tuldok

sobra nang natapakan ang pagkatao nitong mga nakaraang linggo. sobrang pahirap na ang dinanas ko mula sa mga taong akala ko ay kakampi ko. ayun pala, sila ang maglulugmok sa akin sa kalungkutan at kumukulong galit na akin namang sinusupil para lang hindi lalong gumulo ang lahat. tama. sobra na. ayoko na.

kakalimutan ko na ang lahat. nagawa na ang sira at wala na akong magagawa para ayusin ang lahat. magalit man ako ay ako pa rin naman akong mapapala. ako pa rin ang talo dahil wala akong kakayahan. babalik naman ang lahat kung kanino ito nagsimula, kaya tamaan na ako ng kidlat kung ako ang may kasalanan.

pinipilit kong isipin na ayos na ang lahat para sa akin, magpapatuloy na parang walang nangyari. mabubuhay. magaaral. aayusin ang aking sarili dahil ito ang tama. wala nang puwedeng manakit sa akin. manhid na ako. kaya kahit ano pang mura, panglalait at paninira ang ibato sa akin, wala na akong pakialam.

ngayon, maglalakad na parang ako lang ang tao sa daan, banggain kung sino’ng haharang. ayoko nang magparaya. ayoko nang maging kawawa.

Advertisements

2 thoughts on “tuldok

  1. kakatakot naman…..nahirapan akong mag-isip ng advice..im not good at it ksi eh.

    sana ngayon lang yan..paglipas ng galit mo, balik rin sa dating mabait.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s