ang buhay GE

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng screening para sa bagong editorial staff ng College paper namin. At hindi rin naging madali sa akin ang pag-ako ng responsibilidad mula sa paghahanap ng mga staff, pagpaplano ng contents, pagpopost ng mga announcements, paghahagilap sa mga advisers namin, pagbisita sa Office of Student Affairs, pagiisip ng Editorial material, pagdadraft ng logo namin at pagiisip ng magandang pangalan na maaari naming ipalit sa kasalukuyang pangalan ng diyaryo namin ngayon, GENOSIS EXOUSIAknowledge is power” daw. Pero kailangan ko pa ng kaunting kapal ng mukha para magpropose ulit kahit isang beses nang naibasura ang mga title na sinuggest ko katulad ng THE LUMINARIUM na sa tutuusin naman ay mas may laman kung etymology lang ang paguusapan. Pero skip muna ako doon. Dahil dapat may maipakita muna kami sa mga NAKATATAAS sa amin. At ayun ang isa sa mga problemang bumabagabag sa akin ngayon. Malapit na ang sembreak; dapat sa unang linggo ng second sem eh meron na kaming diyaryo na maipapamigay sa mga estudyante. Pero mabagal ang pagusad namin. Wala pa rin kaming nasisimulan. Napapagod na akong mamroblema sa mga bagay na dapat ay ang ibang staff ang namomroblema. Pero kung hindi nila magagawa sino? Sinisimulan ko na ngang mangolekta ng mga “raw materials” na gagamitin ng mga newswriters para madali nilang magawa ang mga articles nila. Nagiisip na din ako kung ano ano’ng mga topic ang bubuo sa “suma total” na impresyon ng susunod naming issue at kung anu ano pa. Mahaba ang listahan.

Sa totoo lang masaya naman ako dahil ito naman talaga ang gusto kong ginagawa, ang magsulat. Pero nalungkot lang ako dahil sa kakaunting nagpakita ng interes sumali o suporta man lang sa diyaryo namin, isang implikasyon na bihira na lang talaga sa mga tao ngayon ang may pagpapahalaga sa pagsusulat at pagbabasa. Kaya maraming bobo sa Pilipinas. Hindi naman ako nagmamayabang o nagmamataas. Pero iyon ang totooo. Bihira ka na lang talaga makatagpo ng tao na may sense at malawak na kaalaman, pagkakaunawa at interpretasyon sa mundo. At kaisa tayo sa “kakaunti” na yun, tayong mga taong nagpapatakbo ng blogosphere. Dito nakapagsusulat tayo dahil alam nating may mga tao na nagbibigay ng panahon na magbasa sa mga isunusulat natin sa blog, may sense man o wala; maganda man o panget; katatawan man o kadramahan o kahit wala lang. Either sila ang natuto sa atin o tayo ang natututo sa kanila, o pareho lang. Kaya kung papipiliin ako, mas okey pa din ang blog kesa mailagay ang pangalan ko sa masthead bilang EIC. Hindi ako magaling magsulat. Hindi ko nga deserve ang posisyon ko ngayon, pero may pagpapahalaga ako sa pagsusulat at pagbabahagi ng kaalaman sa iba. At isa iyon sa wala sa kanila.

Advertisements

2 thoughts on “ang buhay GE

  1. keep writing, whether online or in paper. ang importante e nagsusulat ka, at natututo ka. nakakatuwang marami pa rin ang dedicated writers, yung mga taong hindi nagbablog just for the audience and traffic and comments. in a way, maganda rin ang comments, why? because it lets you know how far youve come, kung gaano ka nag-improve.

    :p now, jem, may i ask you why do you write?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s