yosi at kape

yosiatkape1

ilang araw din akong hindi nakapagsulat sa blog na ‘to, kahit na maya’t maya ko binubuksan. pinipilit kong magsulat ngunit hindi ko magawa dahil hindi ko din alam kung ano ang dapat maramdaman.

manhid.

sa mga nakaraang gabi, bago ako matulog ay patuloy pa rin akong binibisita ng mga bagay na akala ko’y nakalimutan ko na.

ang mapait na buhay sa hayskul.
ang una’ng pagkasawi sa pagibig.
ang hindi pagtungtong sa entablado ng pagtatapos.

ang muling pagibig.
sa isang babaeng hindi ko pa nakikita
na naging sanhi upang
mawala ang kaisa-isang kaibigan.

ang pagkuwestiyon sa aking katauhan
na pilit kong pinapatunayan.

ang paglaban para sa aking sariling karapatan.

minsan, mas may kapayapaan pa ang pagiisa sa sarili kong silid, kasama ang kape at marlboro. may mga sugat na hindi kailanman maghihilom sa paglipas ng panahon. ang tanging paraan lang upang makaalpas sa mga masalimuot na ala-ala ay ang paglulunoy sa alak o kape, o ang unti unting pagbalot ng usok sa aking kuwarto hanggang ako’y makatulog.

mahirap. masikip. masakit. minsan hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman. hindi ko na alam kung paano papakitunguhan ang mundo, kaya nakukuntento na lang ako na makisalamuha sa mga taong hindi alam kung sino ba talaga ako. kayo.

salamat.

Advertisements

17 thoughts on “yosi at kape

  1. dumarating talaga sa ganyan
    yung parang wala kang laman
    hindi mo alam
    kung paano kikilos
    sa labas ng katawan mo

    sa sobrang pagmumuni sa mga tanong
    nakakalimutan ang paghahanap ng sagot

    kapag handa ka na
    sa tamang panahon
    πŸ™‚

    jeremiah: siguro nga..

  2. nagtatanong…nagkukulong
    may mga salitang gustong kumawala
    pero sa lamig ng hanging naniniid
    pananaw sa isip ay napapatid!

    sa wakas pare nabasa ko rin yung tula mo na matagal nang pinaplano hehehe….pasyal k naman

  3. nag-iisip…nagtatanong
    may mga salitang gustong kumawala
    pero dahil sa lamig ng hanging naniniid
    mga kwento sa isip ay laging napapatid!

    sa wakas pare nabasa ko rin yung tula mo na hindi mabuo-buo hehehe. pasyal ka minsan

    jeremiah: actually ‘di pa yan yun..hindi ako makapagsulat sa bigat ng dalahin kaya napilitang ilabas ang saloobin..ang tulang sinasabi ko ay ito:

    the rain is falling gently
    and so does in my mind
    silver mists come flooding in
    engulfs my spirit blind

  4. ayos, nagmuni-muni na lang. ^_^

    next time ko n lng sasagutin yang tula mo ng isa pang tula. grabe, naghahanap ako ng maraming ka blogrolls dito sa wordpress. hehe. add na rin kita ah

    salamat..add na din kita

  5. may pinanghuhugutan ka po ata… hehe! nwei, very expressive ang poem. nice one! tagos malamang sa buto yan!

    jeremiah: ganyan talaga, pag sinasapian ng yosi at kape..hay, gusto ko din naman makagawa ng isang postibong blogpost..pero nangyayari lang yon once in a blue moon.. 😦

  6. hi J, ayos na combinasyon yan yosi at kape! hehe

    Naalala ko tuloy yung ako’y hindi pa dala este,noong ako ay dalaga pa,kala ko hindi ako mabubuhay pag ala si yosi at kape. Syempre itong dala na ako,errr may asawa na!Iba naman pinagkaka libangan ko! hehe

    Salamat sa pagdaan! happy weekend!

    jeremiah: masayang weekend din sa iyo..yey! makakapabloghopping to sawa na naman ako..enewey, adik talaga ako sa kape, at lalo pang nagiging adik pag may yosi..perfect combination noh? πŸ˜‰

  7. hi jem! isama mo na ko sa mga bago mong makakasalamuha dito sa blogosphere. nice poem. ganyan din ako dati pag tinatamaan ng melancholy, dinadaan sa pagsulat ng poem. and it really helps para malabas mo yung suppressed feelings.

    btw, here’s my new domain, http://apieceofkeyk.wordpress.com/ (dating “anotherfrustratedwriter”). bisitahin mo ha and paki-add na rin sa blogroll mo πŸ™‚

    jeremiah: hehe..salamat, pero sana makapagpost din ako dito ng mga masasayang post..and waw ah..gawa na pala iyang bago mong blog..cge, iaaupdate ko yung blogroll list ko πŸ™‚

  8. lungkot naman.

    sabi nga, we need to learn how to forgive and forget. move on and…

    enjoy life.

    pero papano?

    start appreciating yourself, at gumawa ng gaya neto. imaginative pero the kape and yosi is making it worst, don’t you think?

    salamat sa pagbisita sa blog ko.

    jeremiah: mas mahirap magpatawad ng sarili..ako din naman ang may kagagawan kung bakit naging ganito ang buhay ko..tatangatanga kasi ako noon..pero sabi nga “just live with it”..so okei na din kahit papaano..salamat sa pagdapo..

