kawawa

Sa totoo lang, naaawa na ako sa sarili ko ‘pag naiiisip ang mga problema na kailangan kong malusutan sa mga susunod na araw. simple lang naman ang problema ko, pero mahirap solusyonan, lalo na sa isang studyante na walang alam sa buhay. pera.

kailangan ko ng isang libong piso para mairaos ang partisipasyon ko sa Foundation Day Street Dance ng eskuwelahan namin sa 18. dati maning mani lang sa akin ang mga bayarin sa eskuwela dahil kahit papaano eh nakakapag-ipon ako, pero iba na ngayon dahil wala naman akong iipunin. nagkakasya na lang ako sa kakarampot na ibinibigay ng aking lola sa akin at marami talagang binabayaran ngayon, lalo na’t nalalapit na ang finals. kung hindi sana ako tinanggalan ng allowance ng tita ko (dahil sa bagay na wala naman akong kasalanan talaga) hindi na sana ako nagkakaganito. sina mama ko naman na nasa nueva ecija, hindi ko makontak at lagi atang nakapatay ang telepono. alam na naman nila ang dahilan kapag tumatawag ako. nahihiya naman akong manghingi sa lola ko dahil alam ko na hindi naman ako nagiging kapakipakinabang sa bahay nila. ang tanging paraan na lang eh, manghingi ako sa tita ko, pero ayoko namang magmukhang kawawa. tinanggalan na nga ko ng allowance, lalapit pa ako? hindi naman sa nagmamataas ako, pero alam niyo na yon, di ba? buti na nga lang, pinayagan ako ni sir pao kanina na ipagpaliban muna ang ‘pagdadown’ para sa bayad

hay…sabi ko nga sa sarili ko, magtatrabaho ako pero hindi pa din ako tinatawagan ng mga pinagaplayan ko nang trabaho. atย  dahil malapit na namang magsarado ang klase, naisip kong ituloy na ang nabinbing kong interview sa isang call center firm dito sa Bataan.

ngayon, kagagaling ko lang ng practice at uuwi ng parang– wala lang. pero mamaya, habang kumakain magisa o bago matulog, mangingilid na naman ang luha sa mga mata ko *katulad ngayon?* dahil maaalala ko na naman na nagiisa na lang ako. kawawang bata.

——-

sa mga readers ng blog, pasensya na kung di ako nakakabisita. . . alam niyo na siguro anbg dahilan..

Advertisements

3 thoughts on “kawawa

  1. haaaaaaaaaaaay!

    ok lang yan bro…malalagpasan mo din yan! believe me!

    jeremiah: hehe..salamat..sana nga malampasan din..para naman maging active ulit ako sa blog..haha! pati tuloy bloglife ko, naaapektuhan na…haha! enewey..salamat sa inyong lahat..dahil sa inyo, nakasmile na naman ako o.. ๐Ÿ™‚

  2. hala mag self pity daw ba? nwei, ok lang yan…walang problemang di masosolve… ๐Ÿ˜‰

    jeremiah: ‘di talaga maiwasan eh..para kasing wala na akong malapitan..kahit nga sarili kong pamilya nahihiya ko nang pagsabihan..hayzz..

  3. kaya mo yan! pero i think the best way eh, manghingi ka na lang talaga sa lola mo. syempre, inaasahan na rin nun na bukod sa alawans, eh marami pang kelangang bayaran. hindi naman mabubuhay ang estudyante ng alawans lang talaga.

    jeremiah: hehe..naisip ko na din yan..pero tumatayming muna ako..lagi kasi ako badshot eh..hehe..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s