aning

nagtapos ang araw ko kagabi sa pag-attend ng mid-week service ng Bread of Life Ministries. Ayun, nakapag-pray ako at last, makaraan ang ilang buwang paglisan sa ministeryo. Nagpasalamat ako sa lahat ng blessings, at nagpramis din na magpapakabait na. Nakakuwentuhan ko ulit yung mga kaibigan ko sa Youth Ministry (TREKKERS! mahilig kasi kami umakyat ng bundok haha!) at umuwi ako ng masaya.

akala ko nga, makakatulog ako ng mabuti dahil nagsimba ako. pero first time ko binangungot habang natutulog. Buti nga nagising ako agad dahil sa paglikot-likot ng ulo ko. Alas-tres na ng madaling araw nun. Napanaginipan ko na naglalakad daw ako sa madilim na kalyeng dinadaanan ko tuwing alas-otso ng gabi, galing sa eskuwelahan. kasama ko yung lahat ng TREKKERS. pero dahil teritoryo ko yung nilalakaran namin, nauna ako–nang magsigawan silang lahat. Natakot ako nun, pero hindi ko pa nakikita kung ano yung nakita nila. Tapos may nakita akong kulay itim na pigurang papalapit…aktong tatakbo ako sa takot..pero nagising na ako, palinga linga sa paligid. malamig, pero wala namang kakaiba. dapat kasi hindi na ako nag-yosi bago matulog. sabi ko pa nga “Lord, please isang stick na lang..” hehe..aning talaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s