puro tanong!

Kahit pagod galing sa streetdance practice, plano ko sana talaga ngayon gawin ang Data Communications report namin sa Monday. parallelportsNaligo muna ako bago magpaalam kay lola dear na aalis ako:

Jem: Lola, aalis muna po ako
Lola: Saan ka pupunta?
Jem: (honestly) sa computer shop po, may gagawin lang
Lola:
Ano? Ano’ng oras ka uuwi?
Jem: Sandali lang po.
Lola: Ano’ng oras nga?
Jem: Alas-otso po.
Lola: Ano’ng oras na ba?
Jem: Ala-siyete po.
Lola: O sige, hindi lalampas sa alas-otso dapat nandito ka na.
Jem: Sige po.

wala naman sa loob ko ang paulit-ulit na pagtatanong na yon, pero nabadtrip lang ako nang sinegundahan naman yun ng tita ko nang makita niya akong papalabas:

Tita: Saan ka pupunta?
Jem: Sa computershop po? Computer ang course ko eh!

patay! namali ata ang sagot ko kaya dinugtungan ko na lang ng makulit na “babye!” sabay karipas ng takbo. sa isip-isip ko tuloy habang naglalakad ako papalapit dito, bakit ba sila puro tanong ‘pag aalis ako? at bakit sobrang higpit nila sa oras eh natapaka-tanda ko na ata para maximum curfew na 8-9 ng gabi? ang nakakainis dun eh alam naman nila na computer science ang course ko kaya normal lang na madalas ako magcomputer sa labas? ano’ng ine-expect nila? alangan naman na stethoscope at sphymomanomtere ang hawak ko. nakakasawa lang. lagi na lang ganun ang senaryo pag aalis ako. dahil dun eh nawalan na ako ng gana sa paggawa ng report. bahala na. tutal napakadami ko na namang ginawa ngayong araw, nagskip pa nga ako ng 3 oras sa praktis para lang maasikaso ang report namin sa Systems Design. kailangan ko muna ng break. uhm, kahit 5 minutes lang?

Advertisements

17 thoughts on “puro tanong!

  1. natawa ko sa sagot mo wehehhe. pero ganyan talaga ang matatanda eh, intindihin mo nalang hehe.

    o nagawa mo na ba ang report mo??

    salamat sa pagdaan sa blog ko. add kita sa links ha. =)

    jeremiah: nakagawa naman ng 5 pages na report..parallel port interfacing kasi yung report namin with matching pailaw ng LED gamit ang Visual Basic..kaya medyo madugo yun..ang problema ko na lang eh ang pagpapaliwanag nun sa mga kagroup ko bukas..hehe..tnx din sa pagdapo dito..add na din kita.. 🙂

  2. kasi nga dugong bughaw ka kaya ka nila pino protektahan…

    pag nakidnap ka ano na mangyayari? mag aalala sila, sino ang mamumuno sa lahi ninyo sa susunod na henerasyon? ang mga kaanak ninyo sa inglatera ano na lang masasabi? nga mga pinsan mo, sina prince charles at iba pa?

    honestly, di ba mas malungkot kung hindi ka na nila tatanungin ano mang oras ka umalis at dumating?

    jeremiah: oo nga tama ka.. pero sana naman kasi huwag mabalasik yung pagtatanong nila..feeling ko kasi pag tinatanong ako, para akong kriminal na pinapaamin..hayz..pero okei na din siguro yun kesa sa magtatanong sila nang: “Oh, ba’t nandito ka?” tuwing uuwi ako..hehe.salamat ah.

  3. hahaha! elders are really like that, cause they don’t have much to worry or think about, they meddle on the kiddos. it can really be annoying at times. but they just simply care, i think =)

    jeremiah: hehe..ganun ba? unfair naman yun..kasi ayaw nila na nakikisawsaw sa kanila..hmm

  4. ahahah oo nga mukhang maxado silang strict sa’yo. Pero nagaalala lang ang mga yon, syempre responsibilidad nila kung ano ang mangyari sa’yo, at sa panahon ngayon wala na talagamng safe na lugar, ang iba nga nasa bahay lang nadidisgrasya pa rin. Pagpasensyahan mo na, concerned lang mga yan. Kasi sino ba naman ang sisisihin ng mga magulang mo kung may nangyaring di maganda sa’yo.

