eau de vie {cont'd}

alas tres pa ng hapon ang pasok ko mamaya kaya ehto, nagsasayang ng pera para lang makapagblog. actually, para talaga akong tanga kaninang umaga, dahil nagaalala ako sa ipinost ko dito kahapon, sa sobrang highblood ko kasi eh ‘di na ako nagdalawang isip, pero mabuti na ding nakapagpigil, dahil kung hindi baka sa kangkungan ang bagsakan ko kung nagkataon. mahirap ipaliwanag. kaya pagpasensyahan niyo na ako kung hindi ko muna maikukuwento ngayon. okie?

eniwey, maayos naman nagsimula ang araw ko, ako lang naman ang magulo. nakakatawa lang dahil kanina, habang nakahiga ako sa kama eh biglang naglakbay ang utak ko sa ideya ng pagbili ng laptop. (helow?!) siyempre, imposible pa yun dahil wala pa naman akong pera. nainis ako. nabuwisit. at biglang napasigaw ng “buwiset!” ng malakas.

lola: jereme, sino’ng kaaway mo diyan sa kuwarto?
ako: ay wala po!
lola: lumabas ka na nga diyan at magalmusal ka na.

nakaischedule talaga ang pagrereview ko kanina: trigo, java, c++, system design, data communication at pe. lahat yan kasama sa midterm ko bukas. pero nabasa ko kagabi sa isang old column ni PrinsesaMusang sa The Defender, na nakakadagdag sa stress at pagka-emo ng tao ang atmosphere ng paligid niya kaya yun! naglinis ako ng kuwarto ng wala sa oras-as in super general cleaning na tumagal ng dalawang oras. pero satisfied naman ako sa performance ko pati na din sa outcome ng trabaho ko. palagay ko, epektib nga kasi medyo gumaan ang pakiramdam ko. hindi katulad dati na bawat bagay na tingnan ko eh nakakairita sa mata. nagspray din ako ng pabango–ni mama–yung “Eau de Vie” (Water of Life, i guess) na nakalimutan niya, ang bango sobra..kaya pakiramdam ko biglang naging spa ang kuwarto ko. parang nagkaroon ng buhay. hihi.

sana lang matupad ko yung unang entry ko sa papemelrotti planner ko na–

February 3: “Magrereview ako ngayon!!!!”

continuation… 🙂 [4:15 pm]

hay, hindi ko alam kung sasaya ba ako o maiinis dahil walang klase. dapat pala nagbloghopping to sawa na lang ako kesa sa maghintay ng dalawang oras sa library at magpagalagala sa loob ng napakalaki (really?) naming campus. at speaking of library, sobrang natawa talaga ako sa nabasa kong article sa Feb 2 ng Philippine Daily Inquirer, nakalimutan ko na yung title pero excerpt ito ng mga erroneous, cheesy at nakakasupertawa na lines mula sa isang libro: Reading for Grade 6: English for You and Me. Let the laughter begin. (would you?)

-humans may turn blue when they cry
-Ms. Vera, please entertain this computer
-To heal Earth yourself, start with your cat
-Comfortable means having comfort
-Do you feel like you’re a newborn today? The Eart has come off age, giving us time to be born.
-Still, life is going on, you continue to breathe and sigh. You keep walking and leaving. You think and sleep for days.

actually marami pa yan, yan lang yung ilan na nagpatawa sa akin kanina. kahit nagisa (as in saute?) yung author nito sa mga gawa niya eh at least naentertain naman ako sa mga “punchlines” niya..haha!

going back..

hindi talaga ako dapat magbablog ngayon pero wala na talaga akong magawa kaya napilitan na din. sana matupad ko na yung pangarap ko na makapagipon at makabili ng pc o laptop, pero siyempre bago yun kailangan ko muna magaral nang mabuti at matanggap sa trabaho na pinagaaplayan ko, sa Jollibee, Mcdo at Chowking. poocha. ganito na ba ako kadesperado? hay, kainis talaga ang buhay. ang hirap maghanap ng pera. siguro, ang pinakamaganda, umuwi na ako nang bahay at simulan nang magreview, nang makapasa sa mga pagsusulit at makamit ang aking mga pangarap! haha!

gud pm guys 🙂

signature

Advertisements

4 thoughts on “eau de vie {cont'd}

  1. Tama. Napagaralan din namin ‘yon sa Ecology. Environment is anything that affects an organism. Hahaha. Anyway, ayos yun ha. Siguro kaya tinatamad akong magaral dahil marami akong nakikitang nakakainis. Dapat simulan ko ulit maglinis linis. Haha.

    Hala ang cute. May planner ka pa. 😀

    jeremiah: hehe.tinuro din yun sa environmental science class namin dati..so may application pala talaga yun in real life..haha! 😉 yeap..may planner ko, actually first entry ko yun..i skipped january kasi..

  2. ganon din pala gagawin ko sakali na marumi na ang bahay ko..para di rin ma stress..may napulot kahit papano..nakidaan lang..

    jeremiah: salamat din sa pagdaan.. 🙂

  3. good…good… gnyan dapat ang attitude. kaya lang pag nag-aral ka madaragdagan lalo stress mo. jowkkk! hee-hee! teker and gudluck sa exam at job hunting 🙂

    jeremiah: hay, tama ka.. 😦

  4. napadaan lang po. eau de vie? iniinom po namin yan dito sa France as digestif after the dinner. para syang grappa ng italians o vodka ng mga ruso.

    journalism po ba ang kinukuha nyo o creative writing?

    teka, bakit kita pino-po eh mukhang five years ang tanda ko sayo?

    don’t answer that.

    God bless.

    jeremiah : waw..so special pala ang word na “eau de vie” sa inyo..hehe..none of your guesses was right….pero journalism sana ang gusto ko..kaya lang, di kakayanin ng magulang ko ang panagarap, so nag ComSci na lang ako, backed up by a scholarship..hayz..tnx sa pagdaan ah..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s