the scribe strikes back

“The campus paper has been much a part of our lives, since highschool up to college,but seldom has anyone realized the importance of the poor thing. For most of us, it is only a piece of crap which can be dunked straight into the trash after use. But for those who knew better, thank you.”

iyan ang naging intro ng “The Scribe Strikes” article ko sa Veritas, ang column space ko sa campus paper namin. hindi ko alam kung mabubuwisit ba ako o ano dahil nakita kong lukot lukot at may punit ang ilang kopya ng GenEx na naabutan ko sa Technician Room nito lang umaga. Nagsisimula na ang discussion namin sa Technical Writing nang biglang binuklat ng isang classmate ko sa TW yung mga diyaryo. aba, hindi lang pala isa o dalawa ang may punit. lahat sila! at ang nakakatuwa dun, yung mismong column ko ang binalahura ng mga studyanteng gago. pati picture ko pinagtripan. dinrowingan nila ng eyeglass at dinesenyohan ang damit ko ng uniporme ng isang general. ngumisi na lang ako nang ipakita sa akin ng classmate ko yung nakita niya. nabuwisit man ako eh naisip ko na baka tinamaan sila sa laman nun kaya ginantihan nila ang diyaryo at ang walang kalabanlaban kong picture. kung hindi epektib yung pagkakasulat ko eh baka naman hindi lang nila naintindihan. uso kasi ang nosebleed sa campus namin. pero sa totoo lang, hindi ako masyadong nakikiride sa joke na yun. kaya tayo nabobo sa ingles eh dahil ginagawa nating joke. eniwey, wala na akong pakialam sa tumorture sa column ko. magsusulat ako kung ano ang gusto at kung ano ang makakabuti sa lahat. wala akong pakialam kung may magagalit, magrereact o ano pa man. yun naman talaga ang kulang sa diyaryo namin ngayon, yung critical effect. kaya naman sinisikap ko na magkaroon ng kuwenta at kabuluhan ang mga sinusulat namin, hindi katulad ng ibang diyaryo na puro kakyutan lang ang alam. kung sa bagay, yun naman talaga ang gusto ng mga tao cute, kaya ang utak nila cute din. yun lang. asahan nila ang susunod kong article. “The Scribe Will Strike Again.”

-0-0-0-0-0-

panti

mababasa ko na nga pala ang unang nonsense book ni Jay Panti. nabasa ko na ang 2nd at 3rd at nito lang umaga, nagtrade muna kami ni Bhea ng libro, pinahiram ko siya ng Harry Potter and the Order of the Phoenix, at yung The Kikiam Experience naman ang akin. hindi ko ineendorso ang libro dahil unang una, wala atalaga ako balak bumili nito, kaya pahira-hiram lang para may mabasa. pero kung gusto niyo itry niyo din. baka may mapulot kaya kahit papaano. Ang bigat nga ng bag ko dahil ibinalik na din niya Half Blood Prince ko, kaya pagkayaring pagkayari ko magbloghopping, uuwi muna ko para magunload at maligo na din. hindi pa kasi ako naliligo ngayong mga oras na ito. tinamad ako kasi ang lamig kaninang umaga. hindi naman masamang pumasok ng ‘di pa naliligo. mas masagwa ata yung papasok ka nang ‘di pa nagmumumog o nagtotoothbrush man lang.. hehe..

Advertisements

6 thoughts on “the scribe strikes back

  1. masyado akong nakarelate sa post for the day mo. naalala ko yong mga araw na sumusulat din ako sa student publication namin nung college. May ginawa rin akong article about how students behave towards school paper at may kasama pang pieces of advice dun. Hayon, medyo positive naman yong response ng mga students.

    At isa pa pala, i’m also one of the myriad fans of JK Rowlings, HARRY POTTER. I read the first 3 books about 6 or 7 OR years ago, the next two books,3 years ago at yong 6th book last year lang. Hanggang nagyon di ko pa rin nababasa yong last book. Di rin ako nagmamadali ksi ayoko rin mag end yong harry potter fantasies ko. Gusto ko may nilolook forward pa rin ako.