    Minsan ang pagmamahal ang hirap ipakita sa malambing na paraan, kadalasan nauuwi sa pagiging strict para di mapunta sa masamang landas o mapahamak ang mga mahal nila.

    offtopic: I added you to my blogroll.

    jeremiah: hehe..tama ka nga..lahat naman siguro ng mga parents at guardians ganun..

  5. naku time management lang yan pate… nakauwi ka ba ng alas otso? heheh…

    jeremiah: hindi..nalibang sa bloghopping eh..nalate ako ng nine..pero hindi naman napagalitan dahil 9 naman ang max curfew ko..

  6. naku! ganyan tlga silang lahat,
    dati nga me-kebigan ako nagwowork na
    pero pinapakelaman parin ang oras ng uwe nya
    at hindi lang yun, pinuntahan pa yung work nya
    para ma-sure kung totoo ba yung mga sinasabe nya^^

    lalake pa yun a, tingin nila dun highschool??

    ayun! share ko lang..hihih

    jeremiah: waw naman yun.lupet..lucky pa pala ako nang lagay na yun.. 🙂

  7. nawalan ka ng gana sa paggawa ng report?eh anung ginawa mo sa computer shop?hmmmm

    at pahabol, san ka pupunta?hehe

    jeremiah: hindi nga ako nakagawa noong gabi na yun..nagbloghopping na langa..pero tinapos na, ngayon lang..

  8. Ipon na para bumili ng sariling pyuter para di na labas sa gabi. Hihi.. Apir ComSci! ^_^

    jeremiah: isa yan sa mga selfish desires ko..hehe..wish me luck. 🙂

  9. Uy ha atles may concern sau… At teka bka naman kc gs2 nla sumama para magdota at magaudition chorva.Haha

    jeremiah: ayun nga madalas ang iniisip ni lola dear..eh hindi na ako mahilig sa games..ibang games na ang gusto ko..hehe

  10. Minsan naman nagtatanong lang ang mga yan pero wala talaga sa isip nila na magtatanong… parang nakasanayan lang.. nagiging habit na kumbaga. Gaya minsan, diba pag nakasalubong natin mga friends natin tinatanong natin kung saan sila pupunta kahit di naman tayo interesado kung saan man.. hehe.. pabayaan mo na… huwag na mainis, sagutin na lang ang mga tanong nila.. di naman mahirap yon, di gaya ng reports mo na kailangan pa mag research ng kasagutan.. hahaha!

    jeremiah: oo nga naman..mg rhetorical question ba tawag dun ? 😀

  11. haha natawa ko dun ha.. .naeentertain ako sa blog mo hehe kya nga lage ko bnbasa…somehow nakakarelate ako..hihi..

    jeremiah: hehe..sana mahkablog ka na..for sure madami ka din maiseshare na makabuluhan at nakakatuwang storya..tnx sa pagbabasa ng blog ko.. 🙂

  12. Hehe, saan ka ba galing?

    Sariling kuha mo ba yung mga photos sa other artic mo? Ang galing! Pro ka na ata sa photography!

    jeremiah: sa bataan ako ngayon..hehe..yeap, akin din yung mga pics..pero hndi naman ako pro, hobbyist pa lang.. 😀

  13. Hello Jeremiah,

    Normal lang nga ang tanong ng lola mo e at kakaunti lang. Lilima lang e. Hahaha…

    Ganyan din ako. Mas marami pang tanong. At least alam ko kung anong sasabihin ko kung may maghahanap sa yo. 🙂

  14. HahaHa HAi Jem Ka!

    Twa q Ng TwA sa BLog Mu nTo HaHaHa…

    KzE SaSagot LnG aYaW Pang aUcn EhhHh..aHaHaha!!^^

    By tHe Way, lilY lnG 2 JAz DroppinG bY whEheH..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s