  9. you are deep man.wow.

    however, you seem sad.don’t be.

    stay positive if you can. :p

    jeremiah: hehe..minsan lang talaga ako maging ganyan..pero sa totoong buhay, mababaw lang ako..ewan ko ba pero pag isinasatitik ko na ang mga salita, may lalim..siguro ganun talaga..pag emo..haha!

  10. ramdam ko, at alam ko, kung ano ang pinagdaraanan mo. unfair talaga ang buhay, kasi parang mas maraming problema ang sumasalimpad sa atin kaiba sa ibang nilalang sa mundo. wala sa tao ang solusyon minsan. minsan, masusumpungan po ito sa presensiya ni marlboro at kape. πŸ˜‰

    kudos sa sawi at nagsasawi-sawian.

    jeremiah: hehe..mabuhay ang mga emo!!!! teka, emo ba ko? πŸ˜‰

  11. tagay muna bro! …

    ** minsan mainam din nagpapakasenti, dyan kase mas nakikilala natin ang ating sarili. pero don’t be hooked up on it. kung may mga bagay na hindi nakakagaan dapat iwanan na. start living life light! para lang yang maya dyan sa header mo, mahirap lumipad pag maraming dinadala.. kailangan bawasan.. wooyyyyy na carried awat lang ako pasensya na nyhahaa!

    emo to the max to ha! napadaan lang narinig ko ang huni ng ibong maya hehe! diko alam dito pala ang punta.. may drama rama! ^^ peace!

    cheer up man! life is good! ang sarap mag blog pag me mga ganyang naiisip! rock on!

  12. “ang pagkuwestiyon sa aking katauhan
    na pilit kong pinapatunayan.

    ang paglaban para sa aking sariling karapatan” wow..panalo to. hanep.

    salamat sa pagdalaw mo sa bahay ko..

    jeremiah: medyo malalim ang kataga na iyan..hindi ko alam kung masasagot kung may magtatanong kung sakali man..anyone?

  13. na try ko na rin ang yosi at kape.. mas masarap siya kesa sa yosi at coke^^

    ayos lang yan, kung wla ka masulat wag mo pilitin ganun din ako katamad:) pero wag mong hayaang lunurin ka ng mapait na sitwasyon
    o nakaraan dahil kahit san mo tingnan.. ikaw pa din ang talo, hindi mundo, hindi kame at mas lalong hindi ang mga taong umaalipusta sayo..

    jeremiah: natry ko na ang yosi at coke at kung anu ano pang combination..pero pinakaeffective, lalo na, sa mga emoments na ganun, ang yosi at kape..hehe..minsan okie din na nakakapagrelease sa ganung paraan, pero talagang hindi rin pala maganda na lagi na lang ganun..ako pa rin ang boss ng buhay ko..hindi ako dapat masyado nagpapaapekto..

    tnx sa comment at advice.. πŸ™‚

  14. nako nako.. masama iyan sa iyong kalusugan parekoy. πŸ˜€ tsktsk.. HMM. ^^ idaan mo na lang kaya sa TULOG ang lahat? alam mo ba na one stick ng yosi? ay katumbas ng isang araw na nawawala sa iyo sa inilalagi mo dito sa mundo? wala lang, yun eh sabi ng ate kong doktor. tinatakot niya ko, HAHA. ndi naman ako natakot, pero ndi din kasi ako nagyoyosi..

    ndi yan solusyon sa problema anak. πŸ™‚ wow, may anak.. ahaha ^^ ayun. yun lang. yun na yun. πŸ˜€

    umepal.. πŸ˜€

    –gudang!

    jeremiah; waw..salamat sa babala. buti na lang pala, medyo iniiwasan ko na ang yosi ngayon..nakatulong din yung problema ko sa pera at hindi ko na naiiisip bumili ng yosi ‘pag may naririnig na kalansing ng barya sa bulsa..haha! πŸ™‚
    hay..grabeh..hapi na naman ako πŸ™‚

    hindi naman halata noh? puro ako smiley πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s