sugat!

may masamang nangyari kaninang hapon nang umuwi ako ng bahay galing eskuwelahan. nakalimutan ko kasi yung 5th trigo plate ko kay sir macalinao. kasabay ko si kimpoy pauwi ngunit naghiwalay din kami ng daan. pinaguusapan namin kung ano ang magandang ipangalan sa magiging hamster ko, at kung paano namatay nang isang araw lang ang pagitan ang mag-asawa niyang hamster noon. dumb2

noong makauwi ako ng bahay, agad akong kumuha ng isang buns sa magical floating basket (guess why) at nagtimpla ng ice cold na kape. hindi ako naligayahan sa kakaunting lamig ng una kong timpla dahil mainit talaga ang katawan ko na kagagaling lang sa arawan, kaya nagtipak ako ng yelo gamit ang isang matalim na kutsilyo sa kusina. pak! may natapyas. lagay baso. isa pang pak. wala. pak! wala pa rin! pak! puteek! tapyas ang dulo ng kaliwang hinlalaki ko. agad itong dumugo at para bagang kumikislot-kislot pa. masakit. dali dali kong itinapat sa gripo at nilinis ang dugo. chineck ko ulit bago ko lagyan ng benda, ayun! tapyas nga, kung ‘di na magdidikit yung nagkahiwalay na laman, habang buhay na akong magtataglay ng pangit na kaliwang hinlalaki. tsk. tsk. pero buti na lang at hindi yung kanan ang nasapul dahil baka hindi ako makapagsulat, midterm long quiz pa naman kanina. pero naging okei naman ang lahat. may mga nakapansin ng benda ko sa kamay pero, tinawanan ko na lang ang katangahan ko, dahil maliit lang na katangahan ito..

.

.

.

hindi katulad nang sumakay ako ng bus papuntang avenida, na hindi dala ang wallet ko!

toink

Advertisements

2 thoughts on “sugat!

  1. lol. hindi yun katangahan baka may iniisip ka lang lagi. aysusts! hehehe..

    btw, nice blog, naalala ko tuloy dati kong blog ganito din yung template.. (share lang) 😀

    jeremiah: sa totoo lang para talagang laging lumulutang ang utak ko..kaya masyado akong prone sa disgrasya at katangahan..marami pa namang namamatay dun 😦

  2. pugad maya kapatid ba ito ng ilog pipit?

    ayos ha, you are not dumb, peksman, you’re just really dumb. peace! sayang sana kinuhanan mo ng litrato yung tapyas na hinlalaki, souvenir baga!

    x-link? add kita ha!


    jeremiah: wala na kasi akong maisip na ibang pangalan..newey, wala akong camera hindi ko nakuhanan..pag natanggap ako sa trabaho, isa iyon sa bibilhin ko, bago celfone.. 🙂 add na din kita..tnx sa comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s