i want to go home

 

poor-kids-3

lubha akong nalungkot noong minsan nakita ko sa blog ni yhen ang bata na iyan. malapit lang kasi sa bahay namin sa nueva ecija ang barung barong nila at hindi rin nalalayo ang pamumuhay namin, mabuti na lang at nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw.

lumaki ako sa mismong lugar kung saan siya nakatira, nalanghap ang iisang hangin, nasaksihan kung gaano kahirap mabuhay kung ika’y isang hamak na mahirap lamang. buti na lang at pinalaki kami nang maayos nina papcee at mama. sila at mga kapatid ko lang talaga ang inspirasyon ko kaya nagtitiis ako dito sa bataan. dito maganda ang buhay pero, kahit pangit at mahirap ang buhay doon, maligaya pa din ako kapag dumadalaw, nakakakain nang madami kahit ‘di masarap ang ulam. nakakatulog ng mapayapa kahit hindi malambot ang higaan. nothing feels like home, ika nga. sana bakasyon na. hindi nako makapaghintay..

Advertisements

7 thoughts on “i want to go home

  1. Wawa naman yung bata talaga!! Paki-sabi kay aroyo magpa-feeding program sya!!
    ;p

    by the way, u’r link has long been up on my page.. hehe.. wala lang i thought u should know.. i hope u’ll return the favor.. hhehe ;p

    jeremiah: tnx sa comment and for reminding me :)..inupdate ko na blogroll ko..hehe..

  2. sana bakasyon na. gusto kong pumunta ng cebu. miss ko na ang dagat, ang buhangin, at ang mga tao..

    jeremiah: never been there..hehe..pero pangarap ko din makapunta dun and sa davao 🙂

  3. ako naman ay magbabakasyon ng tatlong araw this coming friday. di pa sapat ang tatlong araw pero tulad ng isang adik, kahit isang hithit lang ok na ^^

    jeremiah: hehe..buti ka pa..ako matagaltagal na hirap pa bago makapagbakasyon ng bonggang bongga..haha! grabeh..na-LSS ako sa word na yan ng bonngang bongga…hehe.. 🙂 mga classmate ko kasi

  4. kabayan! taga nueva ecija rin ako. oo nga nakakalungkot ang mga ganyan. taya nalang tayo ng lotto at baka makajackpot tayo. lahi ng prize eh…pagnanalo tayo tayo ng foundation para sa kanila. hehe salamat sa pagdalaw. nalink na kita.

    waw! taga NE ka rin pala..haha! okei ah..minsan naisip ko na din yan kaya gusto kong yumaman ng bonggang bongga..haha!

  5. parang home sick na home sick ka pare…

    even with your previous post. pero dapat din i enjoy mo kung ano man ang meron ngayon kasi baka yun ang solusyon sa mga nauna mong binanggit na problema like allowance atbp.

    isang ngiti nga dyan!

    jeremiah: hehe.. 🙂 salamat..medyo okie na naman ngayon..nakakangiti na ulit. akala ko nga dati mas sasaya ako pag wala nang tali sa leeg pero mas masaya pa din pala pag kasama mo yung family mo..

  6. iba talaga pag binabalikan mo ang isang lugar na kahit hindi naging gaano kasagana ang buhay financially, naging masaya naman kayo as a family.
    minsan maraming bagay na meron tayo na di kayang tumbasan ng pera, at yun ang pinakamahalaga sa lahat ng mga bagay sa mundo.

    jeremiah: tama ka..pero maraming ‘di nakakarealize niyan..

  7. naks talaga namang sikat si lupin dito ah… hehe! nwei, kung may magagawa lang talaga tayo sa mga gnitong exena anoh? thou meron, pero minsan kelangan hnd lang tayo ang gumagalaw pati dapat yung mga taong involve. mahilig lang kasi silang umasa eh. haay

    jeremiah: yeap. tama ka..dati kasi natulungan na din sila ng ibang mga community services pero wala din nangyari..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s