inspirasyon

genbiglang nabuhay ang loob kahapon nang magconduct ang student publication org namin ng isang seminar-workshop para sa mga staffers ng GenEx, at para na din sa mga nagaaspire na magsulat para sa aming diyaryo. inimbita namin, si Prof. Nomer N. Varua, isang mahusay journalist noong siya’y nagaaral pa sa Bataan Peninsula State University, dalawang taon na ang nakakaraan. ngayon ay isa na siyang guro sa nasabing unibersidad (main campus). matagal ko na siyang kilala sa pangalan. “Nomer Varua”–nabasa ko na ang ilan niyang akda sa The Defender, ang student publication ng BPSU Balanga Campus, kaya naman natuwa ako nang malaman kay Mam Edz (GenEx Adviser) na si Sir Nomer ang magiging speaker namin sa seminar. Gayon pa man, hindi ko naiwasang kaawaan ang sarili ko dahil sa panliliit, hindi dahil sa dami ng parangal na natamo niya sa pagiging student leader at manunulat, kun’di dahil sa pagtingala sa kanya ng mga kasabayan niyang studyante na ngayo’y reacher na din sa EASTWOODS gaya ni Mam Edz at Clair. Nakakainis isipin na hindi ko pala napangalagaan ang oportunidad na ipinagkaloob sa akin bilang EIC ng aming diyaryo. oo, naging maayos ako at nagpaalipin sa mga responsibilidad, pero hindi pala sapat yon, dahil napabayaan ko ang aking pagaaral. nakalimutan kong bilang isang EIC ay responsibilidad kong maging isang huwarang magaaral. nakakalungkot isipin na sa kabila ng tagumpay ko sa pagbuhay at pagtataguyod ng Campus Journalism sa aming eskuwelahanay eh bigo naman akong maibigay ang ekspektasyon ng karamihan sa naturingang Mr. EIC nila. kaya nga napag-isip isip ko na ayusin na ang sarili ko, kasama na ang aking pagaaral. sa totoo lang, hindi naman talaga ako bobo, tanga siguro oo. kailangan ko lang ng focus, sabi ng iba. pero inspirasyon lang talaga ang kulang sa akin. at ayun ang natagpuan ko nang hindi inaasahan kahapon sa seminar.

hindi iyon yung inspirasyon na nakukuha sa pagbabasa ng libro ni john maxwell, o ni bob ong–tapos sasabihin mo sa sarili mo na idol mo na si bob ong. hindi rin yung yung tipong kikilabutan ka sa ‘di malamang dahilan, matapos ang pakikinig ng mensahe sa simbahan.

napagtanto ko lang na yung hinahanap kong inspirasyon eh kaharap ko lang pala. hindi ko lang nakikita. si Sir Nomer ang nagpaalala sa akin na may silbi pala ang ginagawa ko, na meron pala akong bilang. hindi naman puro papuri lang ang sinabi niya sa diyaryo namin pero dahil sa kanya, nalaman ko na nasa tamang landas kami. sapat na yun para mapawi ang pagkadismaya sa sarili na una kong naramdaman. sabi ko sa sarili ko, magiging katulad niya din ako, na lalo ko pang paghuhusayan, hindi lamang sa aspeto ng pagsusulat kun’di sa sa sarili ko ding pagaaral. magsisimula yun sa araw na toh.

bago kami maghiwahiwalay ay pinahiram niya ako ng libro na Handbook of Journalism ni Jose Luna Castro’s, isang classic na bihira na lang makita sa mga aklatan. Sinubukan ko ngang maghanap ng larawan sa internet pero wala akong makita. Sabi niya, magset na lang daw ulit kami ng isang informal meeting bago mailabas ang irerelease na issue sa march, bago magtapos ang klase.

ngayon, malinaw na sa akin ang lahat, mahal ko talaga ang pagsusulat at gagamitin ko ito para maging makabuluhan at masaya ang buhay ko sa kolehiyo.

Advertisements

3 thoughts on “inspirasyon

  1. wow magaling talaga si sir nomer, at kaya nabigyan kanya at naimpluwensyahan ka nya na ipagpatuloy ang mga nasimulan muna.. I wish you the best and everything sa lahat 🙂

    waw! kilala mo pala si sir varua?

  2. Hello Jeremiah,

    Good for you, at narealize mo. May talent ka so gamitin mo. Bata ka pa, at malayo pa ang mararating mo. Ang inspirasyon mo ay ang sarili mo mismo. Good luck!

    jeremiah: waw, salamat sofie..daig mo si Sophie’s World sa paginspire sa akin ngayon ah..haha! kurne..newey, salamat uleht..

  3. hahahahaha!!! natuwa naman ako sa post mo na to! god bless at sana ag magtuloy tuloy ka na!

    carpe diem! seize the day! make your life extraordinary!

    waaah!!! sir nomer natunton mo ang blog ko?! hehe..tnx ah..though may mga goals ako na hindi narating eh magpapakatino pa rin naman ako this time..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s