ako si jeremiah

2:45 pm

maaga ako nakatulog kagabi (8:00 pm) at nagising nang 11:00 am kaya medyo hyper ako ngayon at nagbablog na naman kahit wala naman akong gustong sabihin kun’di yung nadiskubre ko kanina habang nagaalmusal at nagbabasa ng book one ng The Kikiam Experience by: Jay Panti. poocha, naihampas ko ang libro sa lamesa ecopark at mangisi nang mabasa ko ang intro ng awtor sa kanyang Short Introduction Muna chapter:

“Ako po si Jeremiah Panti...”

aba eh kapangalan ko pa pala ang ungas na writer na ito, pero inpernes naman, mas may class naman ang pangalan ko.

“Ako po si Jeremiah dela Cruz Santos…”

o diba? banal na banal. pero sa totoo lang, sinisisi ko nga ang mga magulang ko dahil Jeremiah ang ipingalan nila sa akin. Sa bibliya kasi, si Jeremiah ang “ang nananangis na propeta” o ang “the weeping prophet.” iyon siguro ang dahilan kung bakit lagi na lang akong sawi. hehe.. baka sermonan ako ni brother utoy nito ah, pero sa totoo lang, hindi ko pa nababasa ang buong bible o ang buong Book of Jeremiah man lang. eniwey, may alam naman akong verse sa nasabing libro. actually, ehto ang lifeverse ko:

Jeremiah 29:11

“For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

-NIV

kabisado ko ang verse na iyan at ayan din ang nagtatawid sa akin kapag hindi ko na kinakaya ang buhay. naisip ko nga baka pinapalo na ako ni Lord sa puwet kaya kung anu ano’ng problema ang dumarating sa buhay ko. kaya nga naisipan ko uleht ummatend ng youth bible study ng Trekkers, ang youth group ng church namin. pagkatapos kong magpost eh diretso na ako sa DoΓ±a Francisca..dun sa hideout nila. hehe. hindi ko naman ineexpect na magbabago ako agad dahil sa pagattend muli ng church at ng mga activities, pero sa tingin ko eh kailangan ko nang magseryoso sa buhay, at isa dito ang pagcommit ng buhay ko kay God. naks!

sabi nga sa Ecclesiastes 12:1

“Remember your Creator in the days of your youth, before the days of trouble come…”

NIV

salamat Jay Panti at nakapagreflect ako.. XD

at tnx God, for never giving up on me.. hihi

Advertisements

8 thoughts on “ako si jeremiah

  1. Hi, Jeremiah!
    Masayang-masaya ako para sa ‘yo dahil may pananalig ka sa Panginoon! Para sa akin, walang halaga ang tagumpay ng isang tao kung wala itong pagpapala galing sa Kanya at pasasalamat para sa Kanya. Tama ka, ang mga mabibigat na pagsubok sa ating buhay ay paraan ng Panginoon para magbalik-loob tayo sa Kanya. Hindi ka Niya bibigyan ng pagsubok na hindi mo makakaya. At sa tulong Niya, pag napagtagumpayan mo ang mga pagsubok na ‘to, ay lalago pa ang iyong pagkatao at magbubunga ng kabutihan!
    GOD Bless you, Jeremiah, in all your life’s hopes and dreams!!!

    jeremiah: waw salamat ah..akala ko walang makikiride sa akin post..buti na lang madami din sa inyo ang nagencourage sa akin..medyo, napagisipisip ko lang kasi yung sinabi sa akin ng mama ko:

    “pinapalo ka na ng diyos, anak”

    kaya ayun..natakot ako..eh pano kung di lang palo ang sapitin ko..hehe..sa totoo lang..mahirap talaga..pero sa tingin ko naman, ‘di naman ganun kabilis yun..mahirap magbago..siguro, slowly but surely lang.. πŸ™‚

  2. eh banal pala talaga ang pangaln mo.. hehe.. mas maganda naman pangalan mo dun sa author, kakatuwa yung pilyido.. panti.. hahaha.. seryoso ba yun? ang ganda ng verse tol.. nainspired ako..

    yep..panti daw apelyido niya..pero “Jay Panti” ang ginagamit niya na name..hehe..nakakainspire nga yung verses na yun..kaya nagustuhan ko din..

  3. Nice naman nito. At least yung book na binasa mo ay na-remind ka ng iyong commitment sa nasa taas. Pagpatuloy mo lang yung pag-attend mo ng church activities nyo. Makaka-strengthen sa iyo yan para di mo na laging feel na “sawi” ka. ^_^

    jeremiah: oo nga eh..nakakasawa na’ng laging sawi..

  4. nice. banal na banal ang pangalan ah! πŸ˜‰
    ipagpatuloy mo yan.. hehehe

    salamat sa pagdalaw sa blog ko.

    jeremiah: tnx din, sa pagdaan dito.. πŸ™‚

  5. jeremiah – exalted by yahweh or exaltation of the Lord

    yan ang definition ng pangalan mo according sa internet. hindi masama at may koneksyon din sa bible verse na kabisado mo. kaya don’t wori be hapi πŸ™‚

    jeremiah: waw..salamat at nagsearch ka pa niyan.yehehe..

  6. wow. πŸ™‚ nice post. ^_^

    hi jeremiah. tama ka, may plans talaga si Papa God para sa atin. πŸ™‚ kahit na madami laging problema, matatapos rin naman πŸ™‚

  7. akala ko naman post ng kalokohan.. buti nga may meaning yung pangalan mo eh ako wala kasi gawa gawa lang ata nila to…

    nice one… may gospel pala dito… ahehe.. cheers;p-glesy the great

    jeremiah: hehe..tnx glesy-the-most-great sa pagdaan..uhm, kapangalan mo yung pinsan ko, glesy din pangalan niya..try mo igoogle- baka may meaning din yan. hehe..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s