    Isa pa pala, nabasa mo na ba yong bagong book ni JK? THE TALES OF BEETLE THE BARD.

    jeremiah: hehe..buti pa ka pa..ako puro nega ang naririnig ko, pero okei lang..may mga taong matino naman na nagsasabi na okei ang ginagawa namin sa diyaryo..ayun yung mga taong may naiintindihan..

    fan ka din pala ng Harry Potter..nice..dapat magiging fan din ako ng Twilight pero itinigil ko dahil ayoko nang makisawsaw pa..pero sa lahat ng libro na nabasa ko, Harry Potter lang talaga ang ipinapangalandakan kong “FAN AKO”..hehe..eh pano, talagang adik ako dito dati..nakakalungkot nga dahil natapos at nabasa ko na din yung Deathly Hallows..pero buti mabait si JKR at nagsulat ulit, pero di ko pa nababasa yung Beedle the bard niya..walang kwenta ang mga bookstore dito, di nila alam yun..pag napunta ako sa NAtional Bookstore, bibili ako nun..para madagdagan ang koleksyon ko..tnx sa pagdaan 🙂

  2. ako rin. ipinangangalandakan ko ring fan ako ng harry potter, never kong pinalitan yong friendster layout ko na harry potter.

    if walang THE TALES OF BEEDLE THE BARD sa national bookstore, meron sa st francis bookstore o di naman kaya sa fullybooked sa gateway sa cubao.

    di ko pa nga rin yon nababasa eh.

    jeremiah: awts..di ko alam yang mga branches na yan..isa lamang akong hamak na promdi..haha! 🙂 pero hahanapin ko yung Beedle the Bard na yun..baket? nabasa mo na ba? maganda? ay, ikinwento na nga pala yung pinakastory nun sa Deathly Hallows..

  3. hehehe… wag ka ng magalit… minsan talaga di nila alm ano gamit ng skul paper eh…

    hmm… cguro dapat gawing mas interesting siya para di pinupunit at dinodrawingan… yung something na maalala nila kapag bnsa nila… ay ewan ko lang ha…

    kc as far as i remember yung skul paper nmin nung college (white and blue) sobrang ganda ng format at style of writing. yung tipong lite reading lang siya at nakakarelate lahat ng students… basta gnun…

    pero in fairness to you, keep writing! kaunti nalang ang mahilg magsulat kaya ipagpatuloy mo yan. 😉

    wag ka nang mainis or anything ok… nag advice daw ba? hehehe chaka!

    jeremiah : waw..tnx sa advice..siguro nga kailangan pa talagang magimprove..hehe..halos 2 years pa lang kasi yung campus paper namin..kaya hindi pa talaga namin huli yung timpla na magugustuhan ng mga readers..maglalabas kami super-summer-special this march so gudlak na lang sa amin.. 🙂 tnx sa iyong komento

  4. promdi ka nga ba talaga o joke lng? kasi itong ate mo ay probinsiyana na lumuwas ng maynila after earning a degree. at,nagkataon lang na medyo mahilig sa books kaya ganun.

    jeremiah : hehe..sa Bataan ako nakatira..at sa skul, blogosphere, bahay lang ruta ng buhay ko..medyo natigil din ang pagkabookworm dahil sa walang mabiling magandang libro..

  5. napadaan din ako dito… ako ni minsan kahit contribute man lang hindi ko magawa sa school paper eh.. pero gusto ko sanang magsubmit ng essay for youngblood yun nga lang di ko alam kung paano.. hehehe

    jeremiah: waw..di ko naisip yun ah..pano nga kaya magsubmit ng essay sa youngblood? ireresearch ko..sabihin ko sa yo pag nalaman ko..hehe..tnx for dropping by..iwan ka ng link nxt time.. 🙂

  6. ibig sabihin lang effective writer ka, cause you can provoke emotions… parang sa picture, if a photo that you have taken with your camnera has stirred an emtion on the viewer, whether it be positive or negative, it just means that your work has spoken to them… 🙂 salamt sa pagbisita…

    jeremiah: siguro nga..yun na nga lang din ang inisip ko eh..nakakainis lang kasi na makikita mong ginaganun yung diyaryo..it means much to those who have worked hard for it..di lang naman kasi ako ang may gawa nun..i love my staff at ayokong ginaganun ang diyaryo ng skul..hehe..tns din sa pagbisita at pagkomento

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s