mula kay jeremiah

“Everything is not lost…
you still have your pocket
to run your hands into…”

pinipilit kong dugtungan ang linyang iyan na matagal ko nang naisulat sa aking kwaderno. bigla na lang yang sumagi sa isip ko. wala sa plano kaya hindi ko naipagpatuloy ang intro. pero sapat na siguro iyan para sa sabihin sa inyo na okey na ko. hindi pa naman nawala ang lahat. nakakapaglakad pa naman ako sa daan na parang “wala lang,” nakapasok ang mga kamay sa butas na bulsa..pero masaya.

nagbago na din ako ng theme: Neo Sapiens  mula sa Chaotic Soul na gamit ko dati. hindi naman ibig sabihin nun na magbabago na ang “feel” ng blog ko. siguro mababawasan lang ng mga kuwentong emo pero magiging saksi pa rin ng buhay ko ang blog na ito.

asahan niyo sa mga susunod na araw, makakabalik na din ako.

“Just when I  think that all is gone…
You’re always there to prove me wrong..”

salamat ng madami guys..

Advertisements

6 thoughts on “mula kay jeremiah

  1. nice realization on that. we must think na kahit anong mangyari, meron pa ding matitira sa atin, watever it is at least meron ^^

    jeremiah: yey..tnx for agreeing with me..at least may may natira kahit konti to make up with..

  2. ayos sa first quote. bitterness bordering on letting go. *sigh* tapos na ang valentine’s day di ba?

    jeremiah: hehe..matagal ko na din kasing crush yung theme na yan..kaya inapply ko..but it’s got nothing to do with balentayms day! hehe.. whack it! wala akong balentayms..

  3. how’s your valentine’s, anyway? apart from changing your black and white to red, black and white? LOL

    jeremiah: school bahay kape yosi lang ako nung balentayms..walang nagbago..lalabas sana kami ng friend ko pero hindi ko itinuloy..

  4. I bet it feels good to be on your toes again 😉 I wish you luck.

    Maraming salamat po sa pagdaan sa blog ko. It is much appreciated. Pasensya na I was able to approve your comment only this morning. Kasi po ilang araw din akong offline dahil sa pagkasira ng computer ko.

    jeremiah: okie lang.. 🙂 tnx din for perching on here..hehe

  5. Everything is not lost…
    You still have your pocket to run your hands into…
    That’s why I’m doing this post…
    To tell the world about my feelings for you.

    wala lang.naisip ko lang dugtungan.hehe

    jeremiah: not bad..hehe..actually, para sa isang ex-friend talaga yang tula na yan..hindi ko lang naipagpatuloy..

    “everything is not lost..
    you still have your pocket
    to run your hands into..
    just when you think that all is gone..
    i am here to prove you wrong.. 🙂

    sayang.. 😦

  6. alam mo bro.. i can totally relate to this. Grabe ang pinagdaanan ng buong family ko. From having everything, to giving up everything, to having less of everything, and none of most of the things that we got used to.
    pero isa lang na realize ko.. lahat ng mga bagay na nawala ay ang mga bagay na pwede naman pala kami makasurvive kahit wala sila….

    i’m alive, healthy, i have my family, and we are happy. It’s enough reason for me to say, Life is good and worth living.

    jeremiah: buti naman at hapi familiy pa din kayo. 🙂 ako, gusto ko din magkaroon ng masayang pamilya in the future, though gusto ko talagang maging isang good provider para hindi na danasin ng mga magiging anak ko ang mga dinadaanan ko ngayon..siguro pangarap naman talaga yan ng bawat puno ng tahanan..kaya kahit papaano naiiintindihan ko din ang mga magulang ko kahit may pagkukulang talaga sila..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s