weakling

adiksayojpg
9:00 am
bend & break playing on the back ground…

hindi na siguro ako dapat magtaka kung bakit minsan ay nahihirapan na din ako magsulat. sa sobrang busy kasi sa school at iba ko pang ‘extra-curricular’ activities, hindi ko na din nabibigyan ng oras ang pagsusulat. oo nga, may blog ako pero madalas naman ay hindi ko naman talaga siniseryoso ang pagsusulat dito, at kayo din naman siguro minsan. iba kasi yung nagsusulat ka ng may ‘passion’ kesa sa pagsusulat para lang madaliang maipost ang isang ideya o mga bagay-bagay na nais mong mailathala sa blogosphere. isang senyales na siguro ng aking panlalamig sa ‘seryosong’ pagsusulat eh ang paglihis ko sa karaniwan kong medium na Ingles. wala naman akong nakikitang masama sa paggamit ko ng wikang tagalog pero nakasanayan ko na dati na Ingles ang gamitin kahit saang larangan ng pagsusulat, mapa-pangpaaralan man o pang araw-araw na buhay.

iyan na din siguro ang dahilan kung bakit marami akong nasayang na ideya na mapapayabong ko pa sana sa porma ng isang tula o sanaysay. nakakapanghinayang.

noong isang araw sinamahan ko ang pinsan ko sa eskuwela para sa isang praktis ng sayaw, at may isang pamilyar na quote sa pader na nakatawag sa aking pansin…

weak

oo nga naman, kailan nga ba ako huling nagbasa? yung nagbasa ng maayos at seryoso ah. ewan. ang huli kong nabasang libro eh ang walang katoryatoryang Jay Panti Chronicles, minsan eh nagbabasa din ako ng lifestyle section ng diyaryo at obituaries. bukod diyan mayroon din akong librong binabasa dati, ang House of Light ni Joyce Carroll Thomas,  pero dahil sa katamaran eh itinigil ko muna. ilang beses ko na ding pinagtangkaang basahin ang The Siamese Cats, Alliance of Light, Lord of the Flies at yung iba pang libro na binili ko sa booksale out of thrill. nagtangka din akong basahin ang Español al Dia, isang luma at bukbuking libro na pinaglumaan ng aking mama noong siya’y nagaaral pa ng sikolohiya. madaming beses kong sinubukang bumalik sa dati kong hobby ng pagbabasa pero umiiral na naman ang pagiging ningas kugon ko. pati nga mga blog niyo madalang ko na ding mabuksan, pero isa na ding dahilan doon ang limitado kong oras at pera. alam niyo na.

at kahapon lang naramdaman ko na naman ang pamilyar na ‘urge’ upang magsulat o kaya’y magbasa pero sa sobrang pagod ay itinulog ko na lang. sa katahimikan gabi kasi ako madalas magsulat o magbasa–noon. at marahil mamaya ay ganun din pero mas pipiliin ko ang pagtulog sa sobrang pagod. hindi rin pala maganda ang sobrang daming ginagawa dahil kalakip noon ang pagkapagal.

dati ay hiniling ko na magbago at maging active naman ang lifestyle ko. hindi yung puro aral basa sulat blog na lang. pero nagiging unbecoming na ata ako ngayon, wala nang hilig sa pagbabasa at pinanlalamigan na din sa pagsusulat. bukas na ang deadline na binigay ko sa mga staff ko sa diyaryo pero hanggang ngayon wala pa din akong naisusulat na artikulo. nakakapanibago talaga. hindi na yata ako yung dati kong ako. mas masaya pa ata noong may sarili akong mundo. . .

Advertisements

6 thoughts on “weakling

  1. Dumadating talaga ang lahat ng manunulat sa ganyang estado… siguro marami lang bagay na gumugulo sa isip mo, marami kang gustong sabihin at isulat pero di mo naman maisulat. Kung comfy ka na magsulat sa Ingles ay ipagpatuloy mo lang…
    Kung ang pagkakaronng sariling mundo ang isa sa nakakapagpasaya sa’yo, at nagkakaron ka ng kalayaan, you can escape to it anytime, for as long as you always bounce back to reality in the end.
    Don’t be too weary bro.. Kaya mo yan. And maybe kailangan mo lang din magbasa basa ulit para humugot ng inspiration to write again. Lilipas din yan… and the moment you snap out of that state, everything will work out the way you want them to.

    jeremiah: waw..salamat ah..this comment made my day :).dapat nga siguro bawasan ko muna ang mga responsibilidad ko at bumalik-balik muna sa dati kong mga ginagawa..uhm, add na kita sa blogrowl ko.. 🙂

  2. Mukhang malalim nga ang pinagdadaanan mo ngayon ah. Alam ko ang solusyon jan. Kailangan mo ng inspirasyon. Hahaha..

    Wag mo kasi i-pressure ang sarili mo. Kapag ganyan ang nararamdaman ko kinakausap ko lahat ng mga taong nakakapagpatawa at nakakapagpangiti sa akin. Walang problema kahit hindi ka maka-blog ng maraming araw pero ang deadline na ni-set mo bukas ay kailangan mong gawin dahil ikaw ang team lead. Walang excuse. ^_^

    Kung ako sa iyo, magdala ng laptop, PDA, pwede rin notebook at ballpen, sa isang mahangin, mapuno, o madamong lugar at umpisahang magsulat ng mga kailangan para bukas. Mas maraming idea ang papasok pag mas malawak ang area na pinagsusulatan di ba? Ewan ko lang. That works for me.

    jeremiah: salamat sa tip emilayskie..hehe..i’ll do those things..

  3. Mukhang may gusto kang gawin pero hindi mo magawa pero nagawa mo pa rin at may balak pang ulit-uliting gagawin kahit na madalang ang paggawa nito at may mga balakid habang ginagawa. Hehe. Ganyan lang siguro ang pasyon sa buhay – patay-sindi. Sige baka gusto mo pang matulog…

    jeremiah: kailangan ko nga lang siguro ng pahinga.. salamat ah..

  4. good luck sa panibagong issue niyo.sana tagumpay ulit

    jeremiah: salamat abrel..hehe..i’m afraid this could be my last go..baka kasi magwork muna ko..mamimiss ko ang pagsusulat sa diyaryo..buti na lang at may blog tayo.. 🙂

  5. Gudlak sa inyo. at sana maging maganda ito.

    jeremiah: hehe..sana nga..’di pa nga namin masimulan ilayout dahil wala pang maayos ayos na PC’ng gagamitin..

  6. magwowork ka na pla..ako din d ko alam kung san tutungo buhay ko..argh..sayang nman ung genex wala ng mgaling n editor-in-chief hay..kaw n nga lng ata bumbuhay dun e..hay well,well,well..ay c mam edz p pla..=)hehe biro lang..gusto ko din magblog ya lang ang dameng ideas wala lang ako time saka natatakot ako baka mging ningas kugon lang..hay

    jeremiah: hehe..magkakaroon din ng tao na magpapatuloy ng genex, or even better..hehe..basta pagbutihin niyo lang..gudluck sa thesis niyo. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s