga ng teacher, “never show any sign of hesitance or pessimism.”

  4. nako. dagdag na naman sa tanikala ng industriya.
    pero, good luck. 🙂 sana masaya jan sa NCO.
    (hindi kasi ako natuwa sa application process nila. tinubuan na ako ng puting buhok kakahintay.)

  5. sabi ko sa iyo eh! try and try habang may buhay!

    hopefully sa mga susunod mong post eh wala na yung ilang reklamo about allowance, kasama sa bahay at yung galing sana kay tita mo!

    keep it up bro! and continue your penchant in photography!

    jeremiah: hehe..tnx bro..i’m trying

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s