Heart Matters

h2

Valentines is over but it seems like love has just started to spring in my heart.

naks!    🙂

Umatend ako kahapon ng Heart Matters, isang youth social gathering na hinanda ng church namin, ang Soul Path, Bread of life Ministries, Balanga. Sa Crown Royale Hotel ang venue at madaming umattend, siguro mga sixty pataas kaya naman masaya ang discussion. Siyempre tungkol sa Love, Courtship and Marriage ang topic kaya in all ears ang lahat habang nagsasalita ang mga life coach namin, sina Coach Edgar at Arman.

Marami naman akong natutunan, like priorities in life, right timing and being the right one. Kaya gusto ko lang magshare ng mga 3 ideas na napulot ko kahapon sa seminar. hindi ako sanay magsulat ng tungkol sa lab so please bear with me..hehe

h3

The Law of Diminishing Return

what will you do when the thrill is gone? maraming relationships ang nagfe-fail dahil sa isang simpleng dahilan: ang pagkakasawaan. sabi nga, “familiarity breeds contempt.” kayo ba naman ang magkasama halos 24/7. pero mas higit pa doon ang “Law of Diminishing Return,” kung saan nagsisimula ang physical contact sa pahawak-hawak ng kamay, pero siyempre sa pangalawa 0 tatlong pagkakataon, nakakasawa na kaya mag-upgrade na sa paakbay-akbay–and the same banana. di makokontento kaya sa kiss naman. at alam miyo na siguro ang kasunod niyan. ayun! pag nagawa niyo na ang lahat at wala nang excitement na nadarama, maghahanap na kayo ng iba. kadalasan yang problema naming mga lalake.

Don’t Let Her/Him be Your Everything

our partners are given to us to be our better half. pero yung mga nababaliw talaga sa pagibig, naeexagerate ang mga kapareha nila to be their everything.

Boy: You are my everything..gagawin ko lahat para sa iyo…naks!
Girl: Everything pala ha?Sige nga. hati tayo sa allowance mo, ibibili mo ako ng bagong cellphone linggo-linggo.

dapat pag nagmamahal tayo ng tao, huwag muna nating ibibigay ang lahat lahat natin dahil pag umalis sila tayo ang luhaan. e di wala nang natira sa atin. eh pano kung dumating yung taong talagang nilaan para sa atin diba? kawawa naman siya dahil naibigay na natin ang lahat at dabest dun sa maling tao na minahal natin dati.

There’s No Such Thing as The Right One

Isa lang ang tumatak sa isip ko dito:

You can marry the wrong person, treat them right and they become the right person. But we can marry the right person, treat them wrong and they become the wrong person.

Mas mahalaga pa rin talaga na ayusin muna natin ang mga sarili natin at maging the right one. diba?

yun lang! 🙂

pero pinakaespesyal na pangyayari kagabi ang makita ko ang matagal ko nang crush sa church. we’ve been friends for quite a short time, and for some reasons nawalan kami ng communications, and the next thing I knew gusto ko na pala siya. I made a move to bring us back together but instead of being closer, I was discouraged and thus shied away. Kanina lang umattend ulit siya nang church at nakasalubong ko siya palabas. I pretended na wala akong nakita. Pero gusto ko talaga siya kausapin but i just can no longer look up to her with a straight face.

“Suplado mo naman,” sabi niya nang paglagpas ko sa kanya. I looked back, just forced a smile and walked away. hindi naman ako kaguwapuhan para mandeadma. pero hindi ko din alam kung bakit ganun. I like her but I can’t help but feel indifferent whenever she’s around.

hay, madami nga akong natutunan sa seminar kahapon pero bobo pa rin talaga ako pagdating sa mga ganyang bagay..

Advertisements

3 thoughts on “Heart Matters

  1. I think I will disagree sa don’t give her your everything. Coz ako ibibigay ko lahat ng kaya ko ibigay at ang buong buhay ko at lahat ng meron ako para lang sa asawa ko….

    jeremiah: yes, that’s just right..kung asawa mo na, at least aware or not, you have the certainty that you’re giving it to the right person..db? it’s better to play safe and sane kung nasa ligaw or bf/gf mode pa lang kayo.. 🙂

    eniwey, tnx for perching on here..hehe..

  2. yes. tama ka jan sa sawaan factor. kaya ako hindi ako naniniwala na may ibang dahilan for break ups.. like the cliche “it’s not you, it’s me”.. simple lang yan eh, kung ayaw na, ayaw na talaga. no enough reasons for that. diba?

    and yeah, don’t let someone be your everything. kase when everything else fails, it would be hard to detach yourself from the “bond” that you created. parang you’ll feel insignificant because you’re not with somebody else. people should learn to stand on their own and not just depend on somebody else.. including their loved ones.

    jeremiah: hehe..yan din ang naging problema ko dati, yung ibinigay at ginive-up ko lahat para sa isang babae na iiwan din pala ako..ipinaglaban ko siya pero sa huli ako din magisa ang talunan..hay..kaya nakakadala na din eh..

    am i making sense? hahaha. sori ha ang haba. 🙂

  3. pero eto may pahabol pa ko.. sa tingin ko lahat ng natututunan natin o nalalaman natin about love will change depende sa mangyayari sa buhay natin. walang plano2, there is no preparing for everything.. kahit sa tingin mo super talino mo na when it comes to love.. kapag nandun ka na, everything will just fall into place. kumbaga sa theatre/show e IMPROMPTU. 🙂

    jeremiah: oo nga naman..love must be spontaneous..you can not force it nor control it.. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s